Episode 3

1102 Words
"Inay, aalis na po ako," paalam ni Chloe sa Yaya Lucy niya. "Pag-alis ko po matulog ulit kayo, ha? Alam ko po kasing maaga na naman kayong gumising kanina, eh." "Alam mo naman na matanda na ako, 'di ba? Kaya kailangan ko talagang gumising nang maaga para maglakad-lakad," katuwiran nito. "Sa susunod po gisingin niyo ako para masamahan ko kayo. Baka mamaya po kasi may mangyari sa inyo sa daan, eh," kunwa'y nagagalit siya rito. "Naku! Ayaw kong gisingin ka dahil alam kong pagod ka sa trabaho. At saka hindi naman ako lumalayo rito sa mansyon dahil alam kong hahanapin mo ako pagkagising mo, eh." Ito kasi ang una niyang hinahanap sa tuwing nagigising siya. Gusto nga sana niya itong makatabi sa pagtulog kaya lang ayaw naman nito. Mabilis daw kasi siyang magising kaya baka raw maistorbo lang nito ang pagtulog niya. Mabilis daw kasi siyang magising kahit na kaunting kaluskos lang. "Kapag hindi po kayo natulog pag-alis ko, magagalit po ako sa inyo. Lagi niyo na lang po kasing pinapagod 'yang sarili niyo. Alam niyo naman po na ayaw na ayaw ko 'yon, 'di ba?" "Sige na lumakad ka na para makabalik ka kaagad," pag-iiba nito ng usapan. "Opo." Hinalikan niya ito sa pisngi bago siya humakbang palabas ng pinto. "'Yong mga bilin ko po 'wag niyong kakalimutan, ha? Aalis na po ako, Inay." "Ingat ka, Anak." Bago niya paandarin ang sasakyan niya ay nilingon niya ulit ang yaya niya. Binigyan siya nito ng isang malapad na ngiti habang kumakaway-kaway. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho, Anak!" pasigaw nitong bilin sa kaniya kaya naman tumango-tango siya. "Huwag masyadong mabilis ang pagpapatakbo!" "Opo!" tugon niya rito at kumaway na rin siya pabalik bago niya pinaharurot ang sasakyan niya. Habang nagmamaneho siya papunta sa opisina ng kanilang abogado ay hindi niya maiwasang hindi kabahan. Alam niya kasi na nakakakilabot ang mga yaman na naiwan ng mga nasawi niyang mga magulang. "Attorney," tawag niya sa pangalan nito nang makarating siya sa opisina nito. Nadatnan niyang abala ito sa pagbabasa ng hawak-hawak nitong papeles. "Maupo ka muna, Hija." Iminuwestra nito ang bakanteng upuan na nasa harapan ng desk nito. "Marami tayong pag-uusapan ngayon at siguro naman ay may ideya ka na kung ano-ano ang mga iyon, 'di ba?" tanong nito pero hindi siya sumagot. Alam niya na ang mga sasabihin nito kaya hindi siya interesado. "Tungkol sa mga ari-arian at iba't ibang kompanya kung saan ang mga magulang mo ang may-ari," panimula nito. "Ano po ba kailangan kong gawin, Attorney?" kunwa'y seryoso niyang tanong na animo'y interesado s'ya kahit ang totoo ay hindi naman talaga. "Well, dahil ikaw ang nag-iisang anak kaya sa 'yo mapupunta ang lahat, Hija. Pero, 'wag kang mag-alala dahil kung sakaling may kailangan ka nandito lang naman ako. I can help you, dahil hindi ka na iba sa 'kin." Parang biglang sumakit ang ulo n'ya dahil sa sinabi nito. Pakiramdam niya magkakasakit siya pag-alis niya rito sa opisina nito. She don't need those f*****g luxuries! "Maraming salamat po pero hindi po ako interesado sa mga 'yan, Attorney," mariing pahayag niya. "Bakit hindi na lang po natin ipamigay ang mga iyan sa mga taong nangangailangan? I don't need those, Attorney. I just want a simple and happy life." "You can't do that, Hija!" Biglang tumaas ang boses nito. "Pinaghirapan 'yan ng mga magulang mo, Chloe! Buong buhay nila ay ginugol nila riyan para lang mapalago ang negosyo n'yo, tapos ipamimigay mo lang? You can help other people if you want but don't give it all to them." Napabuga pa ito ng hangin. "And one more thing, Hija, may mga nagsanla pa ng lupa sa papa mo. Here's the document." Inabot nito sa kanya ang mga envelope kung saan nakasaad ang mga impormasyon ng mga taong nagsanla sa ama niya. Binuksan niya ang unang envelope at binasa niya ang nakasaad doon. "Bicol?" tanong niya matapos basahin ang impormasyon na nakasaad sa isa sa mga ibinigay nito sa kaniya. "Yeah," bored na sagot nito. "Pinadalhan ko na ng sulat ang mga 'yan dahil lagpas na sila sa due date." "Puwede ko po bang puntahan 'to Attorney?" Tumingin ito sa kanya habang nakataas ang mga kilay nito marahil ay nagtataka ito kung bakit siya interesado. "And why are you interested?" tanong nito kapagkuwan. "Huwag mong sabihin na lahat ng nagsanla sa papa mo ay pupuntahan mo?" "Curiosity hits me, kung bakit hindi pa sila nakakabayad," palusot niya. Kunwari may malasakit s'ya pero ang totoo para kasing may nag-udyok sa kanya na pumunta sa lugar na iyon. Hindi n'ya sasabihin sa abogado niya na ibibigay niya niya na lang ito ng libre o mas tamang sabihin na ibabalik niya na ang lahat ng mga iyon sa tunay na may-ari. Pero siyempre, kailangan niya munang kausapin ang mga ito isa-isa bago siya magdesisyon. Titingnan niya kung deserving ba ang mga ito na ibalik niya ng libre ang mga pag-aari nito na nakasangla mula sa yumao niyang ama. "Bigla ka yatang naging interesado, Hija? Sabagay, maganda na rin naman na kausapin mo sila at singilin mo na rin dahil sobra-sobra na 'ka mo ang palugit ng ama mo sa kanila. Namatay na lang ang ama mo pero hindi pa rin sila nakabayad." Napairap tuloy s'ya sa naging pahayag nito. Minsan hindi n'ya maintindihan ang ugali nito. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi mapikon sa ugali nito paminsan-minsan. "Alagaan mo at pahalagahan mo ang mga bagay na iniwan sa 'yo ng ama mo dahil 'yon ang pinakamagandang alaala na iniwan nila sa 'yo." Nakatingin pa ito sa kaniya habang sinasabi ang mga katagang iyon na animo'y isa siyang gastador. Anong akala nito mukha siyang pera dahil dadayo pa siya para lang singilin ang mga taong 'yon? Absolutely, no! She will never do that! She will give it back to them free of charge. "Of course, Attorney!" tugon niya. Maraming envelope ang ibinigay nito sa kaniya pero isa lang ang tinitingnan niya. Ang impormasyon ng taong nagngangalang James Roxas. Para kasing may nag-uudyok sa kaniya na puntahan ang lalaking 'yon. "Alam kong nahihirapan ka ngayon, Hija. Always remember that I'm always here for you. Kapag mayroon kang hindi maintindihan, you can call me anytime," anito habang nakangiti sa kaniya. "Of course, Attorney! Kung wala na po kayong sasabihin, puwede na po ba akong umalis? Marami pa po kasi akong gagawin, eh." "You can go, Hija. Tawagan mo na lang ako kapag may itatanong ka o hindi ka maintindihan." "Thanks, Attorney. Take care and have a good day! Mauuna na po ako sa inyo," pagpapaalam niya rito at walang lingon-likod na umalis sa opisina nito bitbit ang sandamukal na envelope na ibinigay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD