Habang kumakain ng almusal si Chloe ay bahagya siyang natatawa dahil sa uri ng pag-uusap nila kahapon ng anak ni James Roxas.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang bigla siyang naging interesado sa lalaki.
Siguro, dahil simpleng tao lang ito. 'Yon kasi ang gusto niya sa lalaki. Isang tao na walang pakialam sa kung ano ang meron siya.
Ang binata rin ang magiging unang kasintahan niya kapag nagkataon.
Mayamaya ay pupuntahan niya ulit ito sa bahay na tinitirhan nito para alamin ang sagot nito sa mga kondisyon niya.
Sigurado naman siya na hindi ito makakatanggi dahil alam nito kung ano ang magiging kapalit kapag nagkamali ito ng pasya.
Tumikhim si Aling Berta kaya naman mabilis niyang inalis ang ngiti na nakapaskil sa mga labi niya. Baka kasi isipin nito na nababaliw na siya. "Kanina ko pa napapansin na nakangiti ka," puna nito sa kaniya. "Mukhang maganda ang gising mo, ah. May nangyari ba, Hija? Kanina ka pa kasi nakangiti, eh. Inlove ka, 'no?"
Inlove? Ano ba ang pakiramdam ng inlove? Gusto niya sana itong tanungin tungkol sa bagay na iyon kaya lang baka pagtawanan siya nito.
"May naalala lang po ako, Aling Berta," palusot niya.
"Kumusta nga pala ang pag-uusap niyo ni James kahapon? Nakausap mo ba siya? Nakiusap ba siya sayo? Ano'ng sinabi niya?"
"Sino pong, James?" takang tanong niya. "Kayo na nga po ang nagsabi na pumanaw na ang taong nagsanla sa ama ko, 'di ba? Kaya paano ko pa po siya makakausap?"
"Ang James na tinutukoy ko ay iyong anak niyang binata. Pareho kasing 'James' ang pangalan ng mag-ama."
Tumango-tango siya dahil naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin.
James din pala ang pangalan ng binatang nakausap niya kahapon. James pala ang pangalan ng una niyang magiging kasintahan. Napangiti ulit siya dahil sa naisip niya.
"Nagkausap na ba kayo ni James?" ulit nitong tanong sa kaniya.
"Nagkausap po kami kahapon kaya lang po hindi kami gaanong nagkaintindihan. Sa katunayan nga po ay pupunta ulit ako sa bahay niya ngayon, eh."
Biglang siyang napainom ng tubig para kumalma ang dibdib niya. Hindi pa siya nakontento roon dahil bahagya niya pa itong hinaplos-haplos.
Hindi niya kasi alam kung bakit bigla na lang itong kumabog ng malakas nang sumagi sa isip niya ang lalaki.
"Mayroon bang masakit sayo, Hija?" tanong ni Aling Berta na halatang nag-aalala. Siguro napansin nito ang ginagawa niyang paghagod sa dibdib niya.
"Wala po, Aling Berta," matipid niyang sagot sa matanda. "Bigla ko lang pong naalala ang yaya ko."
"Akala ko kung ano na ang nangyayari sayo, eh. Akala ko sumasakit 'yang dibdib mo. Kanina mo pa kasi hinahagod 'yan kaya akala ko hindi ka makahinga."
"Huwag po kayong mag-alala dahil healthy po ako," nakangiti niyang sabi rito para kumalma ang sistema nito.
Pagkatapos nilang mag-almusal ni Aling Berta ay nagpaalam siya rito na pupuntahan niya ulit ang binata para makausap.
Sinabi niya kasi sa matanda na hindi pa sila nagkakausap ng maayos. Ang hindi nito alam ay iba ang sadya niya sa lalaki.
Babalikan niya ito para itanong kung ano ang sagot nito sa tanong niya kahapon. Kung payag ba ito sa kasunduan nila o hindi.
"Hindi halatang sabik ka, eh, 'no? Hindi ka ba makapaghintay? Masyado kang apurado, ah." Halatang hindi maganda ang mood nito nang makita siya. "Nagmamadali ka bang malaman kaagad ang sagot ko?"
"Oo, dahil mainipin akong tao. Hindi ko ugali na maghintay ng matagal dahil maikli lang ang pasensya ko! Napakadali lang naman ng isasagot mo, Lalaki. Oo o hindi lang naman! So, what's your answer? Is it a yes or a no?"
"Pumasok ka muna rito sa loob at dito tayo mag-usap," anyaya nito sa kaniya.
Nakapamaywang kasi siya sa labas ng bahay nito.
Siguro ay naiilang ito dahil may mga taong dumadaan na napapatingin sa gawi nilang dalawa.
"Hindi mo man lang ba ako aalukin ng kape o 'di kaya'y juice man lang, James?" tanong niya sa kaharap na halatang hindi maitago ang inis sa kaniya. Nakapamulsa ito habang walang ekspresyon ang pagmumukha nito. "Huwag mong sabihin sa akin na nagagalit ka ngayon? 'Yang galit na nararamdaman mo, wala 'yan sa galit ko. Dahil kapag ako ang nagalit siguradong wasak ang buhay mo," malamig na tugon niya rito.
Kung gaano kalamig ang ekspresyon ng mukha nito ay mas doble ang sa kaniya.
"Sandali lng po, Señorita, ah. Ano po ba ang gusto niyo? Kape po ba o juice? Sana po nag-almusal muna kayo sa bahay niyo bago niyo po ako pinuntahan. Nakakahiya naman sa inyo." Napairap siya dahil halatang inaasar siya nito. "Kung bakit ba naman kasi napakaaga mong pumunta rito para lang malaman ang sagot ko. Samantalang wala namang kuwenta ang tanong mo!"
"Wala pa lang kuwenta, ah! Puwes, tingnan natin!" wika ng isang bahagi ng isipan niya.
Tinitigan niya ang bawat parte ng mukha nito at pagkatapos ay ngumisi siya ng nakakaloko.
"Ano'ng sabi mo? Walang kuwenta? Parang sinabi mo na rin na wala ng halaga ang lupain mo na minana mo pa sa ama mo! Well, If that's the case, you can pack all your things and leave this place first thing tomorrow morning, James," nakangisi niyang sabi rito.
"Desperada!" mahinang bulong nito na umabot naman sa pandinig niya.
"Wala akong pakialam sa opinyon mo! Bawas-bawasan mo ang talas ng dila mo dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin!" Hindi n'ya inaalis ang tingin niya rito dahil inaantay niyang sumagot ito. "So, ano'ng sagot mo? Bilis-bilisan mong sumagot dahil mainipin akong tao. Maikli lang ang pasensiya ko at hindi ko rin ugali ang magbigay ng second chance kaya ayusin mo ang sagot mo, Lalaki."
"May choice ba ako? 'Di ba wala? Oo o hindi man ang isagot ko, ako pa rin ang dehado. Ako pa rin ang kawawa." Kung makapagsalita ito akala mo luging-lugi ito sa kaniya.
"So, it's a yes, right? Dahil 'oo' ang sagot mo, boyfriend na kita at girlfriend mo na ako. Gusto ko lang sabihin sayo na selosa akong tao. Ayaw ko nang may kahati sa relasyon nating dalawa. Ayaw ko na may babaeng umaaligid sayo dahil masama akong magalit. Gusto ko sa akin lang ang buong atensyon mo kapag magkasama tayo, nagkakaintindihan ba tayo?"
"Napaka-possessive! Akala mo bumili lang ng aso para ariin!" mahinang sabi nito.
"Sabihin mo kung ayaw mo sa mga kondisyon ko, hindi 'yong bulong ka nang bulong. Kung ayaw mo, eh, 'di 'wag. Kagaya nga ng sinabi ko kanina, madali akong kausap. Hindi kita kailangan pilitin dahil hindi ka naman kawalan."
"Oo na," matamlay nitong sagot na akala mo naghihingalo na ito.
"Ang dami mo pang sinabi, papayag ka rin naman pala. Teka, nakipaghiwalay ka na ba sa girlfriend mo?"
"Oo. N-nakipaghiwalay na ako," sagot nito pero hindi ito makatingin ng deretso sa kaniya kaya alam niyang nagsisinungaling ito.
"Sigurado ka? Bakit hindi ka makatingin sa akin ng deretso?" Nilapitan niya ito at pagkatapos ay hinawakan niya ang baba nito dahilan para magkatitigan silang dalawa.
Why he's so f*****g handsome? Halos dumoble rin ang lakas ng kabog ng puso niya.
"Nakipaghiwalay na ako kagabi dahil 'yon ang utos mo kahit ayaw ko. Masaya ka na ba ngayon, ha? Are you happy that you ruined our relationship for your own happiness?"
"No!" aniya sabay bitaw sa baba nito dahil pakiramdam niya ay naririnig na nito ang malakas na kabog ng dibdib niya. "Kasi hindi pa ako sigurado kung talagang hiniwalayan mo na nga ang girlfriend mo. At kapag nalaman ko na niloloko niyo akong dalawa, humanda kayo sa akin. Gagawin kong miserable ang mga buhay niyo hanggang sa hilingin niyo na lang na patayin ko kayong dalawa kaya umayos kayo. Iba akong magalit kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sayo ang mga bagay na ayaw ko. Dahil kapag natuklasan ko na tinitira niyo ako patalikod, ihahatid ko kayong dalawa sa impyerno! Kaya mag-isip ka ng isang daang beses bago kayo gumawa ng hakbang laban sa akin."
