Nagising ako na nasa hospital na. Nakaupo sa gilid ko si Dina at napatili nang makitang gising na ako. "Bakla! Gising ka na!" aniya. Pumikit ako dahil sa sakit ng ulo na dulot ng pagkakauntog. May benda ako sa noo. Nagulat ako sa pagdamba ng tatlo sa higaan ko para yakapin ako. "Mommy! Bakit ka sick?" tanong ni Hanniel. "Mommy had an accident. Pero don't worry, magaling na ako kasi nakita ko na kayo. Kiss niyo nga ako." Pinaulanan nila ako ng kiss sa buong mukha. "Always drink milk saka kumain ng apple. Sabi kasi ni teacher, an apple a day keeps the doctors away. Saka brush your teeth daw." sabi ni Castiel. Napangiti ako sa sinabi ng mga ito. Tiningnan k

