Maagang bumangon si Chloe para maghanda ng almusal nila ni James. Napagpasyahan niya kasi na siya na lang muna ang magluto ng almusal ngayon para sa kanilang dalawa dahil naaawa na siya rito. Lahat kasi ng gusto niya ay sinusunod nito. Hinahayaan na rin s'ya nitong gawin ang mga bagay na gusto niya. Pero minsan hindi pa rin niya maiwasan na hindi uminit ang ulo niya rito kagaya na lang ngayon. Halos dalawang oras na kasi siyang naghihintay pero hindi pa rin ito dumarating. Lahat kasi ng pagkain na niluto niya ay malamig pa sa bangkay dahil kanina pa ito nakahain sa lamesa. Nang hindi na siya makatiis ay padabog siyang umakyat sa hagdan para pumunta sa kuwarto niya. Tatawagan lang naman niya ang magaling na lalaki kung bakit wala pa ito hanggang ngayon. "James, where are you? Malam

