"Ma'am Chloe, hindi pa po ba kayo uuwi rito sa Pilipinas? Nag-aalala na po kasi ako sa kalagayan ni Sir, eh," imporma ni Aklas nang tawagan ito ni Chloe. Si Aklas ay isa sa mga tauhan niya na inutusan niyang magpanggap na ito na ang bagong may-ari ng lupa ni James. Pinalabas niya kasi na ibininta niya na sa ibang tao ang lupa ni James na nakasangla sa kaniya para pahirapan ang lalaki pati na ang ilan sa mga taong nakatira roon. "May nangyari ba sa kaniya, Aklas?" seryosong tanong niya rito. Paminsan-minsan ay tinatawagan niya ito para makibalita sa mga nangyayari sa baryo. Kagaya ng plano niya ay nagpatayo siya ng bahay malapit sa kubo ni James at doon niya muna pinatira si Aklas pansamantala. Napag-alaman niya rin na nagsasama na pala ang dalawa sa iisang bubong na lalo niyang ikina