"Naranasan mo na ba'ng maghamahal at mahalin? I think you're not." Hindi siya nakahuma sa tanong nito dahil tama ito. "Sa ipinapakita mo kasi sa akin ngayon parang sinasabi mo na rin na hindi mo pa naranasan na mahalin ka ng iba. Alam mo ba na hindi kayang bilhin ang pagmamahal? Hindi mo ako puwedeng diktahan sa kung ano ang puwede kong gawin dahil may sarili akong damdamin, Chloe. "Look at you!" Dinuro siya nito. Kung kanina mahina lang ang tinig nito, ngayon ay may kalakasan na. "Para kang palaboy na aso sa kalsada na naghihintay na may magpakain at mag-aruga," pang-iinsulto nito sa kaniya.
Nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis kahit na ang totoo ay gusto niya itong pagsasampalin hanggang sa mawalan ito ng malay.
"Ako mukhang, aso?" Itinuro niya ang sarili niya. "Kung ako, aso? Eh, ano ka? Hindi kaya mas maging masahol ka pa sa asong gala kapag ginamitan kita ng mga bagay na meron ako na wala ka? Kahit ubusin mo ang perang naipon mo walang magagawa 'yan kapag ako na ang kumilos, James. Kaya ngayon pa lang bawas-bawasan mo ang pagiging pasmado ng bunganga mo dahil baka 'yan ang maging dahilan ng paghihirap mo. Hinding-hindi ka matutulungan ng pagmamahal mo kapag pinalayas kita rito sa lugar na 'to. At wala akong pakialam kahit na dito ka pa lumaki at nagkaisip."
Pabagsak siyang umupo sa katre nito na halatang bibigay na. Higaan nga hindi makabili tapos ang taas pa ng pride nito.
"I love her more than anything else in this world," mayamaya ay sabi nito.
"What?" tanong niya dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.
"She's my life. She's my everything. Why do you need to ruin our relationship? Why? I love my girlfriend so much…"
"Ang corny mo! Paano kapag namatay siya, susundan mo siya sa kabilang buhay? Ang drama mo!" mataray niyang sabi rito. "Anyway, kunin mo 'to." Inilapag niya sa katre ang cellphone na binili niya kahapon nang kumain sila sa labas kasama ang mga kaibigan nito. "Binili ko 'to para sayo."
"Ano 'yan?" tanong nito na akala mo walang alam sa mga bagay-bagay. Nakita na ngang cellphone nagtatanong pa.
"Pagkain 'to. Try mong isubo mamaya kapag nagutom ka," pilosopo niyang sagot sa kausap. "Ano ba 'to, 'di ba cellphone? Alangan namang piano 'to!"
"Alam kong cellphone 'yan! Bakit binibigyan mo ako niyan?" takang tanong nito. "Anong gagawin ko riyan?"
"Ano ba ang gamit ng cellphone? Malamang para matawagan kita kapag gusto ko! Naka-save na rin pala rito ang number ko. Kaya kapag tumawag ako sagutin mo agad dahil kung hindi susugurin kita rito at susunugin ko 'tong kubo mong malapit ng magiba. Maliwanag ba?"
Umismid ito. "Ang daming demand."
Hindi niya ito pinansin. "Bukas nga pala gusto kong ipasyal mo ako rito sa lugar niyo. Gusto kong maglibot-libot," sabi niya pero ang damuho ay nakakunot lang ang noo na para bang hindi ito sang-ayon sa gusto niya.
"Hindi kita masasamahan bukas dahil marami akong gagawin sa bukid. Sasabihan na lang kita kung kailan ako libre."
"Ano ba'ng usapan natin?" tanong niya rito dahil parang nakalimutan na nito ang napag-usapan nila kani-kanina lang.
"Lahat ng gusto mo ay gagawin ko at wala akong karapatang tumanggi," tinatamad nitong sabi dahilan para matawa siya.
"Alam mo naman pala, eh! Bukas ipasyal mo ako sa pinakamagandang lugar dito sa baryo niyo. 'Yong tahimik at hindi gaanong pinupuntahan ng mga tao dahil ayaw ko ng maingay."
"Oo na."
"Uuwi na ako dahil tatawagan ko pa ang abogado ko. Babalitaan na lang kita kapag hawak ko na ang kailangan mo." Pagkasabi no'n ay agad na siyang tumayo at pinagpagan niya na ang sarili.
"Sige na, umalis ka na. Balitaan mo agad ako kapag nakausap mo na ang abogado mo."
"Yeah. I'll go ahead. See you, tomorrow." Pero bago siya lumabas ay isang mabilis na halik ang iginawad niya sa binata sabay takbo nang mabilis papunta sa sasakyan niya.
Hindi niya namalayan na isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Pangalawang beses na niya kasi itong nahalikan.
"You are now officially mine, James. Mine alone!" anang isang bahagi ng isip niya habang nagmamaneho siya pauwi sa bahay ni Aling Berta.