[Chapter 20]:Sayo na ako

1511 Words
Rana Pov: Nagptuloy naman sa pagtugtog ng kaniyang gitara si Clexx. " Waaaaah ". Pagsisimula nanaman ng sigawan pero hindi na dahil kay Clexx kundi dahil dun sa lalaking bigla nalang sumulpot mula sa likuran ng flag pole kung saan kanina nagpeperform si Clexx. Humawi ang mga estudyante upang makadaan siya. Mas lalo kong naramdaman ang pambabatok, pagpalo sa kaliwa at kanan kong balikat, paniniko, pangingiliti sa beawang ko kasi sinusundot nila dahil nga sa kinikilig sila ngayon. Ako ang ginagawang punching bag ng mga classmates ko. Ipinagsawalang bahala ko ang mga ginagawa nila sakin. Lalo na nun maramdaman ko na mayroon ng nakatayong tao sa harapan ko. Nagulat ako nun mapasubsob ako taong yun dahil itinulak ako ni Razon kaya salong-salo ako ng dibdib ni Natcher. Opo si Natcher lang naman itong lalaking may pa grand entrance pang nalalaman. Mabilis naman niya akong sinalo. Sa di inaasahan pangyayari aksidente kong nalanghap pagsinghot ko ang pabango niyang Vanilla na talaga naman bumagay sa kaniya. Para tuloy gusto ko siyang yakapin.... ayyyssss Rana behave anu ba naman yan. Kung anu-anu nasasabi ko. Tiningala ko siya ng makarecover ako sa panananching ko sa kaniya. Nakatingin na din pala siya sakin, kaya nagmadali akong lumayo sa kaniya at inayos ang sarili ko. " A-anung ginagawa mo dito? Diba mamaya pang 6pm out mo sa trabaho mo ". Wika ko sa kaniya. " Oo. Pero namiss kasi kita kaya naisipan kong dalawin ka! ". Kumalabog ng kusa ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Lokong bakla ito. Kailangan pa siya natutong bumanat ng ganiyan. Most of the time puro rules at pagbabanta lang naririnig ko sa kaniya pero ngayon may pabanat na. Umaasenso siya ah haha. " Do you like the flowers? ". Pareho kaming napatingin sa bulaklak na hawak ko. " Sayo galing ito? ". Ungkat ko na tinanguan niya habang mayroon mga matatamis na ngiti sa labi niya. " At pakana mo ang lahat ng ito? Pati sila Clexx at Ate Seri dinamay mo pa! ". Giit ko na ikinatawa niya ng mahina. May nakakatawa ba sinabi ko? He lean forward to me para mas magkalapit ang mga mukha namin. Nagsimulang nanaman magsipaliritan ang mga tao sa paligid namin. Lalo na itong si Razon na katabi ko. " I'll do anything for you Honey! ". Banat nanaman niya. Kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ang pag ngiti kasi nga nakakadalawa na siyang banat at yung dibdib ko kumakalabog na parang gusto ng kumawala sa pagkakatago nito. Para hindi niya mahatalang epektibo sakin ang mga litanya niya ay pinalo ko siya ng mahina sa balikat niya. " Ikaw gumagawa ka ba ng eskandalo? Kita mo halos ng mga estudyante pinapanuod tayo. Tsaka paano ka nakapasok dito sa loob ng campus, gagawan mo pa ako ng issue dito e ". Giit ko sa kaniya. Inilayo niya yung sarili niya sakin. " Eskandalo na bang matatawag ang pageexpress ng pagmamahal ko para sayo? ". Anak ng tokwa! Di ba siya titigil sa kakabanat? E kung siya kaya banatan ko. Pinapahirapan niya ang puso ko dahil sa mga padali niya. " And I don't care kung milyong-milyong tao pa man ang makakita at makaalam na mahal na mahal kita. Mas maganda pa nga yun, because they were knew that Shonie Natcher Valtrocris was taken and owned by Mrs. Ashrana Chane Aguilar Valtocris! ". Dahil sa sinabi niya umingay nanaman ang buong paligid. Kilig na kilig ang lahat sa sinabi ni Natcher sakin, pati ako! Kinikilig na din. Shems kasi itong baklang ito e. " Honey! Rana! ". Tawag niya sakin para magfocus lang ako sa kaniya. E hindi ko nga magawa kasi naiilang na ako sa hiya tsaka sa kilig sa kaniya. Adik kasi kung anu-anu sinasabi. Hinawakan niya sandali ang kamay ko, tapos umatras ng maliit na dalawang hakbang papalayo sakin. Isinuksok niya ang kanang kamay niya sa bulsa ng suot niyang dark blue suit na naka unbutton lahat ng botones upang mailuwa nito ang white shirt niya. Mula sa maliit na bulsa ng suit niya mayroon siyang inilabas na maliit na box. Wait! Is he going to proposed to me? Hindi ko alam kung bakit pero yung pakiramdam na gusto mo ng himatayin, ito ang nararamdaman ko ngayon. " OMG! RANAAAAAAAA!!!!! ". Kinikilig na wika ni Razon tapos inuuga-uga niya pa ako. Tinignan muna ako ni Natcher, diko na marinig ang hiyawan ng mga tao dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. Bakit ko nararamdaman ito? Bakit ka nagkakaganiyan puso, magpapa transplant ako pagdila tumigil haha. Binalot nang napakalakas na ingay ang paligid ng lumuhod na si Natcher mismo sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng binuksan niya na yung box at bumungad samin lahat ang lamang nito na diamond ring. Simple lang pero sobrang ganda. Nagsisimula na silang kuhaan kami ng pictures dalawa. Magiging viral nanaman ako neto panigurado. " I ask your sister what song was your favorite at nalaman kong " Akin ka na lang pala " ang title nito ". Pag-uumpisa niya sa sasabihin niya. Dahil gulat na gulat ako sa nangyayari ngayon ay diko magawa man lang na makapagsalita. Na natural dapat inaawat ko na siya sa pinaggagawa niya. Pero kataka-takang tila naistatwa ako ngayon dito sa kinatatayuan ko. Can't explain what I'm feeling right now. Magkahalong kaba, pagkagulat, at syempre saya. First time ever sa buhay ko na mayroon taong gumawa nito para sakin. At diko pa inaasahan ang isang Natcher Valtocris pa ang gagawa nito. " So now, in front of all the people here surrounded us. I'm gonna ask you Ms. Ashrana Chane Aguilar......... ". Pagpapabitin niya para mas lalo akong kabahan. Alam ko na ang susunod na salitang bibitawan niya pero di mawala sa sarili ko ang kabahan pa lalo. " Will you marry me? Puwede bang maging Akin ka nalang talaga Forever? ". Sa sobrang pagkabigla sa nangyayari, sa mga ginagawa niya ay diko agad nagawang sagutin siya. Napahawak pa ako sa bibig ko pero sandali lang. " Huy! Natcher anu bang ginagawa mo. Tumayo ka nga diyan! ". Utos ko sa kaniya habang inililibot ko ang paningin ko sa buong palagid. Nagulat ako nun pati mga treachers ng school pinapanuod na pala kami. " Rana! Tinatanong ka ni fafa Shonie, Ghurl say Yes na!!!! ". Wika ni Razon. " Yes na yaaaan! ". Sigaw na din ng lahat. " Ms. Aguilar umoo ka na!!! ". Cheer up din nun mga teacher namin. Napatingin si Natcher sandali sa mga tinutulungan siyang mapa Oo ako pero sandali lang kasi ibinalik niya ang atensyon niya sakin. Tahimik lang siyang hinintay ang sagot ko. " Rana! uulitin ko ang tanong. Will you marry me? ". Nabakas ko na ang pangamba sa mga mata niya. Kinakabahan na siya na diko siya sagutin at ireject ko lang siya. Sandali lang, hindi din naman ako makapag-isip. E kasi nabigla talaga ako sa proposal niya. Papakasalan ko naman siya e pero diko alam na mayroon pala siyang paganitong surprise na effect ayan tuloy naispeechless ako. Umawang ang bibig ko, pinipilit ni Natcher na pakalmahin ang sarili niya dahil di pa ako nasagot. " P-puwedeng pakiulit nung tanong? ". Sambit ko pa. Tumawa naman siya ng mahina. " I'm asking you Honey! if will you marry me? Kahit saan simbahan handa kitang pakasalan, just answer my kuwestiyon. Maaari mo ba akong pakasalan? ". Huminga ako ng malalim, ngumiti ako sa kaniya ng malapad upang mahawa siya. " Tanga nalang ako kung tatanggihan pa kita diba! ". Sagot ko para along-alogin ni Razon yung katabi niya dahil sa kilig. " Of course I will marry you, Natcher Valtocris! ". Dagdag ko pa para umapaw sa tuwa ang mukha niya. Taranta niyang isinuot sakin ang singsing at saka tumayo para yakapin ako ng mahigpit. Nagsimula nanaman maghiyawan ang mga tao. " Thank you! ". Bulong niya sakin habang yakap-yakap niya ako. Ngiti nalang ang nagawa ko dahil wala na akong masabi. " Ehem! Isang Kiss naman diyan!!! ". Sigaw ni Esshel pati ni Razon. Kumalas ako sa yakap ko kay Natcher at hinarap siya, nanatili pa din naman nakapulupot ang kamay niya sa beawang ko. " Kiss daw Honey! ". Wika niya na tila hinihingi ang permiso ko. " Ayaw ko nga! ". Sagot ko na kami lang dalawa ang nakakarinig. " Alam mong kahit sabihin mong ayaw mo gagawin ko (Smirk*) ". Wika niya at sinakop nga ng labi niya ang labi ko. Dahil dun hindi na natapos ang ingay ng mga tao sa paligid namin. Sa sobrang ingay sinasabayan nito ang puso kong nagkakagulo na sa loob ng katawan ko. Alam kong kasama lang ito sa palabas, part lang ito ng kontrata pero iba e, iba yung nararamdaman ko. Bukod sa first time hindi ko talaga inaasahan na ganito pala ang pakiramdam ng mga babaeng sinusurprise nung mga boyfriend nila tapos nagpopropose. Sobrang sarap sa feeling kahit pagkatapos ng palabas na ito back to normal na kami ni Natcher! Hindi ko naman nakakalimutan na wala talagang totoo samin. Ang lahat lang na ito ay pawang ilusyon sa totoong buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD