[Chapter 22]:Cousin

2214 Words
Rana Pov: " Rana! Rana wake up! ". Pakiramdam mo mayroon umuuga sakin kaya sinubukan kong imulat ang mga mata ko. Bumungad sa harapan ko si Ate, napangiti siya ng ubod ng lapad tapos labas pa ang mga ngipin niya. Kumunot ang noo ko dahil sa liwanag na sumisilaw sa mga mata ko. " Nakatulog na siya sa kakahintay sayo ". Wika ni Ate tapos nilingon niya yun kinakausap niya. Sinilip ko kung sino ba ang kinakausap niya ay pagkakita na pagkakita ko palang sa pagmumukha niya ay agad kong naalala ang panaginip ko. Sandali hindi yun panaginip alam kong totoo na mayroon siyang tinawag na babe sa kabilang linya nun tawagan niya ako. At Melle pa nga ang pangalan. Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa sofa saka siya hinarap. " Anung ginagawa mo dito? ". Salubong ko imbis na batiin siya. Salubong ang kilay ko at masama ang tingin ko sa kaniya. Parehong natigilan sila Ate at Natcher sa biglaan kong pagbabago ng ekspresyon pati sa galit kong tono ng pananalita. " Mukhang nanaginip siya ng masama ". Dahilan pa ni Ate kay Natcher. " Ang kapal mong pumunta dito sa bahay! Bakit ka pa pumunta dito ha? ". Tinuro ko siya gamit ang daliri tapos tinalikuran na sila ni Ate. Pumunta ako sa kusina. Sumunod naman yun dalawa sakin. Kumuha ako ng tubig saka uminom. Uhaw na uhaw ako dahil sa init ng panahon. " Honey okay ka lang! ". Ibinaba ko ang baso na hawak ko pagkaubos ko sa laman. Hinarap ko siya tapos inirapan. " Maghanap ka ng kausap mo! Diba May Melle ka edi siya kausapin mo! ". Wika ko sabay walk out ulit at bumalik ako sa sala. Sinundan nanaman nila akong dalawa. Anu ba sila mga sisiw at ako ang inahin. Sunod-sunod sila. Umupo ako sa sofa binuhay ko ang tv. " Mabuti iwan ko muna kayo ". Suhestiyon ni Ate. Iniwan niya nga kami ni Natcher at lumakad siya sa kitchen siguro para ipaghanda ng meryenda ang baklang nakatayo sa gilid ko. Humakbang siya katapat mismo ng tv. Hinarangan niya ito. Sinasadya niya na gawin yun para makuha ang atensyon ko. " Anu bang nangyayari sayo Honey? ". Ungkat niya pa. Anu nga ba nangyayari sakin. Wala masama lang talaga gising ko tapos siya pa bunungad sakin na bisita namin. " Wala! Kaya tumabi kadiyan. Nanunuod ako e ". Akala mo kanais-nais katawan niya para magdinisplay sa harapan ko. " Sir, sissy labas lang ako. Bibili lang ako ng ice cream sa kabilang kalye ". Paalam ni Ate. Hindi ako sumagot kasi si Natcher na ang nagsalita. Pagkaalis ni Ate tumayo na din ako sa kinauupuan ko. Akmang bubuksan ko ang pintuan ng bahay pero pigilan niya ako. Tinignan ko siya. " Ikaw ang ipinunta ko dito tapos iiwan mo din ako ". Saad niya. Inirapan ko lang siya at naglakad na papunta sa kuwarto ko. Di naman siya sumunod kaya safe akong nakapanhik sa itaas. Buong akala ko di niya ako sinundan pero pagkapasok na pagkapaso ko sa kuwarto ko ay nandun na din siya. Tapos nilock niya yun pintuan. " A-anung ginagawa mo? ". Nagpapanik kong tanong. " Ito palang kuwarto mo? ". Pagsasawalang pansin niya sa tanong ko. " Lumabas ka nga! Magbibihis ako! ". Utos ko sa kaniya. Parang wala lang siyang narinig. Ipinagpatuloy niya ang pagsusuri sa kuwarto ko. At ng magtama na ang mga mata namin dalawa bigla siyang lumapit sakin para maptakbo ako sa gilid. Sa pagaakala ko kung anung gagawin niya nakita ko na nilapitan niya ang picture frame na nakapatong sa mini desk ko dito sa kuwarto. " Ikaw ito? ". Natatawa niyang tanong sakin. " Anu naman sayo kung ako ". Ungkat ko. Tinignan nanaman niya ako ng kulay green niyang mga mata. " For sure maganda ang talaga lahi ng magiging mga anak natin! ". Wika niya na hindi ko inaasahan. Magiging anak anu siya sineswurte? " Anakin mo mukha mo! Sa tingin mo papayag ako. Tsaka Melle ka bakit di siya anakan mo. Wala sa kontrata na magkaka anak ka sakin ". Totoo naman e. Huwag niyang sabihin na bumabanat nanaman siya kasi talagang affected ako. Sira kasi itong bakla na nasa harapan ko e. " Diba tayo gagawa? ". Ungkat niya na ikinataas ng dalawa kong kilay. " Anung sinasabi mo! Of course not. Di pa nga tayo kasal, anak agad! Tsaka hindi kita hahayaan anu! No way! ". Giit ko. " Akala ko pa naman uunahin na natin ang apo nila Nanay bago ang kasal, e bakit dito ko ako dinala? ". Tanong niya. Anu daw? Apo! Adik na talaga siya. Sana lang huwag niya akong mahawa dahil kundi ako mismo magpaparehab sa sarili ko. " Hindi kita dito dinala. Ikaw ang sumunod ". Paglilinaw ko dahil siya naman talaga ang sumunod sakin. Ngumisi lang siya at tumalikod sakin. Naupo naman ako sa gilid ng kama. " Lumabas ka na kasi Natcher magbibihis nga kasi ako. Tsaka bakit ka ba pumunta dito? ". Naalala ko bigla. Tumawag siya kanina para icheck ako kung nandito ba ako sa bahay. As if naman aalis ako ng bahay. Wala naman si Razon para ayain ako kasi kasama niya si Hash. " Para bisitahin ka, tsaka ipagpapalam din kita kina Nanay at Tatay. I have a trip to panggasinan and it consume atleast three days..... balak kitang isama ". Huwaaat! Di puwede may pasok ako e. Kung makayaya siya parang di pa nag-aaral itong aasawahin niya. " May pasok ako, tsaka baka mag kaquiz pano yun! ". Tanong ko. " Edi skip mo! ". Ani niya sabay harap sakin. Ibang klasi di halatang di siya concern. Mabilis kong tinakpan ang mga mata ko pagharap niya palang. Paano ba naman nakaunbutton lahat ng botones ng suot niyang polo na pula. Nasilayan ko tuloy ang anim na pandisal sa tiyan niya. Expected ko ng Hot siya pero mas Hot pa pala siya sa personal. Narinig ko na tumawa siya ng mahina. " Natcher anu ba kung maghuhubad ka naman magsabi ka lalabas ako! ". Wika ko. Tumayo na ako sa kinatatayuan ko ng di siya tinitignan. Lumapit ako sa pintuan upang lumabas na kaso pinigilan niya ako. Hindi ko naman inaasahan ng bigla niya akong hinatak papalapit sa kaniya kaya nadama ng katawan ko ang katawan niya. Yung same feeling ko umatake nanaman. May kuryente talaga siyang hatid sakin at hindi nagbabago ang pakiramdam nato. " A-anu ba! Maabutan tayo ni Ate dito kung anu pa isipin niya. Bitawan mo na nga ako ". Hiniklas ko ang kamay ko papalayo sa kaniya at lumayo na ako sa kaniya. Lumapit ako sa kama para kunin yung cellphone ko. Pero bago ko pa man ito madampot iniharap ako ni Natcher sa kaniya pagkatapos ay itnulak niya ako papahiga sa kama at bago pa man ako makaangat sa kinahihigaan ko ay pumaibabaw na agad siya sakin. Nakatuon ang mga kamay niya sa kama para hindi maglapat ang mga katawan namin. Nag smile siya, evil smile na hindi mo pagkakatiwalaan. " N-Natcher u-umalis ka nga diyan! ". Tinutulak ko siya papalayo sakin pero di siya nagpapatinig. " Namiss kita! ". Husky na tono ng boses niya. Anu nanaman ba itong kalokohan niya. Ako mamimiss niya? Imposible. Apaka joker niya din minsan. " I f*****g damn miss your lips honey! ". Ah so yung lips ko lang ang namiss niya. Ang landi niya talagang bakla. Anung sikap ko na ipagtulakan siya ay balewala lang. " N-natcher! ". Wika ko pa. Bwiset na bakla ito pinagtitripan nanaman ako. " Ang landi mo talaga. Pagkatapos mo dun sa Melle mo sakin naman ". Buwelta ko na ikinakunot ng noo niya. " Anu taka ka. Aminin mo mayroon kang babae na kausap kanina nun tinawagan mo ako ". Nag-isip pa siya muna at nun matandaan na niya ang sinasabi ko nginitian niya lang ako. Ah so natutuwa pa siya talaga na kilala ko babae niya. " Bakit selos ka Honey? ". Ako naman ngayon ang natawa. " Bakit naman ako magseselos ni di kita pagmamay-ari tsaka diba nga kaibigan mo lang ako! ". Pagkakaalala ko sa idinahilan niya dun sa Melle para lang payagan siyang lumabas. " Kaibigan? O Ka-ibigan! ". Banat niya pero di nakakakilig. Cheesy niya. Che! Di ako nadala sa banat niyang iyan. " Don't get jealous to her Honey! Wala lang naman si Melle e. She was just my cousin ". Pagpapaliwanag niya. Umawang ang bibig ko ng sabihin niya yun. Pero di yun sapat na reason. Ang landi-landi nila kanina sa kabilang linya tapos pinsan lang. Magpapalusot nalang siya yun di ko pa paniniwalaan. Tsaka diko naman hinihingi paliwanag niya ah. " Si Melle anak siya ng kapatid ni Daddy. Bumisita lang siya kanina sakin. Baby ang tawagan namin kasi once na siyang nabully sa school so para maprotektahan siya nagpanggap akong boyfriend niya pero nalaman din nila na fake lang kami but after nun di naman na siya binully pa ulit ". Pagsasalaysay pa niya. " Bakit nagpapaliwanag ka? ". Tanong ko. " Ayaw ko kasi na isipin mong nambabae ako at niloloko kita. Hindi ako ganun! You know I can't do that ". Ani niya. Titig lang ako sa mga mata niya. Binabasa ko kasi kung talagang nagsasabi siya ng totoo sakin, at mukha naman oo nagsasabi nga siya. Grabe Rana apaka sama mo! Pag-isipan mo ba naman malandi si Natcher e niloko na nga siya ng boyfriend niya e. Nakaramdam ako ng guilty bigla. Sabagay di naman niya alam, mabuti na lang din naipaliwanag niya upang maliwanagan ako. " G-ganun! ". Ngumisi nanaman siya. " Huwag ka na magselos okay! Di naman kita ipagpapalit e. Wala din akong plano na gantihan ka sa ginawa niyo sakin ni Razon ". Pagpapasok niya sa palabas na ginawa namin ni Razon. Natawa ako bigla kasi naalala ko. " Ngayon malinaw na sayo Honey can we go to the thing na diko matuloy-tuloy? ". Ungkat niya. " Alin? ". Taka ko. " Kissing you! ". Sambit niya at walang anu-anu ay hinalikan niya nga ako. These may the 13th time na hinalikan niya ako. His lips moving, kinagat niya ang labi ko para makapasok ang dila niya sa bibig ko. Bakit sa tuwing gagawin niya ito di na ako makapalag. Gustuhin ko man ay di sumasang-Aton ang katawan ko. Tila mas pinapaboran pa nito si Natcher. Kusa ko nalang ipinulupot ang mga kamay ko paikot sa leeg niya. His kisses was too passionate, hindi mabakas na kasama ito sa palabas. Pagpapagamit na ba tawag sa ginagawa ko, para hayaan siyang gawin ang gusto niya sakin. His kisses take my breath away. Kumalas siya nung pareho na kaming di makahinga. " Your truly amazing Rana! ". Kagat labi niyang sambit habang naghahabol ng hininga. Compliment ba yun? " Nakakalimutan kong Bi ako sa tuwing hahalikan kita. And Honestly your lips truly attracting me. Why you so damn attractive Honey! ". Sambit niya dahilan para mang-init ang buong mukha ko. Nakakahiya na yun mga puri niya. Ako din naman ah sa tuwing hahalikan niya ako nakakalimutan kong tao papala ako tsaka hindi ko din mabakas na bakla siya. He smirk and kiss me again pero smack nalang. " Yan palang sa ngayon Honey! Ayaw ko munang humantong tayo dun sa final stage. Saka na kapag kinasal ka na sakin. Magpipigil muna ako sa ngayon. And also I respect you pati sila Nanay at Tatay.... ". Sambit niya habang pinupunasan ng kamay niya ang labi ko. Shems na bakla ito. Bakla pa ba talaga siya. Habang tumatagal nag iiba na ang tingin ko sa kaniya. Baka mamaya nito hindi na basta pagtulong lang ang intensyon ko sa kaniya baka mamaya gustuhin ko ng totohaning pakasalan siya. Pero nope! Hindi bakla siya kaya di puwede. Pero aaminin ko ang mga halik niya kinakasanayan ko na. Sa susunod baka hanap-hanapin ko na to at hindi iyon puwede. Dahil bandang huli hindi din siya magiging tunay na akin. Maghihiwalay din kami dahil ang lahat lang ng ito ay isang malaking palabas. Lumayo na siya sakin, inayos na niya ang sarili niya. Ako naman naiwan nakahiga at ng matauhan inayos ko na din ang sarili ko. Parating na sila Nanay at Tatay. Tsaka narinig ko ng bumukas ang pintuan sa sala sa ibaba ibig sabihin nakabalik na si Ate. " Magbibihis ka pa diba? Sasabihin ko nalang kay Ashiel ". Wika ni Natcher tumango naman ako. Bago siya lumabas ninakawan nanaman niya ako ng halik pero sa noo ko na ito. Nang maiwan na ako dito sa loob ng kuwarto lutang akong pumasok sa loob ng banyo. Inaalala ang bawat halik sakin ni Natcher. Tinapik ng dalawa kong mga kamay ang tigkabilang pisnge ko para magising sa katotohanan na hindi straight si Natcher. Mas lamang na lalaki ang mahal nito at tsaka di niya ako mahal. Kailangan niya ako kaya niya ginagawa ang lahat ng ito. " No Rana huwag kang papadala sa kaniya. Part lang yan ng arte niyo kaya huwag kang papadala sa kaniya ". Paalala ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim binuhay ang shower saka naligo ulit para mas fresh...... " Posible kayang mafall siya sakin? ". Tanong ko sa sarili ko ng kusang nalang pumasok sa isipan ko ang tungkol sa pagkatao niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD