HINDI maintindihan ni Skyler kung bakit ganoon na lang ang naging reaksiyon sa kaniya ni Erena. Gusto niya lang naman na wala ng masaktan sa away na iyon. At kagaya ng inutos sa kaniya ng kanilang lider, bantayan niya nang maayos si Erena at kunin niya nang maayos ang loob. Isang buwan matapos makauwi ng lider at ni John sa inilakad ng mga ito ay ipinatawag siya nito para sa proyekto na matagal nang sinabi nito sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya nang pumasok sa opisina nito. Siguro ay dahil sa kung paano niya unang nakita ang ekspresiyon nito? "Dumating na ang araw na pinaka hihintay mo," anang nito. "Bahagi ba iyan ng mga alaala ko?" tanong naman niya, may bakas pang pag-asa sa mga mata. Ngunit imbis na tango ay parang natawa pa sa kaniya ito. "Hindi, pero kap

