32 (Part 2)

1052 Words
DUMATING si Doc Gabby matapos siyang maabutan ng lider sa ganoong sitwasiyon. Kahit papaano ay ipinagpasalamat niya iyon, na naibisan ang sakit na nararamdaman niya nang minutong iyon. "Sigurado ka bang wala kayong napag-usapan?" si Doc Gabby iyon na tinatanong siya habang si John na ipinitawag ng lider ay nanatili sa likuran nito, nakayuko, halata ang takot. Ang lider naman nila ay nanatiling nakatayo sa likuran ni John. Walang ekspresiyon ang mga mata nito, pero halatang dismayado. Sa totoo lang ay nakaramdam din siya ng konting takot sa awra nito kanina. Mahiwaga, bakit kaya sa simpleng paggalaw nito ay nakakaya nang ipakita ang awtoridad? "Wala," anang niya. Ang salitang iyon, bago siya makaramdam ng p*******t ng ulo ay totoong nanggaling kay John, talaga lang na masiyado na siyang naaawa sa itsura nito ngayon kaya wala siyang planong umamin. Sandali pang nilingon ni Doc Gabby ang seryoso pa rin nilang lider. "If this happened again, let him deal with the pain alone," anang nito. Halos sabay na nalaglag ang panga ni Doc Gabby at ni John na kaagad na bumaling sa kaniya. Sumisenyas na tila ba pinipilit siyang umamin na lang. Anak ng... mas gusto pa yata nitong maparusahan, nailigtas niya na nga. "Uulitin ko, Skyler. Wala bang nasabi talaga sa'yo si John?" ulit pa ni Doc Gabby. "Kung paparusahan niyo siya dahil lang sa bagay na hindi niya naman sinadya, walang silbi. Hindi ba't normal lang naman? Huwag na sana nating palakihin." Mas lumala ang pagsenyas sa kaniya ni John. Para bang ipinaparating na mas pinalalala niya lang din ang sitwasiyon. Wala namang masama kung kokontra sa maling pamamalakad, hindi ba? "Kung walang disiplina, tingin mo ba ay magkakaroon ng pagbabago?" Umalingawngaw ang katahimikan sa paligid matapos magsalita ng lider. "Hindi lahat, nadaraan sa lambot ng puso, Skyler." Hindi na siya nakapagsalita. Alam niyang may punto ito, pero para sa kaniya, sa puso niya, mas pinipili niya ang ikalawa, ang pagiging malambot. "John, sumunod ka sa akin." Nanlaki ang mata niya, pero sumenyas lang naman si John na magiging maayos lang ito at wala naman siyang magawa kundi panoorin ang paglabas ng lider kasunod si John. Napailing naman si Doc Gabby nang makalabas ang dalawa. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman parusang kagaya ng iniisip mo ang ipapataw kay John. Pagsasabihan lang iyon ng lider natin." "Disiplina ang sinabi niya," anang niya pa. Naninigurado. "Oo, disiplinang salita." Tipid itong ngumiti sa kaniya bago i-check ang papel na hawak na naglalaman ng impormasiyon tungkol sa kaniya. "Magpahinga ka na muna. Dalawang araw na lang na mamamalagi ka rito, kaya magtiis ka na lang muna at huwag matigas ang ulo, hijo." Chineck pa siya nito bago ito nagpaalam na aalis na. Matagal siyang naiwan sa silid na iyon nang mag-isa. Inaalala niya ang lagay ni John. At bakit nga ba ganito siya mag-alala sa taong hindi niya naman kilala? SOBRA ang kaba ni John nang sundan ang kanilang lider. Medyo... kasalanan niya naman dahil hindi siya nag-iingat sa mga sinasabi niya. At sa totoo lang, nang makita niya kung gaano nahirapan kanina si Skyler, siya na mismo ang gustong magparusa sa sarili niya. Pinaglaruan niya ang kaniyang daliri habang sinusundan ang lider nila. "Ah... hindi ko naman sinasadyang may masabi tungkol sa military." Nang buksan nito ang pintuan at nang makapasok siya ay iyon agad ang sinabi niya. Hindi niya naman gugustuhing magkaganon si Skyler. Sa kanilang lahat, garantisado na siya ang pinaka may concern dito. Kababata niya si Skyler! "I know. Matagal na kitang tini-train tungkol sa kadaldalan mo, John." Napayuko siya. Mahirap naman kasi talagang pigilan... Buong buhay niya ay ganito na siya. "Hindi ko na uulitin." "Talagang hindi na dapat. Kung malalaman ni Skyler kaagad ang lahat, kung maaalala niya kaagad, hindi aayon sa atin ang lahat. Ipagkakakait niya ang tungkol sa Erena. Naiintindihan mo naman, hindi ba?" Hindi siya nakapagsalita. Naiintindihan niya naman talaga, pero... "And I was getting scared that because of your obliviousness, masabi mo pa sa iba ang tungkol sa atin." Nanlaki ang mga mata niya, napahakbang paabante. "Hindi ko naman... sasabihin sa iba. Wala akong balak pagsabihan-" "Kaya nga sinasabi ko na sa'yo na maging maingat ka sa pagsasalita, John. Hindi mo alam kung ano ang magiging resulta ng bawat salitang binibigkas mo sa bawat tao." Kumunot ang noo niya. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit kailangan pa nating magtago. Ikinahihiya mo ba ako, o talaga lang na takot kang mag-iba ang tingin sa'yo ng mga tao?" "John, huwag na nating ipaabot diyan." Napalunok siya bago nag-iwas ng paningin. "Huwag kang mag-alala, Christian. Hindi na mauulit. Puwede na ba akong umalis?" Hindi niya na hinintay ang sagot nito at iniwan na ito nang walang imik. Nang makalabas sa pintuan at 'tsaka niya lang napunasan ang namuong luha sa mata niya, ngunit nahinto rin sa paglalakad mula sa malawak na hallway nang may umabante mula sa pagkakasandal sa pader niyon. "Uh... galing ka kay lider?" si Dion iyon. Babaeng trainee ng kanilang lider. Balita niya ay matagal na talaga ito sa organisasiyon. Twenty years old na ito, kaedad lang ni Skyler. Maganda, morena, matangkad at maganda ang tindig. "Na-office ka?" anang pa nito. "Bakit?" Nagpatuloy siya sa paglalakad, sumunod naman kaagad ito nang hindi siya sumagot. "Naku, may nagawa ka na naman, Juan?" sa ganoong paraan siya kung tawagin nito. "Ano naman sa'yo?" maanghang niyang sinabi. "Bakit ka galit? Nagtatanong lang ako?" Tila natatawa pa nitong sinabi. "Alam mong magkaiba ang nagtatanong sa nang-iinsulto. Lubayan mo ako, Dion. Kung gusto mong may magawa sa buhay, pumunta sa room 309, bantayan mo si Skyler." Awtomatikong umawang ang labi nito pagkarinig sa pangalan ni Skyler. "What do you mean?" Actually, iyon ang palagi nitong tanong sa tuwing mababanggit niya si Skyler. "Gising na ang matagal mo ng hinihintay. Hindi ba't gustong gusto mong makita ang mata ni Skyler ika mo at ang marinig ang boses?" Pang-aasar niya pa. Ngunit hindi naman ito mukhang naasar sa sinabi niya, mas bakas pa ang tuwa at pagkasabik sa mukha. "B-bye!" Umawang ang labi niya nang panoorin itong takbuhin ang hallway papunta sa elevator matapos magpaalam. Si Dion ay isa sa may pinaka malakas na kapit dito. Matagal na nitong hinihintay si Skyler na magising, in denial, pero sino ba namang hindi makakahalata sa nararamdaman nito sa kung paano rin itong umasta?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD