Rana Pov:
" Love may be the best feeling that God gave us. Kaya dapat lang na mahalin natin ang ating kapwa ng walang pag-aalinlangan! ". Sambit ni Father. Hindi ko maintindihan kung talaga bang trip ako ngayon ni tadhana at tungkol pa sa Love ang misa ngayon ni Father. Kung alam ko lang di na ako sumama haha chour syempre sasama pa din ako, di puwedeng mayroon akong mamiss na isa sa mga misa.
Busy man ako sa buhay di ko pa din makakalimutan ang totoong nagbigay ng buhay sakin at walang araw ang puwedeng lumipas ng di ko siya napapasalamatan. Kung di dahil sa kaniya diko masasaksihan ang mundong ginagalawan ko ngayon, ang pamilya ko syempre at wala na haha. May inaasahan pa ba kayo? Haha sige na nga si Natcher na din.
Pero bilang kaibigan lang. " Gwapo ni Kuya anu! ". Pagkakarinig ko sa mga nagchichismisan sa likuran namin. Mga dalagang di naman talaga nakikinig sa misa ni Father. Diko nalang sila pinansin. " Ghurl anu kaya name niya!! ". Ayaw ko sa lahat maingay kasi madali akong madistruct, e ayaw na ayaw ko din nang ganun lalo na focus talaga ako sa ginagawa ko.
Pinilit kong magtimpe at huwag nalang ulit sila pansinin. Mayroon din susuway sa kanila mamaya. " Parang kilala ko siya. Nakita ko na siya sa mga magazines tsaka tv lalo na sa YouTube ". Pag-uusap nanaman nila. Tumikhim ako at naghalukipkip. Nasa loob ako ng simbahan kaya ayaw kong may magawa akong di kanais-nais.
Naramdaman kong nilingon ako ni Natcher pero sandali lang nag focus na din kasi siya ulit kay Father na nagsasalita pa din sa unahan. " O.M.G!!!! Siya nga yun Ghurl siya si Shon———— ". That's it di ko na kaya. Lilingunin ko na sana yung mga babaeng walang tigil ang mga bibig ng diko maituloy ang pinaplano ko.
" Miss puwede ba akong humingi ng favor? makikilow down ng volume ang pag-uusap niyo. Nadidstruct kasi yung misis ko e! ". Habang sinasabi yun ni Natcher nakangiti lang siya sa mga babae tila ba ginagamit niya ang charming niya sa mga ito.
Mukha naman effective dahil nagpupuso-puso ang mga mata nun dalawang babae na nasa likuran namin ngayon. " O-okay lang pero sinabi mong misis, sino? ". Tinignan ko ng matalim yung babaeng nagsalita nun. Narinig ko naman ang mahinang pag tawa sakin ni Natcher.
Hello Ate malamang itong katabi niya ang tinutukoy ng gwapong nilalang na kausap mo. Diko pinansin si Natcher, nakafocus lang ako dito sa mga babaeng kulang nalang lamunin nila si Natcher sa mga titig nila.
Dahil nga sa seryoso ako ngayon nagulat ako nang maramdaman kong mayroon dumulas na mga kamay sa beawang ko. Tinignan ko ito pati si Natcher pero nasa mga babae ang atensyon niya. Mas hinigit niya ako papalapit sa kaniya. " This sexy and beautiful lovely lady besides me was my wife! ". Literal na napanganga ang dalawang babae sa sinabi ni Natcher.
Nginisian ko naman sila. Anu sila ngayon haha nasakin pa din ang huling halakhak. Bago pa matapos ang pangaral ni Father ay iniiwas na ako ni Natcher dun sa mga babae. " Just don't mind them ". Bulong pa niya, todo ngiti naman ako dito sa tabi niya. Kasi ang sarap sa ears na proud siyang sabihin sa ibang tao at ibang mga babae na asawa niya ako, kahit din naman talaga kami.
Bukod dun pinuri niya pa ako hehe sexy at maganda daw ako..... parang tenge kasi si Natcher haha. Hindi inialis ni Natcher ang pagkakahawak niya sa beawang ko. Hinayaan ko nalang din kasi komportable ako kapag ginagawa niya ito. Pakiramdam ko safe ako sa piling niya.
Huwag ko lang malalaman na panananching itong ginagawa niya talagang uupakan ko siya hehe. Uupakan ng halik chour.
Anu ba nangyayari sakin behave nga Rana. Di ka naman ganiyan.
After ng Mass dumeretso kami sa isang restaurant. Inaya kasi kami nitong si Natcher. Dinala niya kami sa isa sa mga mamahaling restaurant. Ang sabi ko nga di na kailangan kahit umorder nalang kami sa McDo tapos take out nalang at sa bahay na namin pagsasaluhan kainin di naman siya pumayag.
Ang dahilan niya minsan lang naman daw kaya hayaan ko na siya at tsaka gusto daw niya magpaempress man lang sa parents ko. Dagdag pogi points daw ba kung baga. Wala na din akong nagawa dahil siya naman itong gagastos. Nakakahiya man no choice na din tsaka sinulsulan pa ni Ate edi talagang wala na akong palag.
" Honey, anu gusto mo? ". Tanong sakin ni Natcher. Kanina pa ako nakatingin sa menu, nababasa ko naman ng maayos kaso wala talaga akong mapili. Kung mayroon man diko trip orderin hindi dahil sa mahirap bigkasin ang pangalan kundi dahil ang taas ng presyo nito.
Hindi ko ata masisikmurang kainin ang ganitong klase kamahal na pagkain. Wala bang presyong karenderya lang. " Wala ka bang magustuhan? ". Tanong niya pa ulit. Tinignan ko siya. " Mahal ba talaga lahat ng bilihin dito? ". Bulong ko para bahagya siyang mapatawa.
" Hindi naman yung presyo ang kakainin mo. Sige na umorder ka na lang diyan ng kahit anung gusto mo. Ako na ang bahala. Ang mahalaga busog ka ". Wika niya. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa menu. Ang hirap talaga mag decide.
" Nakapili na po ba kayo ng oorderin Nay, Tay? ". Tanong ni Natcher kina Nanay at Tatay. Kareer na kareer na niya talaga ang pagtawag ng Nanay at Tatay sa mga magulang ko. Okay lang din naman kina Nanay at nakikita kong natutuwa sila dahil kay Natcher.
" Sir favorite ni Rana ang sisig ". Sambit ni Ate kahit di naman tinatanong ni Natcher. " Sisig ang paborito? Gusto mo ba nun? ". Tanong nanaman niya. " Ha? O-Oo paborito ko yun pero okay lang oorder nalang ako ng iba ". Wika ko kasi wala naman akong sisig na nakita sa menu.
Hindi siya sumagot. Itinaas niya lang ang kanang kamay niya at lumapit agad samin ang isa sa mga waiter ng restaurant. " Yes sir? You'll ready to order ". Tumango si Natcher, sinabi niya ang mga order nila.... " And please add some sisig! ". Nakita ko na natigilan si Kuya waiter dahil sa huling order ni Natcher.
" S-sisig Sir but we don———— ". Kumuyom ang panga ni Natcher, tinaasan niya ng mga kilay ang waiter. " Sisig! ". Matipid niyang pagkakasabi. Tarantang tumango si Kuya waiter. " Okay Sir, sisig coming right up! ". Sambit pa nung waiter saka umalis.
" Mayroon bang sisig dito? ". Ungkat ko sa kaniya. " Wala! ". Sagot niya. " Ha? Kung ganun bat umorder ka ng wala sa menu ". Nginitian niya ako. Pinisil niya ang pisnge ko. " I'll do everything for you Honey (Wink*) ". Sambit niya. Itinulak ko siya na may kasamang palo pero mahina lang. Tinawanan niya lang naman ako.
" Aray!!! May kumagat ". Agaw pansin ni Ate kaya napatingin kami sa kaniya. " Anyare Ashiel? ". Ungkat ni Nanay. " May kumagat po sa binte ko, langgam po ata! ". Pagkasabi nun ni Ate ngiting-ngiti siya habang tinitignan kami ni Natcher. " Araay! Kinagat nanaman ako Nay..... ". Wika ulit ni Ate. " Nasaan ba ang langgam wala naman ". Ani ni Nanay.
Si Ate talaga halata naman inaasar niya lang kami ni Natcher. Pati si Nanay dinadamay haha. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na din ang mga inorder na pagkain namin. Inihain ito sa mesa ng waiter isa-isa. Todo abyad naman kami ni Natcher. Hindi naman ito ang una na makakain kami sa mamahalin restaurant.
" Diba sabi ko sayo May sisig! ". Giit ni Natcher ng hinahalo na niya ang pagkain ko. Wala naman siyang sinabi na mayroon sisig ang sinabi niya wala. Echos din siya! " Ayan ready na kumain ka na ". Sambit niya. " Kaya ko naman e ginagawa mo akong bata ". Giit ko. " Syempre andiyan sila Nanay kaya kailangan kong mga paempress diba ". Pabulong niyang sagot sakin.
Ngisian ko siya. " Maganda palang kasama natin palagi sila Nanay para ganiyan ka kasweet palagi ". Wika ko sabay tawa. Pinisil niya ang ilong ko sabay singkit ng mga mata. " Malas mo kasi hindi magkakatoto yan sinasabi mo. Kumain ka na! Tsaka sweet naman ako sayo always! ". Ani niya.
" Sweet! Pero palabas lang ". Bulong ko na di niya narinig. " What? ". Matipid niyang tanong. Nginitian ko lang siya. " Wala! Sabi ko ang sarap nung sisig nila ". Dahilan ko. Gwapo nga binge naman. Kumain nalang ako kesa makipagtalo pa sa kaniya.