Nanlumo si James dahil sa nalaman niya kani-kanina lang. May mga kalalakihan kasi na pumunta sa baryo nila at sinabihan silang lahat na mag-impake na raw sila dahil may nakabili na raw ng lupa niya. Ibinenta na raw ito ni Chloe ng fifteen million pesos. Hindi niya akalain na ibebenta ni Chloe ang lupang pag-aari niya na halos triple ang laki kaya malabo na talaga na matubos niya pa ito. Sana man lang binigyan siya nito ng abiso para kahit papaano ay nakapaghanda sana sila. "Ano na ang gagawin natin ngayon? Tuluyan na ba talaga tayong aalis sa lugar na 'to?" tanong ni Jessa na punong-puno ng pangamba. Kung nangangamba siya mas lalo na ito dahil alam niyang walang-wala ito. Kanina pa ito palakad-lakad sa harapan niya habang kagat-kagat ang daliri nito. "Umupo ka nga muna, Jessa. Hin

