35

1285 Words
BUMALIK siya sa wisyo nang marinig ang pag-andar ng bangka. Pinaandar pala iyon ulit ni John, siguro ay walang mahuling isda. "Ayos na ba rito?" anang pa nito. Tumango naman si Dion, dumapo pa ang paningin sa kaniya, pero kaagad ding nag-iwas ng paningin. Naiilang pa rin siguro... sa paghawak niya. Hindi naman matagal iyon. Isa pa... "Mukhang hindi magandang humuli ng isda ngayon," si John. "M-mukha nga." Hindi niya inalis ang paningin kay Dion. Nang mahuli nitong nakatingin pa rin siya ay muli itong nag-iwas nang paningin at pekeng natawa. "I think... we should just go for a swim? Ano sa tingin niyo?" Nagtanong pa ito para sa pag-sangayon nila. "Skyler could swim na, right?" Umasta pang nag-iisip si John. "Hindi ko alam. Hindi pa siguro." "Come on! Tagal niya nang magaling sa tama ng..." Natigilan ito, tinignan pa siya mula sa gilid ng mga mata nito. "Tagal na noon, John! Puwede na 'yan." "Maayos naman ako." Hindi niya na napigilan ang sumabat. "Wala namang masakit at mali sa katawan ko, makakalangoy ako. Gusto ko ring lumangoy." Nagtagal pa ang paningin sa kaniya ni John, bago nito tinignan nang makahulugan si Dion, pero nagkibit-balikat lang ito rito. "So... let's go?" "Sky..." Naroon pa rin ang pag-ayaw nito. Ganito ba talaga si John? Madalas kumontra o dahil lang sa lagay niya ngayon? "Ayos lang ako, John," ulit niya. At oo, sa kawalang-magawa ay hindi na kumibo si John. Pinanood niya ang pagsugbo ni Dion sa dagat. Malalim iyon at lagpas tao, pero... kaya niya naman sigurong lumangoy? Tumayo siya para bumuwelo. Nang sanang susugbo na ay muli siyang nahinto. Nakarinig siya ng pagputok ng baril sa utak niya... ang rason kung bakit nagdalawang-isip siya sa pagtalon. "What are you still waiting for?" si Dion. Napailing na lang siya at sumugbo sa tubig, ipinagwalang bahala ang nasa isipan kanina. Ngunit aa paglubog niya... hindi lang pala roon natatapos ang lahat. Dahil nang oras na nasa ilalim na siya at bumababa sa tubig, mula roon ay nagpakita sa isip niya ang isang imahe; ang isang senaryo kung saan tila nga naroon siya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya at ang magiging reaksiyon niya habang ipinapakita iyon ng isipan niya. At sa ibabaw niya, tila isang katawan pa ng babae ang bumagsak, duguan ito. Dahil sa gulo na nangyayari sa utak niya, hindi niya namalayang hindi na pala siya umaahon. Napagtanto niya lang iyon nang mula sa ibabaw ay makita niya ang imahe ng isang babae na lumalangoy patungo sa kaniya, nagmamadali. Si Dion. Bumalik na palang muli ang wisyo niya. Habol habol nito ang hininga nang maiahon siya. Tumambad na rin sa kaniya ang nag-aalalang mukha ni John. "Anak ng, ano 'yon? Akala ko ba kaya mo na, Sky?!" Galit na galit nga ito. Hindi niya inaasahan. "John," kaagad naman itong sinaway ni Dion. Alam niyang sa boses at kilos nito ay dismayado rin ito sa ginawa niya, ngunit nagiging maingat lang. "Please, not this hour." "Lumubog ka lang, hindi ka na umahon!" Ngunit hindi napigilan niyon si John. Pinunasan naman ni Dion ang mukha at sandali pa siyang tinignan bago sumampa pabalik sa bangka. "P-pasensya na..." Tulala siya nang punasan ang mukha bago sumampa rin pabalik sa tubig. Sa totoo lang kasi ay hindi niya makalimutan ang nakita niya kanina. Kung bakit naroon siya sa senaryong iyon, at kung sino ang babaeng lumubog sa tubig kasunod niya na duguan. Hindi mawala sa isipan niya ang pagkalat ng dugo niyon hanggang sa maputol na roon ang nakikita niya. "Kung hindi ka sinundo, wala kang balak umahon?! Hanggang ngayon kasi, hindi ka marunong makinig!" "John, ano ba?! Sinabi nang tama na, e!" "Hindi mo ako mapipigilan, kaibigan ko 'to kaya ko pinagsasabihan!" "Tama na." Awtomatikong natigil ang dalawa nang magsalita na siya matapos tuluyang makabalik sa bangka. Siya na rin ang nag-start ng bangka para makuha niyon ang atensiyon ng dalawa. "Bumalik na tayo sa isla." Hanggang makabalik tuloy roon ay hindi nagkikibuan si John at Dion, pero parehas din namang dismayado sa kaniya ang dalawa kaya pareparehas din silang walang imik. Si John na ang umako sa pagbabalik ng bangka sa kaninang kinalalagyan at ngayon ay nakatayo silang dalawa ni Dion at pinapanood ito. "May naalala ka." Umawang ang labi niya nang lingunin ito. "H-ha?" "Alam kong may naalala ka." Matapos sabihin iyon ay ibinaling nito ang paningin sa kaniya. "Kaya hindi ka umahon kanina, may naalala ka. May nakita ka." Tinignan niya si John na abala pa rin sa ginagawa. Nito niya lang napansin na kahit ang bangka palang ginamit nila ay may tatak din ng organisasyon. "Wala. Wala akong nakita." Imbis na um-oo dahil iyon naman ang totoo ay hindi niya iyon kinumpirma. May parte sa kaniyang ayaw umamin at iyon ang sinunod niya. "Nagustuhan ko lang sa ilalim ng tubig." "Talaga?" Ngunit wala pa rin sa mukha nito na naniniwala sa kaniya. "Kung may naaalala ka man, huwag mong sasabihin kahit kanino. Lalong lalo na kay John at sa lider natin." Binalingan niya ito na hindi na sa kaniya nakatingin kundi sa pampang. Seryoso ang mukha nito, ibig sabihin ay mahalaga ang payo na sinasabi nito. Pero hindi ba ang sabi ni John ay kaibigan niya ito? Dapat nga bang hindi niya rin ito pagkatiwalaan? "Huwag ka nang mag-isip, huwag ka na ring magtanong. Basta sundin mo ang sinabi ko." Matapos sabihin iyon ay tinalikuran na siya nito, para siguro hindi mahalata ni John na papunta na sa gawi nila na may pinag-usapan sila. Balak niya pa lang sanang magtanong, pero hinarang na kaagad ni Dion. "Tara," si John na kararating lang sa harapan nila. "Basa kayong dalawa, siguro bumalik muna tayo sa building para makapagpalit kayo at makapagpahinga. Bukas na lang natin libutin ang mga facilities. Tignan na rin natin kung nakahanda na ba lahat ng kakailanganin mo, at kung saan ang kuwarto mo ngayong wala ka na sa clinic." Tumango siya. Sandali niya pang tinignan ang likuran ni Dion na hindi na lumingon matapos maunang maglakad palayo. At nanatili iyon sa utak niya. Nagtataka rin siya na hindi sumakit ang ulo niya nang maalala iyon, hindi kagaya noong nauna. "Access Approved." "Mukhang okay na ang files mo rito," si John. Dahil siguro sa ikalawang beses na ilapag niya ang finger print niya sa scanner ay gumana ulit ito kahit na hindi pa nila kino-contact ang in charge roon. Tipid lang siyang tumango bago umatras sa loob ng elevator at hinintay ang pag-angat nila. Hindi pa man sila kompletong nakakalabas ng elevator ay nakaabang na mula aa kabilang pader ang lider. Ang mga mata nito ay diretsong nakatutok kay John at saglit lang na bumaling sa kaniya. "May kailangan tayong puntahan sa Luzon," anang nito. Kalmado itong umalis mula sa pagkakasandal at nakapamulsang nilakad ang pagitan nito at ni John matapos nilang makalabas ng elevator. Kalmado sa kabila ng balitang dala, tila ba kailangang madaliin. Mula naman sa gilid ng mata niya ay nakita niya ang paghinto ni Dion na nakayakap pa rin sa sarili. Dahil nauna ito kanina ay hindi nila ito nakasabay sa elevator, kaya naman sa katabing elevator nila ito lumabas. "Saan?" si John. "We have an urgent mission, kailangan kita roon." Tila hindi pa iyon kaagad na rumehistro kay John. "Nakahanap na ako ng lead kung saan tayo magsisimula tungkol sa project." Sandaling dumapo ang mata sa kaniya nito. "Si Skyler, paano?" si John. "Hindi pa siya kasama rito. Huwag ka ng magpalit, may susunduin pa tayo." Marahan na tinapik ni John ang balikat niya bago patakbong sumunod sa lider na nauuna nang maglakad dito. Doon na lumingon si Dion. Doon niya rin naramdaman na kung ano man ang bagay na pinag-usapan ng dalawa ay talagang mahalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD