[Chapter 23]:Don't fall for me!

2389 Words
Rana Pov: Ang sakit ng ulo ko. Paano ba naman ang aga-aga ako ginising ni Ate. E mamaya pa naman eight ang simba. Kasi nga mag jogging daw kami. Nandito na nga kami ngayon sa park at nagpapahinga, sumasabay pa ang sakit ng ulo ko sa pagod. Kinulang kasi ako sa tulog. Kahapon kasi hindi din umuwi agad si Natcher dahil naabutan siya nila Nanay at Tatay. Pinagsaluhan namin lahat yung ice cream na binili ni Ate. Nagkuwentuhan sila ng nagkuwentuhan, di din maiwasang mapag-usapan ang tungkol samin ni Natcher. Nabubulunan pa nga ako kapag tinatanong nila Nanay kung paano kami nagdedate ng di nila nalalaman. Akala kasi nila matagal na kami haha di nila nagets na kakakilala lang namin nun sa Milktea House nang mameet ko ang totoong jowa Ex ni Natcher. Gustong-gusto nila pag-usapan kaming dalawa. Pumasok pa nga ang usapan sa kasal e. Nagkakatinginan nalang kami ni Ate kasi si Natcher ang sagot ng sagot tango nalang ako ng tango. Mas alam naman kasi niya ang gagawin at sasabihin kumpara sakin. Seven years ang gap namin kaya expert na siya sa mga palusot haha mas madami na siya naexperience kesa sakin tsaka matalino naman siya. Ang alam ko kasi base na din sa kuwento ni Ate top natter at graduated sa Ateneo bilang Valedictorian si Natcher, yaman diba. Halos maggagabi na si Natcher nakauwi kasi ayaw pa siyang tigilan nila Nanay at Tatay. Nakakahiya na nga dun sa tao. Hinatid ko siya sa mismong gate ng bahay kasi utos nila Ate, ang lamig pa naman haha. Nakakatamad kasing lumabas pag gabi kasi malamig na haha. Kaya pati ako puyat dahil sa kanila at ngayon ko nga ang nararamdaman ang side effects ng kulang sa tulog. " Rana, mag seven na let's go uwi na tayo ". Aya na ni Ate. Mabuti naman para makapahinga na talaga ako ng tuluyan tsaka banas na banas na din ako sa sobrang pagpapawis. Nilakad nalang namin ni Ate ang papabalik sa bahay. Malayo pa kami sa mismong tapat ng bahay pero sa labas nito mayroon na akong natatanaw na color black Ferrari car. At kung hindi ako nagkakamali ay kay Natcher yun. " Andiyan na agad service mo sissy! Agap ah haha ". Asar ni Ate, diko maintindihan kung ako ba inaasar niya o si Natcher. Diko nalang siya pinansin. Nagdiretso kami sa paglakad. Nang makarating kami mismo sa bahay nasigurado ko nga na kay Natcher na kotse ang nakaparada mismo sa tapat nitong pamamahay namin, at amoy palang ng pabango niya na naiwan sa labas ay kilalang-kilala ko na. Nasa loob na siya ng bahay kasi wala ng tao yung kotse niya. Pagkapasok palang namin sa loob ni Ate bumungad ang mga mukha nilang masasaya. Tumatawa sila Nanay at Tatay ganun din si Natcher. Panigurado enjoy na enjoy nanaman sila sa mga kinukuwentong experience ni Natcher tungkol sa business. Kapag ganiyan ang topic nila hindi ako makarelate kasi sila lang naman itong mahihilig sa business ako kasi pagkuha ng dugo, pagmememorya ng gamot ang kailangan alamin. Dumeretso na ako sa hagdanan papaakyat na sana ako ng tawagin ako bigla ni Tatay. Natigilan ako at nilingon sila. " Rana, anak. Naipagpaalam ka na samin ni Shonie, next day pupunta daw kayong panggasinan. Maaga palang mag gayak ka na ". Paalala ni Tatay. Infairness anu kayang isunuhol niya sa mga magulang ko para mapapayag sila. Kung sabagay close na close naman talaga siya kina Nanay at Tatay. Ganun pumayag pala si Tatay means yes na din ako sa offer ni Natcher. " Opo! ". Matipid ko nalang na sagot. Pakiramdam ko naman mayroon nakatingin sakin. At ng sulyapan ko nga si Natcher his staring at me. Not on my face but on my body na basang-basa ng pawis ko. Bakas na bakas ang pawis ko dahil basa na ang suot kong sports bra. Sa pang ibaba ko naman na short ay okay pa. Tumikhim si Ate with matching simpleng ubo upang matauhan si Natcher sa pagkakatulala niya sakin. Iniiwas na niya ang tingin sakin, nahuli ko pang kinagat niya ang kaniyang lower lip. Bahagya akong napangiti. " May epekto pa naman pala ako sayo bakla! ". Bulong ko sa hangin saka nagpatuloy na sa pag-akyat. Dumeretso ako sa kuwarto ko upang maligo at makapagbihis na din. Ginayak ko muna ang dress na isusuot ko para mamaya sa pagsimba namin. White plain dress lang siya na off shoulder. Sinimulan ko ng maligo.... " Wooooh! ". Mahina kong wika ng maramdaman ko ang lamig ng tubig. Ayaw ko magheater kasi pakiramdam ko mas lalo akong babanasin kapag nagmainit na tubig pa ako. After 123456789 years natapos na ako sa daily routine ko in life. Naglagay lang ako ng kaunting pulbos sa mukha, manipis na blush on tapos konting kilay then maskara tsaka lip tint. Pabango and done! Ready to go na ako sa ibaba. Pagkababa ko sa sala wala sila Nanay siguro nasa kuwarto nila at nagbibihis na din. Si Ate nasa kuwarto niya din at nagaayos kasi nakita ko siya kanina nun pababa na ako. Nakaawang kasi ang pintuan ng kuwarto niya. Si Natche thang ang naabutan ko dito sa sala. Tulala siya sa kawalan, tila malalim ang iniisip. Speaking of minsan kaya sumasagi pa din sa isipan niya ang Ex niya. Umiiyak kaya siya kapag mag-isa nalang siya? Mahal niya pa din kaya ang Ex niya? " Your too beautiful too stared me like that Honey! ". Sambit niya upang matauhan ako. Kinagat ko ang labi ko sa sinabi niya, at bahagyang napangiti. Shems! Kinikilig ba ako sa papuri niya. Hindi ah! Humakbang ako papalapit sa kinauupuan niya. Wala pa naman sila kaya mabuti pang maupo muna ako. Mangangalay ako kung pipiliin kong nakatindig lang. May heels na sapatos kasi isinuot ko pero mga Two inch lang taas niya over naman kung six to eight diba haha anu ako lalaban ng Ms. Universe haha. " Bola ka talaga anu! ". Giit ko pero nakangiti pa din. Naupo ako na ako katabi niya pero mayroon puwang. Mga limang dangkal. " You know I can appreciate beauty, remember my job ". Tugon niya, napatango naman ako. " Oo nga pala, manager ka lang naman ng mga models at producer ". Bakit ba nakakalimutan ko yun palagi e kasi diko makita ang Natcher na Boss ni Ate at Manager ng mga models kapag ako ang kasama niya. Ang nakikita ko lang ay ang Natcher na magnanakaw ng halik. " Pumayag na sila Nanay at Tatay na isama kita sa panggasinan? Ready? ". Ungkat niya sa trip niya through panggasinan. Hindi ko pa nga alam kung anung magiging desisyon ko. Wala pa akong plano tsaka inaalala ko yun mga activities na puwede ko mamiss. Sana lang talaga wala kaming gaanong gawa nun. " Hindi pa ako sure. Ichecheck ko pa schedule ko. Tsaka bakit ba ako pa naisipan mong isama? ". Tanong ko. Naisip ko din kasi na ang dami naman diyan na puwede niyang akitin o ayain pero bakit ako pa. Mabilis niya akong sinagot. " Wala lang. Gusto ko lang! Tsaka sinuggest din ni Mr. Alivalde ang CEO ng HOTspot na puwede kaming mag sama ng kahit sino at naisip nga kita. Pagkakataon din iyon para satin na mapatunayan sa kanila na totoong mayroon akong asawa. Di kapa kasi nila nakikita sa personal ". Tinikom ko ang bibig ko na nakaawang. Oo nga naman. May point siya. So malinaw na kaya niya lang ako isasama ay para maging proof na di siya nagsisinungaling. " Kulang pa ba yun mga videos para maging proof? ". Natatawa kong pagkakasabi. Natawa din naman siya. " Hindi sasapat ang video footage lang sa kanila! ". Dipensa naman niya. " Ganun? Ang choosy naman nila ". Sambit ko para matawa siya lalo. Binalot kami ng sandaling katahimikan. Bumuntong hininga ako, hindi ako nakatingin sa kaniya kundi sa tv na naka-off. " You know what Rana, ang suwerte ng lalaking mamahalin mo! ". Marahan ko siyang sinulyapan ng basagin niya ang katahimikan. I found it his green perfect eyes are staring. Bigla siyang lumapit sakin kaya nawalan kami ng puwang sa isa't-isa. Wala na din naman akong aatrasan pa dahil na mismong dulo na ako nitong sofa." Posible bang mahulog ka sa tulad ko Rana? ". Tanong niya na ikinakurap ko ng ilang beses. " N-Natcher! ". Pagtawag nalang sa pangalan niya ang naiitugon ko. Inaatake nanaman ba siya ng kaadikan niya haha bigla-bigla nalang kasi siya diyan nabanat. Bumaba ang mga tingin niya sa labi ko. Tinitigan niya ito ng ilang segundo bago ibinalik ang focus sa mga mata ko. " Rana, please don't fall for me! ". Huminto ang ingay na nanggagaling sa loob ng aking katawan ng sandali niyang sabihin ang sinabi niya. Nagpaulit-ulit pa ito na tila nageecho sa isipan at tenga ko. Lumalim bigla ang paghinga ko. Sandali! Anu daw, huwag akong mahulog sa kaniya. Loko ba siya. Sa ginagawa niya mahuhulog talaga ako kahit pa may pagkabakla siya. " Haha anu ka ba malabong mangyari yan. At tsaka di porke gwapo kang bakla e mahuhulog na agad ako sayo. Feeling ka rin anu haha ". Pagtawa ko at okray sa sinabi niya. But deep inside hindi ko ata nagustuhan ang sinabi niya. May kung anu sa sistema ko na di nasiyahan sa sinabi niya. Anu bang nangyayari sakin? Ang weird ha. Sa sinasabi niya palang obvious ng malabo siyang mahulog sakin. Which is good. Pero bakit ganito parang di ako nasisiyahan sa litanya niyang yun. Iniiwas ko nalang ang tingin ko sa kaniya. Bahagya akong ngumiti sa kawalan. Naramdaman kong hinilig niya ang mukha niya sa leeg ko. Hiningahan niya ako rito para maramdaman ko ang kuryenteng siya lang ang nakakagagawa sa buo kong sistema. Paanong di ako mahuhulog sa kaniya, e ganiyan siya. Pafall. Bwiset! Ako pa talaga mag aadjust. " I'm sorry! ". Pabulong niyang pagkakasabi. Pumungay ang mga mata ko at nilingon siya. Muntikan ng magtama ang mga labi namin dahil sa ginawa ko. " Don't say sorry. Di naman mangyayari yan! ". Wika ko. Tumango naman siya sabay layo sakin. " Mabuti ng alam natin ". Ani niya ako naman ngayon ang tumango. " Oh anu ready na kayong dalawa? ". Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Si Tatay lang pala, bihis na bihis na. Kasunuran niyang bumaba si Nanay pati si Ate. Tumayo naman na ako sa pagkakaupo ng sofa. " Let's go po? ". Aya ko. " Tara na! Baka mahuli tayo sa misa ". Giit pa ni Tatay. Nauna silang lumabas ng bahay. Nahuli kami ni Natcher. Mabagal lang ako naglakad kasi pakiramdam ko tinamad ako bigla. Papalabas na ako ng pintuan nang maramdaman kong mayroon humawak sa kamay ko at pagtingin ko sa direksyon ni Natcher sa likuran ko hawak-hawak nga ng isa niya din kamay ang kamay ko. Napatitig ako sa kamay namin dalawa. " Kailangan mo ng masanay! ". Sambit niya pa upang sa kaniya ko na mismo maituon ang atensyon ko. Ngumiti ako sabay tango. " Let's go! Baka malate pa tayo e ". Aya ko na ulit sa kaniya. Si Ate na nagsarado ng bahay. As a gentle gay haha pinagbuksan ako ni Natcher ng pintuan ng kotse niya. Pagkapasok ko mayroon bouquet ng bulaklak ang nakapatong sa mismong uupuan ko. " Second flowers for my beautiful Fiancé! ". Sambit ni Natcher sa likuran ko. Nilingon ko siya. " P-para sakin? ". Diko makapaniwalang tanong. Hindi ko kasi ito nakita kanina ng silipin ko ang loob ng kotse niya. " Ikaw lang naman babae sa buhay ko kaya kanino ko pa ba ibibigay yan kundi sayo ". Pamimilosopo at banat na din niya. Ito ba yun sinasabi niyang huwag magmapofall sa kaniya. E kung ganiyan siyang klase ng bakla na sobrang romantiko at sweet ang hirap naman atang pigilan kung nahuhulog na nga talaga sa kaniya. Ang unfair lang niya. Pero kung sabagay sinabi ko nga malabong mafall ako sa kaniya dahil nakafocus ako sa future ko, sa pangarap ko. At di niya magagawang madistruct ang puso ko este ang isip ko. Naningkit ang mga mata ko pero sandali lang. kinuha ko ang bouquet at pumasok na sa loob. Umikot siya at dumaan sa harapan ko para makapasok na din siya sa loob ng kotse. Pagakasakay niya ng sitbelt na agad ako ganun din siya. " Natcher, thank you nga pala dito ah ". Pasasalamat ko. " Anything for my Honey! (Wink*) ". Tugon niya. Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa ginawa niya. Lihim akong napangiti sa gilid ng niya namamalayan. " Rana umayos ka bulaklak lang yan! ". Bulong ko sa sarili ko, Maya-maya pa naramdaman ko na mayroon mainit na dumampi sa kamay ko. At ng icheck ko kung kamay lang naman ni Natcher na hinawakan ang isa kong kamay. Nakatingin lang ako sa mga kamay namin, naagaw niya ang atensyon ko ng magsalita na siya at sinimulan patakbuhin ang kotse niya. " Masasanay ka din Honey, but remember don't fall for me! ". Ayan nanaman yan don't fall for me niya, e kung huwag nalang kaya niya kasi siya gumawa ng kahit anung gestures, posible pang mangyari ang sinasabi niyang don't fall for me. Pinabayaan ko nalang na hawakan niya ang kamay ko buong byahe. Hindi niya talaga ito binitawan pero aaminin kong ang komportable sa pakiramdam kapag hawak niya ang kamay ko. Para bang nawawala ang stress ko sa life haha. Siya lang pala ang sagot sana noon ko pa siya nakilala in person haha chour. Hindi kami nagsalita at nag-usap man lang buong byahe. Focus lang siya sa pagmamaneho. May mga pagkakataon ninanakawan ko siya ng tingin kasi winawangis ko ang kagwapuhan niya. Napatunayan ko na kahit bakla siyang talaga ngang nakakaattract pa din siya. Suwerte nung mga babae na hinahandle niya. Siguro nahuhulog na din sa kaniya ang mga yun o di kaya nahulog na din si Natcher once sa isa sa kanila. Diba nga Bi siya so there was a big chance na mangyari yun. She attracted with the guys and also to the girls kaya di malabong mayroon din siyang nagugustuhan sa mga modelo na hinahandle niya. Bumuntong hininga ako.....para lingunin niya ako pero saglit lang. "  Uncomfortable Honey? ". Nakangiti niyang tanong. Pero diko alam kung bakit kusa nalang lumabas sa bibig ko ang tanong na " Nagkagirlfriend ka na? "..............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD