Why do everything seems hard? Buong akala ko, sa oras na tumapak kami rito ay magiging madali na ang lahat. Hindi pala. This all Erena's fault. She is so stubborn and won't cooperate. Para sa kaniya rin naman ang proyektong ito. Mas gugustuhin niya bang mas magtagumpay ang FLO na sasamantalahin lang iyon? At bakit ba parang mas marunong pa sa amin ang babaeng iyon? She is making me hate her even more! Inis kong sinuklay ang buhok. Kanina pa akong nakatayo sa harap ng telepono, pinag-iisipan kung tatawagan ko ba si Christian. Maraming rason, isa na roon na ayaw ko siyang kausap, kung hindi nga lang siguro dumarating ang mga ganitong pagkakataon ay hindi pa iyon mangyayari. Marahas akong napabuntong-hininga, mariin pang pumikit bago ko binuhat ang telepono mula sa lalagyan. "The wor

