"Baby?" pukaw ni James kay Chloe habang hinahalo nito ang gatas na gustong ipainom sa kaniya. Kape ang gusto niya pero gatas naman ang tinimpla nito. Medyo maayos na ang pakiramdam niya pero ayaw pa siya nitong payagan na magtrabaho. Hindi raw siya puwedeng magtrabaho hangga't wala itong sinasabi sa kaniya. Kapag sinuway niya raw ang gusto nito ay siguradong wala na siyang bahay na uuwian. Hindi niya alam kung bakit gustong-gusto nitong sunugin 'tong kubo niya. At hindi rin niya alam kung bakit lagi nitong pinagdidiskitan itong kubo niya gayong hindi naman nito napeperwisyo ang babae na nasa harapan niya ngayon. "Huwag mo akong kulitin, James. Huwag mo akong simulan para hindi uminit ang ulo ko. Kapag magaling na magaling ka na saka ka magtrabaho. Sa ngayon, manahimik ka lang dito s

