Episode 11

2017 Words

"James, saan mo ako ipapasyal? Maganda ba ang lugar na pupuntahan natin?" tanong ni Chloe kay James. "You will know when we get there," sagot ni James. "Palitan mo muna 'yang damit mo para makaalis na tayo." Tinapunan siya ni Chloe ng nagtatakang tingin dahil sa sinabi niya. "Maayos naman 'tong suot ko, ah. Bakit kailangan ko pang palitan? At saka, bukod dito sa suot ko wala na akong ibang dalang damit." "Pahihiramin na lang kita ng damit dahil hindi angkop 'yang suot mo sa lugar na pupuntahan natin," aniya at pagkatapos ay tinalikuran na ito para kumuha ng damit na ipahihiram niya rito. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik din kaagad siya sa harapan nito. "Ito ang isuot mo," aniya sabay abot sa damit at short na kinuha niya mula sa drawer niya. Imbes na kunin nito ang iniaabot niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD