bc

A MYTHICAL CREATURE'S TALE: ERENA

book_age16+
90
FOLLOW
1K
READ
others
sweet
mystery
like
intro-logo
Blurb

"Hindi ka man normal para sa paningin nila, pero para sa akin... normal ka, Erena."

Skyler Liu a nineteen year-old boy went for a basic combat (military) training (BCT) in Sierra Madre. It is known to be the longest mountain range in the Philippines. An urban legend says that a mythical creature was taking care of the forest. He thought that it was just an urban legend as said, until he saw the creature in flesh; a human, no. A snake!

The girl that was known as the nine-headed human snake is physically a freak, but she isn’t on the inside. Skyler knew as they meet repeatedly and unexpectedly that her heart is the purest, among of all the normal people he met. It is possible to fall, but whether no rule is written in doctrines, it is forbidden. They can’t happen. It was too impossible.

All that he can do is to save her from the dangers that she might face, until he can, until his last breath.

chap-preview
Free preview
01
MAALIWALAS ANG PANAHON NANG UMAGANG IYON. Napalilibutan ang modernong bahay ng mga berdeng halaman at puno. Malawak din ang hardin sa harapan kaya sariwa ang simoy ng hangin, habang ang mga kabataan na nasa ikalabing-dalawang baitang na ay gumagawa ng proyekto sa malawak na patio ng bahay. "Mamaya na 'yan, okay?" Hindi na napigilan ni Cassandra na mainis sa kaniyang kagrupo na nagbabasa ng libro. Imbis kasi na tumulong sa group work ay iyon ang inaatupag nito. Nakakahiya sa lolo niya na may-ari ng bahay, abala na nga ay pinagmeryenda pa sila. "Ang daming kailangan tapusin, Aslan!" Tahimik na umismid si Aslan. "Ano ba kasing binabasa?" pabirong tanong ni Kyle na tila sinusubukang gatungan ang dalawa. Kinuha ni Ammy ang libro, hinayaan lang ito ni Aslan. "Ano 'to? Urban legend? Ang creepy nito, ha!" Dahil sa ginawang pagtapon ni Ammy sa libro ay tumambad iyon sa gitna ng bilog nila mula sa pag-upo kaya nakita na rin iyon ng iba pang kagrupo. "What is that?" maarteng tumili si Krista. "Creepy!" "A freak?" si Nevi. "She's a mythical creature who's half-human and half-snake. Mayroon siyang kakambal na ahas na may siyam na ulo, located at the back of her shoulders, and a one-meter-long snake tail located at her back. Basically, this mythical creature can only be seen in the Sierra Madre. I heard so many things about that creature na hindi naman napatunayan," sabat ni Arnold. "Sierra Madre, really? Is she like Medusa na kapag tiningnan ka sa mga mata, magiging bato ka?" si Krista muli. Nagkibit-balikat lang si Arnold bago nagpatuloy sa ginagawa sa laptop. "Hindi 'yan totoo. The writer or whoever just made it up for money!" irita namang sinabi ni Cassandra. Mula sa pintuan sa front door ay lumabas ang lolo ni Cassandra papunta sa patio kung saan sila gumagawa ng group project. Gaya ng palagi ay nakangiti ito kahit pa nagpapakita na ang mga guhit sa mukha dahil sa katandaan. His positive aura is still visible even though he's already eighty. "Lolo!" As a sign of respect, nagmano ang mga kabataan sa kaniya. "Good afternoon po." "Good afternoon." Matapos bumati ay sinundan iyon nang malulutong nitong tawa. "Anong pinag-uusapan ninyo?" "Just an urban legend po," sagot ni Ammy. "An urban legend?" "Ito po." Ipinakita ni Krista ang libro at kung saang pahina nila nakita kanina ang sinasabi. Kapansin-pansin ang pagkatigil ng matanda sa harapan ng mga kabataan. May butil ng mga luha na namuo sa gilid ng mga mata nito, ngunit bigong nahulog iyon, bagkus ay tumawa pa ito. "Bakit po, Lolo?" Nag-aalalang tanong ni Cassandra. "Sabi po, sa Sierra Madre raw ito. Nakuwento niyo po sa akin na may kakilala kayong nag-camp na dati roon, 'di ba? May naririnig po ba kayong kuwento tungkol dito?" Natagalan ang pagsagot ng matanda. "Mayroon, Apo." "Talaga po? Puwede niyo po bang ikuwento?" si Krista na agad nasabik. Tumawa ang matanda. "Oo naman, para sa inyo." "Ayos!" Nag-apir sina Kyle at Nevi. Samantalang, nagkatinginan lang sina Aslan at Arnold na nagkibit-balikat. "Ang nilalang na iyan ay talagang kilala sa mga bayan na malapit Sierra Madre, gaya ng lugar natin sa Tanay. Pinaniniwalaang siya ang nagbabantay sa lugar para manatili ang mga natural na yaman doon. Talaga ngang nakakatakot ang kaniyang hitsura pero iba ang iniisip niyo tungkol sa kaniya dahil..." BUMABA SA HAGDANAN SI SKYLER BUHAT ANG KANIYANG TRAVEL BAG. Nakaabang naman agad ang kaniyang lalaking kapatid na nasa pitong taong gulang na habang ang kanilang ina ay pinatatahan ito. Hindi niya alam kung bakit ba hindi na nasanay ang pamilya niya. Magsusundalo siya kaya dapat lang. Hindi na rin naman ito ang unang beses na aalis siya para mag-training. Training pa lang ang pupuntahan niya at hindi pa siya sasabak sa laban, pero kung makaiyak si Claude, ang kapatid niya, para bang ngayon pa lang ay nasa bingit na siya ng kamatayan. "Isang buwan lang akong mawawala," sabi niya pa. "Babalik din ako. Training lang 'yon, Claude, ano ka ba?" Matapos ay sinundan niya iyon nang matunog niyang pagtawa. Lubos na masayahing tao siya at walang lugar para sa kaniya ang lungkot. "Naku, Skyler. Bilisan mo na. Baka mamaya kumapit pa sa 'yo ang kapatid mo," pabulong na sinabi ng kaniyang ina. Naalala niya tuloy ang nangyari noong nakaraan lang. Hindi siya nakaalis dahil ayaw bumitaw ni Claude sa kaniya. Palibhasa ay siya lamang ang kapatid nito at talagang malapit sila sa isa’t isa. Tumango siya at tinungo ang pintuan. Humabol agad si Claude at tinawag pa siya, pero hindi na ito nakaabot sa gate, malamang ay napigilan na ng kaniyang ina. "Sky!" Mula sa kaniyang harapan ay may tumambad na dalaga. Nakasuot ito ng bestidang asul, mamahalin. "Ngayon daw ang alis ninyo?" Kailan kaya siya tatantanan ng babaeng ito? Sandali niyang sinipat ang dala nitong van, nasa loob ang pamilyar na driver at nakaabang naman sa bukas na pintuan ng van ang Yaya nito na si Korina na kasing ugali lang ni Catalina, ang babae, kaya siguro magkasundo ang dalawa. Halos sampung taon lang din naman ang tanda nito sa alaga. Imbis na sagutin ay tinalikuran niya ang babae para ikandado ang gate. Nang matapos ay kinuha niya ang nilapag na travel bag at tuluyan nang naglakad papunta sa sundo. Nakaupo na sa driver’s seat si John. "Hello, tinatanong kita!" Pakanta iyon nang sinabi ni Catalina. Umismid siya at sumakay sa sasakyan sa tabi ni John. "Kinakausap ka ng anak ni Gov." Naroon ang nanunuksong ekspresiyon ng kaniyang kaibigan. Wala siyang nagawa kundi lingunin at tingnan si Catalina na sumasayaw na sa kilig, kahit wala namang dapat ikakilig. "Aalis na kami." "Ha? Wait, mag-usap muna tayo!" "Nagmamadali kami." "Nagpaalam kasi ako kay Dad para—" "Tara na." Bago pa man makapagsalita si Catalina ay pinaandar na ni John ang sasakyan dahil sa katakot-takot na tingin na ibinigay sa kaniya ni Skyler. "Ang sungit mo kay Catalina. Future wife mo 'yon, uy!" Asar na tumingin sa