07

2348 Words
NAGTAGAL ANG PANINGIN NIYA KAY ERENA na nakatulog na sa balikat niya at sa yakap niya. Ilang minuto pa lang sila roon, siguro ay hindi lang talaga ito nakatulog nang maayos kaya naman nahimbing habang naghihintay. "Kailan ba balak umalis ng mga 'yan?" bulong niya sa sarili. Wala naman siyang magawa kundi mapabuntong-hininga, dahil kung gagalaw siya ay magigising niya si Erena. "Angas ah," sabi niya. Maging ang siyam na ahas kasi sa likuran nito ay mahimbing din na natutulog. Teka, paano kung magkakonekta ang mga ito? Si Erena at ang mga kakambal nitong ahas? Na kung anong nararamdaman niya ay siya ring mararamdaman ng mga into? "Mukhang pati mga kapatid mo," tukoy niya sa mga kakambal nito. "Obligasiyon ko rin." Marahan niyang inalis ang mga buhok ni Erena na tumatakip sa maamo nitong mukha. Kailan kaya nito makikita ang ganda na sinasabi niya? "Liu." Nanlaki ang mga mata niya nang makarinig ng boses. Kilala niya iyon! Isa rin sa mga nag-e-ensayo sa kanila. Santos kung tawagin ito ng kanilang Commander. Agad naman niyang tinakluban ng mga braso niya si Erena. Hindi ito maaaring makita ng kung sino man. Ngunit ang mga mata nito ay kusang pumunta kay Erena, hindi man lang ito nagising sa paggalaw niya. "Huwag niyo siyang sasaktan." Umawang ang labi nito. "A-ah, Liu. Makinig ka." Natatakot siya, sobra-sobra, na kailangan niya pang pigilan ang pagtulo ng mga luha niya. "Liu." Sumenyas ito sa kaniya na tumahimik. Sinubukan nitong lumapit pero agad siyang umamba na lalaban dito. "Sir, hindi ako papayag na galawin niyo si Erena—" Hindi niya naituloy ang sanang sasabihin nang makaramdam ng pagbatok mula rito, at dahil doon ay nagising si Erena. "Tito!" pabulong nitong tinawag. Tito? Hindi siya makapaniwalang Tito ito ni Erena! Naiilang siyang ngumiti at hihingi pa sana ng paumanhin nang pahintuin siya nito. "Sumunod kayo sa akin," utos nito. "Magdahan-dahan kayo dahil nasa loob pa rin ng mansiyon ang mga kasamahan namin." "Opo!" ani Erena. Hindi naman siya makapagsalita. Hiyang-hiya siya sa inasta niya kanina. Malay niya bang magkakilala naman pala ang dalawa? Kung anu-ano pa talaga ang nasabi niya! "Hays, daig ko pa leading man kanina!" naibulong niya na lang sa sarili. Umikot sila sa mansiyon. Mukhang sa likod sila dadaan nito. Mula sa back door ay huminto sila. Sumenyas pa ang kanang kamay ng Commander na mauuna ito bago sila susunod. Nasa back door na sila. Mula sa labas ay makikita ang kusina at ang pader na naghahati sa kusina at living room kung saan naroon ang mga sundalo at ang Commander na mukhang kausap pa ang mga ito base sa naririnig niya. Tipid siyang ngumiti kay Erena na kahit pilit itago ay halata pa rin ang takot. Hindi sanay marahil si Erena sa maraming tao na halos lahat ay hindi niya pa kilala. Tinapik siya ni Santos habang nakatalikod sa kanila, senyales na sumunod na sila. Hinawakan niya ang kamay ni Erena. Marahan pang bumaba roon ang paningin nito. Hindi niya alam kung bakit biglaan siyang dinaanan ng hiya, pero sa kabila niyon ay hindi naman siya bumitaw sa dalagita. Nalagpasan na nila ang kusina. Ilang hakbang na lang papunta sana sa basement nang masagi ni Erena ang naka-display na paso sa entrance. Napapikit siya at napamura sa isip. Mabilis niyang nahila si Erena patago sa ilalim ng hagdanan. Isa sa mga kasamahan ng Commander ang nagsalita at nag-utos na maglabas ng mga baril. Siguradong nakatutok na iyon sa gawi nila. "Ako na ang bahala," ani Santos. Tumango siya at mas hinigpitan pa ang pagyakap kay Erena. Mahigpit