Dahil may sakit si James ay nanatili si Chloe sa tabi nito. Maya't maya ay gumigising ang dalaga para tingnan ang kalagayan ni James kaya naman wala itong maayos na tulog. "James," tawag nito sa kaniya. Nakaupo ito sa harapan niya habang pinupunasan siya nito ng basang bimpo. "Bakit?" tanong niya rito habang nanatiling nakapikit ang mga mata niya. "Magpakasal na kaya tayo." Dahil sa sinabi nito ay bigla siyang napadilat at saglit na natulala. "Kung hindi mo pa ako mahal ngayon baka kapag nagsama na tayo sa iisang bubong saka mo na lang maramdaman 'yon. Posible namang mangyari 'yon, 'di ba? 'Yong iba nga nagpapakasal kahit hindi nila mahal ang isa't isa, eh. Pero, sa paglipas ng panahon ay natutunan rin nilang mahalin ang isa't isa." Kung makapagsalita ito para bang expert na expert i

