[Chapter 25]:Condo Tour

1060 Words
Rana Pov: After namin mag lunch ay napagpasiyahan na nila Nanay na umuwi. Kasama na nila si Ate pero ako hindi, naiwan ako kasama nitong si Natcher kasi ipinagpaalam niya ako Kina Nanay. Pumayag naman sila kaya kahit umayaw ako no choice na din. Nandito kami ngayon sa loob ng kotse niya. Wala akong ideya kung saan niya ba ako dadalahin. Pumasok kami sa isang building. Ipinakita niya lang yung ID niya sa guard at pinapasok na siya. Ipinark niya ang kotse niya at pinagbuksan ako ng pintuan. " Let's go! ". Aya niya. Di agad ako sumunod sa kaniya. " Saan ba tayo pupunta? ". Tanong ko. " Basta! ". Maitpid niyang sagot. " Haaaysss sige na nga ". Pilit kong tugon. Napilitan na din ako bumaba ng kotse niya, baka kasi iwan niya ako dito e ang lawak pa naman ng buong lugar. Naglakad kami ng konte hanggang sa marating namin ang elevator. Sumakay kami rito, kami lang dalawa ang laman. Walang nagtatangkang gumawa ng ingay samin dalawa hanggang sa makarating na kami sa floor na pinindot niya. Pagkabukas palang ng elevator ay hinigit na niya ako papalabas. Lumakad pa ulit kami ng kaunti saka huminto sa tapat ng isang pintuan. Kundi ako nagkakamali nasa isang condominium building kami. Itinapat niya lang sa screen na nasa pinto ang ID niya tapos bumukas na ang pinto ng kusa. Wow ang yaman niya talaga, high tech kasi yung pinto. Hinigit nanaman niya ako papasok sa loob ng condo unit niya. Kailangan hilahin ako parati, sasama naman ako e. Brutal niya. Isinarado niya din ang pintuan ng Condo niya nung makapasok na kami. Binitawan na niya ang kamay ko at iniwan na akong nakatayo lang. " Maupo ka muna! ". Utos niya. Inilibot ko ang buong mga mata ko, simple lang ang desenyo ng Condo niya pero ang class ng dating. Black and white lang motif nito, mayaman sa halaman na ikinaganda naman nitong kuwarto. Malawak ito dahil up and down, mayroon pang itaas siguro dun ang mismong kuwarto niya. Nang mahagilap ko na ang couch niya dito ay naupo na nga ako. " What do you want juice or tea? ". Tanong niya, nilingon ko siya na nasa harapan ngayon ng ref. Umiling ako. " Di na busog pa naman ako ". Sagot ko na agad niyang tinanguan. Iniiwas ko na ang tingin ko sa kaniya. Sinimulan ko ulit na suyudin ang buong paligid ng condo niya. Ang sarap sa feeling ng ambience na hatid ng paligid. Nakakatanggal pagod at stress. Tama lang ito sa kaniya na mayroon negosyong inihahandle tsaka lalo na talagang nakakastress ang trabaho niya as Boss and Manager. " May pasok pa ako mamayang gabi, baka hindi kita maihatid! ". Wika niya. " Okay lang! Magcocommute nalang ako, tanda ko naman daan papauwi ". Ani ko. " What I mean Honey you'll stay here until I came back after work, dito ka tutulog at alam na yun nila Nanay. Ipinagpaalam na kita kanina ". Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. " A-anu? Dito ako tutulog kasama mo? At pumayag sila? ". Seriously, tutulog ako sa unfamiliar place sakin. At sa place pa ni Natcher. Nagpapalitan na kami ng tinginan ngayong dalawa. " Diba mas maganda ng ngayon palang nasasanay ka ng makasama ako dito sa magiging bahay natin. Because of the wedding you'll leave with me in the same place! Dito din ang punta natin ". Wika niya sabay upo sa harapan ng mesa niya. " P-pero di pa naman tayo kasal! Tsaka sinasabi mong dito ako titira? Tayo lang dalawa? ". Ungkat ko sa nabanggit niya. " Yup! Ang bahay ko ay magiging bahay mo na din. Kaya huwag ka ng umangal pa! Wala ka na din naman magagawa. Pumayag na sila Nanay ". Kumpyansado niyang giit. " Treat this moment as practice for you, as becoming my future wife ". Sambit niya pa. Wala naman akong naisagot sa sinasabi niya. Napabuntong hininga nalang ako sabay upo na ulit sa couch niya dito. " Paano yung uniform ko? May pasok pa ako bukas! ". Wika ko, hindi na kami magkatinginan. " Hindi ko pa pala nasabi sayo. Starting tomorrow you'll be excused. Sinabi ko na kay Razon and don't you worry wala kang mamimiss na kahit na anu dahil busy ang mga kaguruan ng school niyo for upcoming ball sa campus niyo ". Talagang sinigurado na niya lahat ah. Bakit nagpaplano siya ng di ko man lang alam. Nalalaman ko man nagawa na niya lahat kaya sa bandang huli wala na din akong palag. " Bakit ako Excuse bukas huwag mong sabihin na until na makaalis tayo papuntang panggasinan dito ako tutulog? ". Giit ko, this time magkatinginan nanaman kaming dalawa. " Iuuwi din kita huwag kang mag-alala, may lakad lang tayo bukas after that I'll sent you home sa bahay niyo mismo. Magreready ka pa ng gamit mo remember? ". Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa harapan ng mesa. Umikot siya papunta naman ngayon sa direksyon ko. Sa ilalim ng mini glass table na nasa harapan namin ay mayroon siyang kinuha. Nakasingit ito sa isang libro at pagbukas niya mayroon nakaipit na dalawang ticket. Diko alam kung anung ticket. Inabot niya sakin yung dalawang ticket. " Anu ito? ". Tanong ko. " Try to figure it out ". Ani niya kaya kinuha ko mula sa kaniya ang ticket. " Party? ". Tanong ko ulit. Nang tignan ko si Natcher tinanguan niya lang ako. " Party ng Queen Margarita! ". Matipid kong basa. " Celebration yan ng Queen Margarita for its 10th years anniversary ". Wika niya. Pinagmasdan ko sandali ang ticket bago ibinaling ang atensyon ko kay Natcher. " Nandun ang Family ko Rana, and they want to meet you personally. Kilala ka na nila alam mo naman na siguro kung paano! ". Tinanguan ko ang tanong niya. Kung ibang tao nga nakilala ako dahil sa YouTube na yan, pamilya pa kaya ni Natcher sa malamang nabalitaan na din nila ang tungkol samin. " Gabi pa ang main event pero may lalakarin tayo tomorrow morning kaya matulog ka ng maaga. Dat pagbalik ko tulog ka na okay? ". Hindi ko siya sinagot, diko maipapangako na makakatulog agad ako lalo na ngayon palang ako makakatulog dito sa Condo niya. Hindi ako sanay na nakikitulog sa ibang bahay e. Madalas namamahay ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD