"Hi, James." Nagulat si James nang puntahan siya ni Jessa rito sa kubo niya kasama ang kinakasama nito ngayon. "Puwede ba tayong mag-usap? 'Yong tayong dalawa lang sana. Marami kasi akong gustong sabihin sayo, eh." Halatang-halata na ang umbok ng tiyan nito kaya todo alalay ang kinakasama nito. Habang pinagmamasdan niya ang bawat kilos ng dalawa ay ramdam na ramdam niya kung gaano nito kamahal ang isa't isa. Masayang-masaya siya dahil napunta si Jessa sa tamang tao. "Ano naman ang pag-uusapan niyo?" mataray na tanong ni Chloe na nasa tabi niya. "Bakit kayong dalawa lang ang mag-uusap? Hindi ba namin puwedeng marinig ang sasabihin mo sa lalaking mahal ko? Kung may gusto kang sabihin sa kaniya, sabihin mo na. May nalalaman ka pa riyan na kayong dalawa lang. Ano ba talagang sadya mo sa