din ang kapit nito sa uniporme niya, senyales na natatakot itong talaga. "Ibaba ninyo ang mga baril," pilit na pinakalma ni Commander ang boses. Gabi na, madilim na rin at wala namang halos ilaw sa gawi nila kaya hindi sila gaano makikita, puwera na lang kung puntahan sila ng mga iyon sa ilalim ng hagdanan. Nilabas niya ang hintuturo niya at nilapat iyon sa kaniyang labi. Tumango naman si Erena sa senyas niya. "Nasa gitna tayo ng kagubatan, Commander Chavez. Hindi natin alam kung anong klaseng tao ang maaaring pumasok sa mansiyong ito!" Naroon ang pahiwatig sa boses ng lalaki. Hindi ba't iyon ang sundalo na Romulo kung tawagin ng kanilang Commander? Naaalala niya ang mayabang na dating nito. "Baka ligaw na hayop lamang iyon," anang Commander nila. "Tingnan na lang natin para makasigurado, Commander. Sumunod kayo sa akin." "S-skyler." Marahan na hinila ni Erena ang damit niya, nagpapahiwatig kung ano ang gagawin nila ngayong humahakbang na palapit ang mga ito. Ngayon ay mas tumindi pa ang kaba na nararamdaman niya para kay Erena. "A-ah!" boses iyon ni Santos. Biglaan ang naging pagsulpot nito kaya mula sa yabag ng mga paa nito ay naramdaman niya pa ang gulat ng mga ito. "Pasensya na, Commander! Nasagi ko 'yung paso, nagmamadali na kasi akong hanapin 'yung mga lubid. May bisita pala rito?" Nang dahil doon ay nakatakas sila at nakatuloy sa basement. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng ginhawa, puwera na nga lang na hindi sila maaaring mag-ingay nang sobra dahil naroon pa rin ang mga trainor nila. Medyo tahimik na hindi gaya kanina. Pakiramdam niya rin ay nagkaroon na nang kaunting salu-salo sa itaas maging inuman. Aaminin niyang hindi siya komportable na nasa iisang silid sila ni Erena, pero para hindi na rin ito makaramdam ng pagkailang gaya ng nararamdaman niya ngayon ay nagpanggap na lang siya na wala lamang iyon. Maganda ang basement. Hindi tipikal na luma at madilim na espasiyo, tila nga kare-renovate lang niyon. Dumapo ang paningin niya kay Erena na hinihimas na ang sikmura. "Hindi ka pa kumakain?" tanong niya. Marahan na tumango si Erena. "Pumunta ako agad sa gubat. Baka kasi mauna ka at hindi mo ako makita, tapos umalis ka nang hindi tayo nagkikita." Umawang ang labi niya kay Erena na nakanguso na ngayon sa kaniya. Paano iyan? Mahihirapan na silang pumuslit sa itaas para makakain si Erena. Tiningnan niya ang orasan. Gabing-gabi na rin pala. Sigurado siyang sa oras na magising si John ay hahanapin siya nito. "Sa susunod, sisiguraduhin mo munang may laman ang sikmura mo. Makapaghihintay ako, Erena. Hindi ako aalis nang hindi tayo nagkikita, maliwanag?" "Oo!" Masiglang tumango si Erena. Natawa siya. Iyon na naman kasi ang buhay na buhay na mga mata nito. Samantalang, tumayo siya mula sa pag-upo sa sahig at dinaanan si Erena na nasa sofa. Huminto siya sa lamesa na katapat nang malaking TV. Mayaman nga si Erena, sa TV pa lang na mayroon ang mga ito sa basement ay makikita na iyon. "Dito mo ba pinapanood ang teacher mo?" Mabilis na tumango si Erena. "Oo!" Sumunod na rin ito doon sa kaniya. Binuklat niya naman ang kuwadernong naroon, kay Erena iyon. "Anong..." Nalaglag ang panga niya nang makitang advance na ang mga inaaral ni Erena. Matalino ito, sigurado siya. Inosente lamang na nakangiti sa kaniya si Erena at nakatingala habang ang mga kamay ay nasa likuran. "Pero kahit hindi ako kumain, tinapos ko na ang assignments ko para bukas!" "Wow, good job!" Nag-thumbs up siya kay Erena. Nang makita niya namang tila wala itong ideya sa ginawa