Episode 45

1827 Words

Tinotoo nga ni James ang sinabi nitong pagbabago. Halos ito na kasi ang nag-aasikaso sa mga anak nila. Kapag nakikita nito na dumidikit sa kaniya si Troy ay agad siya nitong kinakabig palapit sa katawan nito o kaya naman ay itatago siya sa likuran nito na animo'y isa siyang bagay. Habang nagluluto si James ng tanghalian nila ay nilapitan niya ito. Pinunasan niya ng towel ang mukha nito at saka ang likod nito dahil pawis na pawis ito. "Gutom ka na ba, Baby?" tanong nito sa kaniya. "Hindi pa naman." Paano sila magugutom kung maya't maya itong nagluluto? Nang mapatingin siya kay Troy ay tila ba nanunukso ang mga tingin nito. "Malapit na 'tong maluto." Ngumiti ito sa kaniya. "Pakisabi sa mga anak natin, saglit na lang 'to." Nang mapansin nito na nakatitig si Troy sa gawi nila ay hinali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD