Napangisi si Chloe habang kumakain ng mansanas dahil sa mga ibinalita sa kaniya ng mga tauhan niya. She's in New York right now and she's already four months pregnant. Maliit lang ang tiyan niya kaya hindi halatang buntis siya. Noong araw na umalis siya sa baryo ay dumeretso kaagad siya rito sa New York para magpalipas ng sama ng loob. Kalaunan ay napagdesisyunan niya na manatili muna rito hanggang sa maisilang niya ang anak niya. Ang paalam niya sa Yaya Lucy niya ay may mahalaga siyang aasikasuhin rito. Hindi niya binanggit sa matanda na nagdadalang-tao siya dahil baka atakehin ito sa puso. Hindi nga sana siya lalabas ng bansa kaya lang naiisip niya na maigi na rin na lumayo muna siya para makapag-isip siya ng mabuti tungkol sa mga hakbang na gagawin niya. Nagsisimula pa lang si