niya ay napakamot na lang siya sa batok niya. "Ito, ibig sabihin magaling ka at magaling ang ginawa mo." "Ah!" Itinaas din ni Erena ang hinlalaki para sa kaniya. "Good job ka rin, Skyler!" "Bakit?" "Kasi, nakapasok tayo sa mansiyon nang hindi nila tayo nahuhuli!" Natatawa siyang umiling. Hindi lang naman siya ang may dahilan, tinulungan din sila ni Santos at siguradong pati ng kanilang Commander nang mapansing wala pa si Erena. Umupo siya sa study table. Natahimik naman si Erena na nakatayo sa harapan niya. "Bakit?" tanong niya. "Hindi ba, kapag pumapasok sa tunay na eskuwelahan ay nagkakaroon ng mga nagugustuhan at nobya—o nobyo?" Umawang ang labi niya. Hindi niya inaasahang iyon ang itatanong ni Erena sa kaniya. "Depende," sagot niya. Ngumuso ito. "Depende?" Umasta itong nag-iisip. "Ikaw wala?" Sandali siyang kumurap. Maaari rin palang maging interesado sa mga ganitong bagay si Erena. "Wala." Tila nagningning ang mga mata nito matapos nang isinagot niya. Hinawakan pa nito ang magkabilang pisngi at nag-iwas ng paningin. "Bakit?" Naguguluhan niya itong tiningnan. "H-hindi ko alam. Pakiramdam ko, mainit ang mga pisngi ko, Skyler." Humuni ang mga ahas sa likuran ni Erena. Hindi niya alam kung paanong magre-react kaya natawa na lang siya. Habang nagpapalipas ng oras, napansin niya naman ang gitara sa sulok. Nakita rin siguro siya ni Erena nakatingin doon kaya awtomatiko itong lumapit sa likuran niya. "Kay Daddy ang gitara na 'yan. Busy na si Daddy. Tapos ako, hindi marunong kaya hindi nagagamit." Tiningnan siya nito matapos ituro ang gitara. "Ikaw, Skyler. Marunong ka bang tumugtog?" Napangisi siya. Pinalaki niya ang sarili at pinagkrus ang mga braso. Mukha naman na siguro siyang astig, hindi ba? "Oo!" sagot niya. "Kaso, hindi pupuwedeng mag-ingay ngayon, kaya sa susunod na lang." "Kailan sa susunod?" "Sa..." Umasta siyang nag-iisip. "Sa birthday mo!" "Talaga?" Aagad na bumakas ang pagkasabik sa mukha nito. "A-ah, bale kailan nga ulit ang birthday mo?" Nangako siya agad pero nakalimutan niya namang itanong ang birthday nito. "Sa isang-isang linggo!" Tumango siya, malapit na rin pala. Isang tanong tuloy ang namuo sa utak niya. "Nagsi-celebrate ka ba ng birthday?" tanong ni Skyler. Tipid na tumango si Erena. "Pero, kami-kami lang. Minsan, naiinggit ako sa mga nakikita ko sa mga palabas." Naglakad ito papunta sa sofa at naupo. "Kasi sila, marami at nag-iingay, talagang sentro ang may kaarawan! Pero alam ko namang imposibleng mangyari iyon sa akin. Masaya na ako na magkasama kaming nagdi-dinner nina Daddy, Tito, at Manang Tessing." Kinagat niya ang kaniyang labi. Kahit kasi hindi ganito karangya ang pamumuhay nila ay nagagawa pa ring magpa-party ng mama niya tuwing may mga ganoong okasiyon. At ngayon, naaawa na naman siya kay Erena. "Sa birthday mo, siguradong nandito pa ako. Iimbitahan mo ba ako?" Bumalik ang buhay sa mukha ni Erena. "Oo!" Napangiti si Skyler. Gusto niya ang pakiramdam tuwing kahit sa simpleng bagay ay napapasaya niya si Erena. Nilapitan niya ito at ginulo ang buhok. Matapos ay umupo siya sa tabi nito at nagbabalak na sanang umidlip. "Sana, sa birthday ko ay maisayaw mo rin ako, Skyler." Nagmulat siya at nagtama ang mga mata nila. "Sayaw?" tanong niya. Tumango si Erena. "‘Yung paborito kong pelikula, isinayaw ang bida ng taong nagugustuhan niya noong araw ng kaarawan niya." Mukhang marami pa nga talagang hindi nararanasan si Erena. "Isasayaw kita." Huminto siya. "Pangako 'yan." At mukha ring hindi niya na mabibilang ang mga pangakong masasabi