salamin si Skyler kung saan matatanaw pa rin si Catalina na inis nang isinisigaw ang pangalan niya. "Hindi ako magpapakasal sa babaeng 'yon." "Si Catalina Javier 'yon, baliw sa 'yo at spoiled kay Gov. Wala kang takas. At saka maganda naman siya, medyo maldita nga lang." Napailing na lang si Skyler. Pinanood niya pa si Catalina mula sa salamin hanggang sa tuluyan na itong maglaho nang makalayo ang sasakyan. Totoong maganda si Catalina, maputi, balingkinitan ang katawan, may natural na tuwid at mahabang buhok, matangkad at mayaman, pero alam niya sa sarili niya na kung ano ang ikinaganda sa panlabas na anyo ni Catalina ay siya namang ikinasama ng panloob na katangian nito. Masyado itong na-spoil ng kanilang Governor. Lahat ng kapritso ay ibinibigay. Hindi niya alam kung ano ang nagustuhan sa kaniya ni Catalina. Ayon dito, siya ang bayani nito. Naalala niya tuloy ang unang beses na nagkakilala sila ni Catalina. Madilim ang ulap nang araw na iyon, nagbabadya ang malakas na pagbuhos ng ulan. Boy scout at heart si Skyler, mas babae pa ito sa ibang babae sa kanilang probinsiya at sa mataas na paaralan ng kanilang bayan. Tipong ultimo panahi sa damit ay may dala sa eskuwelahan. Ngayong araw, may dala siyang payong, kapote, at bota. "Mukhang uulan yata," si John nang dismissal matapos ang buong araw na klase. Ilang daan lang ang lalakarin para makauwi sa kaniya-kaniyang bahay ang mga estudyante kaya naman hindi uso ang pagsakay sa pampasaherong sasakyan, maliban sa ilang mayayaman sa kanilang eskuwelahan. "Ew! Daddy!" Dinig nila ang nakatutulilig na irit ng babae. Si Catalina iyon. Kilala ito sa kanilang bayan dahil galing sa pamilya ng politiko. Sabi nga ng mga taga-eskuwelahan nila ay uri ng pamilyang hindi dapat binabangga, ngunit ang ipinagtataka niya, wala itong sundo. Basang-basa na ang uniporme ng anak ng Governor at walang dalang payong. Hawak nito ang mamahaling leather black shoes na itinataktak nito sa bench sa labas ng gate, marahil ay napuno na ng tubig-ulan. "Uy, 'yung apo ni Governor," si John. Ang lolo pa nito ang nakaupo sa pagka-gobernador noong high school at mayor naman ang Ama. "Diyan ka muna, sandali lang 'to." Walang dalawang-isip niyang nilapitan si Catalina. Hanggang makarating siya ay panay pa rin ang reklamo nito. "I hate you, Dad! I hate you!" Ang kabilang sapatos naman ang itinataktak nito. "Miss Javier," tawag niya. "Hiramin mo na lang muna ito." Maarteng tiningnan ni Catalina ang inabot niyang asul na kapote at pulang bota. "Ew, mukha ba akong magsusuot niyan?" Imbis na salamat, iyon pa ang natanggap niya mula rito. Naramdaman niya naman ang pagsunod ni John papunta sa likuran niya. Pinag-uusapan na sila ng mga estudyanteng lumalabas ng gate. "Wala kang sundo, sumabay ka na lang sa amin." Halos kalapit lang nila ng bahay ito at malalakad naman. Ewan niya nga ba kung bakit pumapasok pa si Catalina nang de kotse. "Me? Sasabay sa gaya niyo? No way." Nanatiling tahimik si John. Mas mahaba pa ang pasensiya nito kaysa sa kaniya. Isa pa, takot din talaga sigurong pagsabihan ang apo at anak ng mga Javier. Mas lumakas ang ulan. Mas umingay naman si Catalina. Wala siyang nagawa kundi ang sapilitang ipasuot ang kapote at ang bota rito. Halos matumba ang babae kung hindi lang ito naalalayan ni John habang ginagawa niya iyon. "This is harassment!" Inis siyang napaismid, napakaarte. "Tara na." Binuksan niya ang malaking itim na payong na dala. Si John ang inaya niya dahil ayaw ngang sumabay ni Catalina. Okay na sa kaniyang maayos na nitong suot ang kapote at ang bota, pero sumunod na rin ito sa kanila. Hindi na lang siya nagsalita at nagpatuloy sa paglalakad. "Kadiri!" Sabay silang napahinto ni John. Nadulas ang anak ni Gov. Narinig na naman nila ang pagpalatak nito. Ibinigay niya ang payong kay John na nakaawang na ang labi nang mahinuhang pupuntahan niya si Catalina. Sapilitan niyang ibinaba si Catalina sa kaniyang likuran. "Mababasa ka," sa mahinang boses ay sinabi ni Catalina. "Basa na rin naman ako." NANG MARATING NILA ANG KAGUBATAN AY ROON NA NAGSIMULA ANG ORIENTATION. Ayon sa Commander, bawal lumayo ng dalawampung metro mula sa base kapag ala-siyete y punto na ng gabi. Gaya ng dati, may oras ang pagkain, paghahanda sa sarili, paggising, at paliligo sa batis malapit sa kampo. Ganito pala ang kalawak at kaganda ang kagubatan ng Sierra Madre. Isa ito sa mga hindi madalas puntahan na kagubatan dito dahil talagang liblib at malawak. Mataas ang tsansa na maligaw para sa mga hindi hasa sa pasikot-sikot ng kagubatan. Nahihinuha niyang mas malawak at mas malaki ito. Matataas ang mga puno at halos kalahati na ng katawan niya ang taas ng mga ugat nito sa tangkad niyang iyon. "Alam niyo bang hindi sana ako sasama rito?" Panimula ng isa sa mga kasama niya sa training na hindi niya na matandaan ang pangalan. "Bakit naman?" si John ang agad na nagtanong, mahilig talaga ito sa kuwentuhan. "May sabi-sabi kaya na sa gubat na 'to nakatira 'yung babaeng ahas na siyam ang ulo!" Napapitlag si John at muntikan pang mabitawan ang pagkain. "Pare, wala namang ganiyanan! Gabing-gabi naman, oh!" Natawa si Skyler. "Masyadong bakla, John, ah? Maniniwala ka roon, taga-rito ako. Sa tagal ko nang nakatira rito wala man lang akong narinig na ganiyang kuwento." "Ay!" Nananakot na tumawa ang nagkuwento at ilan pa sa mga kasamahan nila. "Taga-bundok ka ba, Pare? Naku sige, huwag kayong maniwala kung ayaw niyo. Kadalasan pa naman, 'yang mga hindi naniniwala, sila ang nakakakita." Napailing si Skyler. Samantalang, hindi naman nahinto si John sa pag-astang kinikilabutan at natatakot. "Bilisan na nating kumain, sayang 'to kapag inabot tayo ng timer." Ilang beses niya nang pinanghinayangan ang pagkain na hindi niya nauubos dahil inaabot siya ng oras. Kaya rin natuwa siyang mag-training dahil nagkakaroon siya ng disiplina. Lahat ay naghanda na ng tent na mahihigaan at masisilungan nang magsimula nang dumilim. Nagdala siya ng sarili niyang tent at mayroon din si John kaya naman wala siyang kahati, dahil halos lahat naman ay may dala o kaya ay may kahati na. "Sky, sa tent mo na lang ako!" Mayamaya pa ay lumapit na naman si John sa kaniya. Pabiro niyang tinabig ang kamay nito na nakahawak na sa braso niya. "Baka nakakalimutan mong magmi-military tayo? 'Wag ka ngang bakla, John." "Ewan ko ba kung bakit sarado ang tenga mo sa sabi-sabi na 'yon. Naniniwala ako roon kasi si Lola mismo ang nagsabi sa amin noon bata pa lang kami." Taga-Tanay rin si John, ewan niya ba at ngayon lang nito naalala ang kuwentong iyon kung kailan sinabi lang ni Lester, ang lalaki kanina. "Totoo talaga 'yon?" Hindi niya mapigilang hindi magtanong. "Anong ‘itsura?" "Mukhang ahas malamang! Pula raw ‘yung mga mata, ahas dila, tapos siyam 'yung ulo at buntot ng ahas ang kalahati ng katawan!" Tumawa siya. "O sige, sweet dreams!" Imbis na papasukin sa tent ang kawawang si John ay isinarado niya pa ang zipper niyon. Mula sa labas naman ay narinig niya ang pagmamaktol ni John na hindi rin naman nagtagal ay nawala rin, naabutan siguro ni Commander. Ngayon ay payapa na siyang nakahiga sa loob ng tent habang nakatingin sa itaas at nakapatong ang braso sa noo. Tahimik na ang gabi at tanging mga kuliglig na lang ang naririnig niya. Itinaas niya ang kulay gintong kuwintas gamit ang kanan niyang kamay. Ang pendant nito ay bahagya pang tumalbog dahil sa puwersa. Napabalikwas siya nang makarinig ng kaluskos. Mula sa gilid ng tent ay nakita niya ang isang aninong hindi niya mawari. "John! Matulog ka na nga!" sigaw niya sa pag-aakalang ito ang kaibigan, pero hindi natigil ang kaluskos kaya napagpasyahan niyang bumangon na lang at lumabas ng tent. "John ano ba—" Hindi niya na naituloy ang sasabihin nang maramdaman na may dumaan malapit sa likuran niya. Madilim kaya ang puting damit na lang ng pigurang iyon ang naaninaw niya. Sa kyuryosidad ay sinundan niya iyon. Hindi niya namalayang nakalayo na siya sa kampo. "Sandali!" tawag niya. Babae ito, dahil habang palapit siya ay unti-unti niyang nakikita ang hanggang tuhod nitong puting bestida. "Miss, gabi na! Nawawala ka ba?" Kung nawawala man ito ay gusto niya itong matulungan. Nahinto ang yabag ng mga paa na papalayo sa kaniya at nasundan iyon nang mahabang sigaw na biglang humina. Hindi na bago sa kaniyang pandinig ang sigaw na iyon. Marahil ay nahulog ito sa isang patibong. Dahan-dahan siyang naglakad para hindi rin mabiktima ng patibong habang hinahanap kung saan nahulog ang babae. "Miss! Nasaan ka?" sigaw niya. Nakarating siya sa gilid ng isang malaking butas. Napakamot siya sa tainga nang makita roon ang mukha ng babaeng nakatingala sa kaniya, hindi malinaw dahil masyado nang madilim sa loob ng butas. "Sinabi na kasing huwag nang tumakbo. Wala naman akong gagawing masama," sabi niya pa habang kinukuha ang isang baging. "Kumapit ka rito, iaangat kita riyan." Umiling ang maamong mukha ng babae at mas dumikit sa espasyo palayo mula sa kaniya. "Baka may ahas diyan! Sige na, kumapit ka na!" Ilang taon na ba ang babaeng ito at hirap yatang umintindi? Umiling ulit ito at nanatiling walang imik. "Bakit? Kapag nagtagal ka riyan baka kung ano pang mangyari sa 'yo!" "I-iwan mo na lang a-ako!" Mahina lang ang boses ng babae, pero klaro niyang narinig dahil sa katahimikan ng gabi. Iwanan? Hindi siya tanga para gawin iyon. "Kapag naangat na kita, aalis din ako agad." Marahil ay hindi ito komportable sa kaniya. Sino lamang ba siya? De hamak na estranghero. Tila nagdadalawang-isip na ang babae habang nagpapabalik-balik ang tingin sa kaniya at sa baging. Sa huli ay kumapit na rin ito roon. "Bibilang ako. Huwag kang magpapabigat, ha? Isa! Dalawa! Tatlo!" Impit siyang napaingit nang madag-anan siya ng babae. Napahawak siya sa magkabilang beywang nito upang suportahan ito at hindi gumulong pabalik sa butas. Nagtama ang kanilang mga mata. Napakaamo ng mukha ng dalaga. Ang maikli nitong itim na itim na buhok ay isinasayaw ng malamig na hangin. Napangiti siya—pero agad na napalitan iyon nang pagkatigalgal na nasundan ng sigaw niya. May ahas sa likod ng babae na handa na siyang sunggaban!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
174.4K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.6K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.6K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.0K
bc

Dangerous Spy

read
298.8K
bc

YOU'RE MINE

read
893.9K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook