Hindi na natapos ang ilan pang araw na natitira sa aming munting bakasyon dahil sa nangyaring iyon. Agad agad ay pinauwi kami ng mga magulang ni Diego. Ilang media ang gumagala sa resort at pilit naming iniwasan. Patuloy pa rin ang mga hate comments sa amin sa internet. "Mommy! Daddy!" sigaw ni Hanniel at lumapit sa amin para magpayakap sa amin. Binuhat siya ni Diego at hinalikan ang pisngi ng aming anak. Si Castiel naman ay kumakain ng cake sa couch katabi ang kanyang mga Lolo at Lola. "Hijo, hija!" sabi ni Mommy Isabel at lumapit sa amin. "The media's all over the area. What the hell is happening? Sino itong si Roxanne?" tanong ni Daddy. Diego sighed and led me to the liv

