DINALA ni Dion si Skyler pabalik sa gusali. Kanina lang ay hindi niya maipaliwanag ang kabang naramdaman niya, pero ngayong hawak niya na ang kamay nito at nakasisigurado na siyang ligtas na ito, payapa na ang puso at isipan niya. Hindi niya nga lang matignan si Skyler nang mata sa mata. Naiilang pa rin siya. "Salamat." Bumagal ang paglakad niya nang marinig iyon. Salamat at niligtas niya ito? Sabagay, kahit hindi naman ito magpasalamat ay masaya pa rin siyang iligtas ito at hindi na dapat siya magtaka sa pagpapasalamat nito dahil mukhang nasa ugali naman ito ni Skyler. Hindi siya nagsalita, bagkus ay nagpatuloy sa paglakad, hanggang sa makarating sila sa elevator at makalabas nang muli. Halos sabay silang huminto sa paglalakad nang matapatan na ang kuwarto ni Skyler. Napakamot