niya kay Erena. MASAMA PA RIN ANG LOOB NI CATALINA. How dare Skyler leave without talking to her properly? Ni hindi man lang nito naisip na malapit na ang birthday niya. Tuwing kaarawan niya naman ay imbitado si Skyler. Kung hindi niya maipagpapaalam sa daddy niya si Skyler para sa araw na iyon, mukhang iyon ang magiging unang beses na hindi ito makapupunta simula nang magkakilala sila. "No problem," sabi niya sa sarili. "My dad is the governor, isn't he? It won't be a hard thing to send him back just for that day." Napangiti siya sa harapan ng salamin bago itinuloy ang pag-aayos sa sarili. Yes, that's how she likes him. Kahit ano yata ay gagawin niya para kay Skyler. Walang sinumang lalaki ang makahihigit o kahit makapapantay man lang kay Skyler sa paningin niya. To Catalina, he's one of a kind. A gentleman, boyfriend, and husband material. But that doesn't mean that she isn't aware that Skyler is not into her. Pero problema pa ba iyon? She can have everything that she wants. "Ang ganda ng ngiti, ah?" Lumapit ang Yaya niya sa kaniya. Her name is Korina, she calls her Yaya Korina. "Because my birthday is getting nearer," sagot niya agad. Then, she blended her blush on. "Naku!" tudyo pa nito. Gaya niya ay nag-aayos din ang Yaya niya. They almost have the same hobby. Like Yaya, like amo. "Siguradong bobonggahan na naman ng daddy mo ang party." Ngumuso siya. "That's not just it!" "Ay, oo nga pala. Si Skyler na naman. Ang batang iyon na naman na wala nang ibang ginawa kundi ang tanggihan ka." Matabang na sabi pa nito. Korina doesn't like Skyler for her. "Ano nga ba ang nagustuhan mo sa batang iyon, bukod sa guwapo at matipuno? Mukha namang hindi ka tipo, at paulit-ulit ko na ring sinasabi ito sa 'yo." "Stop it!" Nagsalubong ang mga kilay niya. "I like him because he's my hero!" "Oo iniligtas ka, pero wala namang espesiyal doon dahil halata namang matulungin lang talaga si Skyler. Tingnan mo naman kung paano ka nang tratuhin ngayon, hindi ba? At isa pa, iyan na ang ebidensiya. Matulungin lang talaga, o ngayon, kita mo magsusundalo!" Kahit pa, hindi niyon mababago ang katotohanan na talagang gustong-gusto niya ito. "Yaya, is it really liblib in the mountains?" "Saan?" Umasta pa itong nag-iisip. "Saan pa ba? E 'di kung nasaan si Sky! The mountains of Sierra Madre!" Napailing sa kaniya ang Yaya niya, proceeding on coloring her nails. "Ano na naman bang naiisip mo at nagtatanong ka riyan?" "I am curious, because he's there! Why would I be curious pa?" sabi niya. Nagkibit-balikat lang si Korina sa kaniya. "Ewan ko, baka narinig mo ang sabi-sabi. Malay ko bang si Skyler na naman ang topic mo at hindi iyon." "What do you mean?" ani Catalina. "E' di, ang usap-usapan sa bayan tungkol sa babaeng ahas na naroon sa bundok ng Sierra Madre. "What?" Hindi niya alam ang mararamdaman niya nang sandaling marinig iyon, pero nangibabaw ang natatawa niyang reaksiyon. "What's that gibberish? Do they still really believe in that?" Hindi nagsalita si Korina.m "Wait, don't tell me, naniniwala ka rin doon?" Muli itong nagkibit-balikat. "Alam mo kasi, Catalina. Matibay ang ebidensiya tungkol doon." Napailing na lang siya. "I still won't believe anything like that. What is that, an urban legend?" "Naku, hayaan na lang natin. Wala ka namang balak umakyat, hindi ba?" Napanguso na lang siya. Well, she couldn't really say it. Dahil sa totoo lang ay naiisip niya nang bisitahin si Skyler doon. Her Dad could do something about it, right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD