Rana Pov:
" OMG! Sissy!!!! ". Sigaw ni Ate papababa ng hagdanan. Wala siyang pasok ngayon kasi weekends at ganun din ako. Sila Nanay at Tatay naman ay umalis mayroon daw silang lalakarin kaya kami lang ni Ate ang naiwan dito sa bahay. Limang araw na ang nakakalipas nun mag proposed sakin si Natcher after nun di na nagparamdam ang mokong.
I mean sinusundo at hatid pa din naman niya ako kaso madalang na siyang bumanat ulit ng matatamis na salita. Kagaya nga ng inaasahan ko ay parti lang ang lahat sa kontrata namin. Mabuti di ako nag expect ng sobra at mabuti kamo di ako umiyak nun lumuhod siya sa harapan ko kasi talagang sobrang epic na nun kung umiyak pa ako.
Nagtiteary eye palang ako nun. Mabuti nalang hindi natuluyang bumagsak. Suot-suot ko ang singsing ngayon na binigay niya at panay ang kinang. Nalaman ko na totoong diamante pala talaga itong bato na nakalagay sa singsing. Binili pa daw niya ito sa Italy nun minsan bumyahe siya. Balak niya daw sana itong ibigay dun sa Ex niya kaso ayun iniwan naman niya kaya sakin nalang niya inibigay. Oh diba no choice lang ang bakla.
Kikiligin na sana ako kasi sobrang ganda nun singsing kaso huwag nalang kasi hindi ako ang totoong dahilan kung bakit niya binili ito. At tsaka second opinion lang ako ng bakla. " Sissy nasa one million views na proposal sayo ni Sir Shonie ". Natutuwang balita ni Ate sakin. Puwes ako di ako natutuwa.
Matapos ang proposal niya madami ang nakaalam nito dahil nga sa social media na yan tsaka dahil siya si Shonie Natcher Valtocris. Tsaka dahil din sa ginawa niya ayun kilalang-kilala na ako sa loob at labas ng campus. May ilan fans ni Natcher na lumalapit sakin para lang pakisuyuan akong ihingi sila ng fansign kay Natcher. Alam niyo yun bwiset! Hello ako kaya Fiancé tapos uutusan nila ako. Di ba nila alam nakakaoffend haha.
" So what di naman ako kumikita diyan.... speaking of. Sanla ko kaya itong engagement ring namin, galing pa itong Italy panigurado yayaman tayo dito ate ". Nakangisi kong todo na suhestiyon sa kaniya. Akala ko sasang-ayunan niya ako pero binatukan lang naman ako ng kapatid ko. " Buang ka ba.... ". Buwelta niya.
" E hindi naman kasi talaga ito para sakin. Alam mo naman para talaga ito dun sa jowa niya dati ". Yup alam na ni Ate, sila lang dalawa ni Razon ang nakakaalam ng kontrata namin ni Natcher at alam din ni Natcher na sila Ate lang ang nakakaalam. Mapagkakatiwalaan naman kasi sila e. " Oh atleast sayo na ibinigay kaya huwag na huwag mong isasanla yan Rana ha, binabantaan kita. Pinag-ipunan talaga yan ng tao. Tsaka importante yan singsing na yan sa kaniya ".
Oo na importante kasi para sana ito sa Ex ni bakla. Nagpout nalang ako at pinagmasdan mabuti ang singsing. Kinutingting ko ito, tapos hinalikan hehe. " Kailangan pala plano niyong ikasal? ". Interview sakin ni Ate. Nagkibit balikat ako. " Ewan ko sa kaniya, tagal nga e gusto ko na makipag devours ". Sambit ko para batukan nanaman niya ako. Aray! Sumosobra na siya.
Pareho talaga sila ni Razon mapanakit. Diko naman sila ginaganyan. Pasalamat sila mahal na mahal ko sila. " Devours ka diyan! ". Hinarap ko siya at niyakap ang unan na nandito sa sofa. " Dun din naman kami hahantong Ate at the end of the story. Edi bago pa man siya magsabi na maghiwalay na kami ako na unang magsasuggest diba ". Giit ko.
Tumawa si Ate bigla. " Haha Gaga di mangyayari yan pustahan tayo! ". Kumpyansado niyang wika. " Bakit mo naman nasabi Ate? Diyos ka ba! ". Ani ko sabay tawa din. " Dyosa Oo.... basta di yan mangyayari Rana. Kapatid kita kaya kilala kita. Kung nainlove ako sa kaniya ibig sabihin maiinlove ka din sa kaniya. At alam kong magkakatotoo ang sinabi ko. Lalo pa at malalim ang ugnayan niyo kesa samin ". Giit niya.
Diko nasagot ang sinabi niya, wala speechless lang ako. Mahirap magsalita ng tapos e at naniniwala ako sa pamahiin haha. (Cring* Cring* Cring*) pagtunog bigla ng phone ko. Minadali ko itong tinignan kahit na tinatamad ako. " Haha asus kanina mo pa ba hinihintay na tumawag siya! ". Asar ni Ate habang tumatawa.
Hindi ko siya pinansin at sinagot nalang ang tawag ni Bakla. " Hello! ". Walang gana kong sagot. " Asan ka? ". Napangiwi ang labi ko sabay irap sa phone. " Wala man lang kamusta! ". Bulong ko sa hangin na narinig ata ni Ate kasi tumawa siya mag-isa may kasama pang siko. Napangiti nalang din ako. Pero nung magsalita na ulit si Bakla sa kanilang linya napawi na ulit ang ngiti ko.
" Sa bahay malamang saan pa ba ako pupunta! ". Pamimilosopo ko sa kaniya. Di naman niya yun pinansin. " Great! Huwag kang aalis diyan ". Utos niya, kaya napaismid ako. Kung maka utos akala mo sinesuwelduhan ako. Libre na nga lang yun kontranta e tapos ganiyan pa siya makitungo. Haaay ewan.
" Cge na Estorbo ka May ginagawa ako e ". Giit ko sa kaniya. Hindi siya sumagot sandali pa narinig ko na mayroon boses ng babae. " Babe saan ka na? ". Rinig kong sambit nung babae sa linya ni Natcher. " Aalis na ako may pupuntahan pa ako sige na I'll go a head ". Tugon ni Natcher.
Baka nakakalimutan niya nasa kabilang linya pa ako. " Ha? Saan ka ba talaga pupunta! No di ka aalis kapag di mo sinabi! ". Tsss ang arte akala mo maganda haha. Ay diko pa pala nakikita. Excuse nasa kabilang linya kaya yun Fiancé at sakin pupunta yan baklang tinatawag niyang babe.
" Melle, I have to see one of my friend okay baby!! So see you later nalang ". Narinig ko na tumawa ng malandi yung babae. At kundi ako nakapulupot na ang katawan niya sa baklang ito. May narinig pa akong tunog at alam na alam ko kung anu yun. Mga labi nilang nagkiss.
Walangyang bakla yun. Kailan pa siya naging two timer. Bwiset! May pasabi-sabi pa siyang " It was my decision to be stick to one or I should say faithful to you. Ayaw ko naman isipin mo na talagang ginagamit lang kita. Hindi ganun, mali yun...... ". Akala niya ba nakakalimutan ko yan of course not. Tanda ko lahat ng litanya niya sakin. Faithful! Nasaan ang word na faithful sa paglalandi niya ngayon.
Sa kabilang linya narinig ko ang pagtaklab ng pinto. Siguro ng kuwarto niya. Buti pa yung babae niya nadadala niya sa bahay niya o Condo samantalang ako na papakasalan niya hindi. Bakit ko nga ba aasahan yun e kontrata lang kami tsaka friend niya lang daw ako. Friend pala ah, bwiset talaga siya.
Hindi naman ako nagseselos ayaw ko lang na magsasalita siya ng tapos, tapos di niya tutuparin. Tsaka ang landi-landi niya. " Sorry Honey, basta huwag ka aalis diyan ah ". Inirapan ko nanaman ang phone ko. " Bwiset ka! Babaero. Malanding bakla! ". Buwelta ko sa kaniya pero pabulong lang at tanging si Ate lang ang nakakarinig kasi tawa siya ng tawa sakin. Inutilitan pa akong nagseselos daw ako.
" Paano kung gusto kong umalis? ". Wika ko. " Saan ka naman pupunta? ". Tanong niya pabalik. " Dipenda! ". Matipid kong sagot. " No. Honey you stay their ako ang pupunta sayo ". Utot mo! Honey-honey ka pa diyan nambabae ka lang naman pala. " Cge na umalis ka kung aalis ka. Abala ka! ". Buwelta ko. Iimik pa sana siya ng pinutol ko na ang tawag niya.
" Akala mo kung sino mag utos. Akala mo siya na pinaka gwapo sa buong mundo. Akala mo totoong lalaki siya. Bakla na nga napaka landi pa. Tsk! Bwiset siya, Bwiset ". Wika ko para humaglpak na sa kakatawa si Ate. Tinignan ko siya at halos mamatay na siya sa sobrang saya. " Haha jusko iyan ba ang gusto ng devours. Di pa nga kayo kasal selos na selos ka na sissy paano pa kapag talagang kayo na ". Giit ni Ate.
Mas lalo akong bumusangot dahil sa huling word na sinabi niya. Ako? Selos in that bakla face di mangyayare yun. Ibigay ko pa siya dun sa Melle niya e nakita niya. Diko na pinansin pa si Ate at isinandal nalang ang sarili ko sa sofa. Nagtaklob ng unan sa mukha at nanahimik. Ayaw ko muna makipag-usap kay Ate inaasar niya sa Boss niya e. Boss niyang bakla pero malandi.