"Baby, aalis muna ako sandali, ah! Ikaw na muna ang bahala sa mga bata!" paalam ni Chloe kay James. Nakalabas na kasi si Jessa mula sa ospital kung saan ito nanganak kaya gusto niya itong makita. Sisilipin niya lang ang mag-ina sa bahay na ipinatayo niya para sa mga ito. Hindi nga siya makapaniwala na magkaibigan na sila ngayon, eh. Simula kasi nang nabuntis ito ay para na itong anghel na nalaglag mula sa langit. Ang dating Jessa kasi na nakakainis at nakakainit ng dugo ay isa nang napakabait na nilalang ngayon. "Baby, saan ka pupunta?" tanong ni James habang nakasuot pa ito ng apron. "Dadalawin ko lang si Jessa." "I'm coming with you!" anito at mabilis na hinubad ang apron na suot nito. "Hindi ka puwedeng umalis na hindi ako kasama." "Dito ka na lang para may magbantay sa mg

