Episode 10

2214 Words

Pagulong-gulong si Chloe sa kama niya matapos ang pag-uusap nila ni James. Nahihiya siya dahil nasobrahan yata siya sa kadaldalan. Siguradong aasarin siya nito kapag nagkita sila bukas. Ang tanga niya kasi dahil inamin niya rito na ito ang kauna-unahan niyang boyfriend. Malilintikan talaga ito sa kaniya kapag sinubukan nitong asarin siya tungkol sa bagay na iyon. Napabalik lang sa kasalukuyan ang isip niya nang tumunog ang cellphone na hawak-hawak niya. Nang tingan niya iyon ay nabasa niyang si James ang tumatawag kaya awtomatikong tumaas ang isang kilay niya. Ni-load-an niya kasi ang cellphone nito ng pang-isang buwan para araw-araw puwede silang magpalitan ng mensahe o 'di kaya'y magtawagan. Nagdadalawang-isip siya kung sasagutin niya ang tawag nito dahil baka asarin lang siy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD