Nakangiti si Chloe habang nakamasid sa mag-aama niya na nagbabasaan ng tubig sa ilog. Kanina pa nagrereklamo ang mga anak niya dahil dinadaya raw ang mga ito ni James. Nandito sila ngayon sa ilog at naliligo kasama sina Troy, Yaya Lucy, James at ang kambal nilang anak. Ang bahay na ipinapagawa ni James ay ilang hakbang lang mula sa ilog na tinitirhan na rin nila ngayon. "Baby!" Umupo si Troy sa tabi niya at pinitik nito ang tainga niya kaya pansamantala niyang inalis ang tingin niya sa mag-aama niya. "What the heck, Troy! Gusto mong sapakin kita? Isa pa sa ikinaiinis ko 'yang pagtawag mo sa akin ng 'baby'! Lagi ka na lang ganiyan! Lagi mo na lang sinisira ang mood ko!" inis niyang sabi kay Troy. "Para ka kasing siraulo, eh!" Napatingin ito sa mag-aama niya na nagkikilitian habang

