[Chapter 19]:Akin ka na lang

1655 Words
Rana Pov: Lumipas ang isang linggo. Ginagampanan naman ni Natcher ang pagiging faince niya sakin. Talagang kinacareer ni bakla. After nun pagtatalo namin sa labas ng bahay e walang pinagbago ang estado namin. Para pa din kaming aso at pusa. Madalas niya pa din napapainit ang ulo at madalas din niya akong nabibwiset. Snatcher: Asan ka Honey? Dito ako sa campus niyo Halos mapabalikwas ako sa pagkakaupo ko sa arm chair ng bangko ko pagkabasa ko palang sa text ni Natcher. " Anu nandito siya anu ginagawa niya dito? ". Napalakas ang pagkakasabi ko para pagtinginan ako ng mga kaklase ko. " Huy Rana umuusok nanaman yan puwet mo sa kilig. Mag ayos ka nga haha ". Suway na mayroon halong pang-aasar sakin si Esshel. Lalaki siya pero mukha lang babae tsaka pambabae din ang name. Siya ang secretary namin sa subject ni Mrs. Cadranno. Ang pumalit dun sa last teacher namin ngayon umaga na si Mr. haha limot ko kung anung name. Diko kasi tinatandaan ang mga name ng teacher ko basta nakakagraduate ako ng di sila kilala haha. Pinagsingkitan ko ng mata si Esshel, tinawanan niya lang ako. Sumingit naman si Razon. " Ghurl si jowabells mo yan anu? ". Ani ni Bakla. Di ako sumagot at pinagfocusan lang ng atensyon ang cellphone ko. " Ansabe Ghurl? ". Ungkat pa ni Razon. Ngayon binigyan pansin ko na siya. " Nandito daw siya sa campus! ". Mahina lang pagkakasabi ko nun ha pero lahat ng classmate ko nag react. Syempre si Shonie Natcher Valtrocris ba naman pumunta dito sa campus diba kung di ka kiligin. " O.A niyo!!!! ". Buwelta ko sa kanila. Inirapan lang ako pero di sila galit kasi mga nakangiti. Close-close naman kasi kami e parang magkakapatid kaya alam din nila na Fiancé ko si Natcher pero tinatawag nila itong lahat sa famous name niya na Shonie. Kasi iyan talaga stage name niya kung baga sa HOTspot Entertainment. Kaya para unique ako lang natawag sa kaniya ng Natcher. " Oh anu pa Hinihintay mo Rana bat di mo babain si Shonie? ". Suhestiyon nila sakin. " Ayaw ko nga! Busy ako kitam nag-aaral e ". Dahilan ko. Muli nanaman nila akong inirapan lahat. " Ala paghihintayin ang handsomeness ng Prince! Jusko kung ayaw mo babain edi ako nalang ". Diko pinansin si Razon pinabayaan ko siya lumabas mag-isa ng room. Kahit anung mangyari hindi ako lalabas sa room na to. Kahit kaladkadin pa nila ako. " WAAAAAAAH!!!!! OMG!!!!! RANA!!!!!!!! ". Malakas na palirit ni Razon sa labas ng room namin. Kaya kami itong mga classmate niya na naiwan sa loob nagkatinginan. " Anyre kay Nelle? ". Tanong nila, kumibit balikat ang ilan samin dahil pare-pareho lang naman kaming nasa loob at walang ideya. Di pa man kami nakakarecover pumalirit nanaman ang bakla. Tuwang-tuwa siyang pumasok papabalik dito sa loob ng Room. " Huy Razon mag hunos dili ka daig mo pang nirerape diyan kung makasigaw ". Suway ko sa kaniya. Inirapan niya muna sandli sabay hawak sa kamay ko. " Kailangan mo itong makita! ". Excited niyang sambit sakin. Wala pa man akong nasasabi sa kaniya ay hinaklas na ako ni bakla papatayo sa kinauupuan ko. Papalabas na sana kami sa room ng mabilis akong kumapit sa pader nitong pintuan upang di ako tuluyan mahatak ni Razon papalabas. " Ghurl anu ba halika ka na. I swear matutuwa ka kapag nakita mo ito ". Ani niya pa at pilit akong hinahatak papasama sa kaniya pero tinibayan ko ang pagkakayakap sa pader. " Rana ang bigat mo ha, Dali na kasi ghurl! Bakit ba ayaw mo siyang kitain ". Giit pa ni bakla. Umiling ako ng dalawang beses. " Uh-ah. Ayaw ko talaga bakla. Busy ako kita mo naman diba ". Giit ko. " Busy-busyhan oo! ". Bulyaw niya. " Rana isa! Dali na..... Hoy kayo diyan tulungan niyo nga akong kaladkadin itong bestfriend ko papalabas ng room pababa sa ground floor Dali ". Utos niya sa mga classmates namin. Nagpaawa ako sa kanila para huwag nilang tulungan si Razon. Pero mga lint*k na to mas pinaburan nila ang bakla. Di man lang naawa sakin. Tulong-tulong silang kinaladkad ako papababa ng ground floor. Ngirit na ngirit sila sa tuwa dahil nagtagumpay silang maibaba ako kung nasaan ang lahat ng estudyante na nagkukumpulan. " Excuse me dadaan kami! ". Pagsingit namin lahat sa mga estudyante na nakahara sa dadaanan namin. Siga lang ang peg ng section namin haha. " Anu ba! Ang bad niyo sakin. Pinagkaisahan niyo ako. Di ko naman kayo ginagayan ah! ". Pagbabata-bataan ko. " E kasi kailangan mong makita ito ". Wika ni Razon at habang inaayos ko ang sarili ko kasi nagusot na ang damit ko dahil sa sapilitan nilang pagpapababa sakin dito sa kung nasaan kami ngayon. Hinawakan ni Razon ang ibabaw ng ulo ko pati na din ang baba ko upang maitunghay niya ito saka ibinaling sa kung saan nakatayo ang isang pamilyar na mukha ng lalaki. His wearing formal polo green and sa loob nito naka T-shirt siyang white. Jeans na black habang mayroon hawak na gitara. Nakatayo siya sa mismong gitna nitong rectangular field kasi paikot ang bawat building. " Waaaaaaah we love you Clexx!!!!! ". Sigaw ng mga babae na nasa itaas ng building nakadungaw kasi nga nakikiusyoso. Tama si Clexx Mathrix Quirrez lang naman itong nakikita ko ngayon na kumakanta. Nakatayo siya sa harapan namin lahat. He was singing one of my favorite song na " Akin ka nalang " by itchiworms. Pero anung ginagawa niya dito. Tsaka wala naman kaming program para kunin siya ng school to have some live performance here. Kilala ko siya. Isa siya sa mga hinahandle ni Natcher na mga models sa HOTspot Entertainment. Actually si Clexx ay isa sa mga members ng HOTspot guys. Kaloveteam niya si Seri Ereen Ezadera na co models din niya at same din na alaga ni Natcher. Pero bakit andito siya? Sa sobrang kilig ng mga babae ay wagas na ang sigawan sa buong campus. Daig pa ni Clexx na mayroon concert. "Akin Ka Na Lang" 'Wag kang maniwala d'yan, 'di ka n'ya mahal talaga Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n'ya Nag lip bite siya ng makarating na ang kanta sa chorus nito. Dahil sa facial expression na ginawa mas lalong umingay ang buong paligid kasi nga kinikilig na totoo nanaman.... nakakakilig talaga si Clexx lalo na kapag kumakanta siya at hawak na niya ang gitara niya. Akin ka na lang (akin ka na lang) Iingatan ko ang puso mo Holy moly! Walang kupas pandin ang boses niya. Sobrang ganda pa din nito at talaga naman nakakainlove. Every time na naririnig ko ang boses ni Clexx hindi lang sa radio o maging sa tv. Grabe! Pakiramdam ko nakakasama ko siya at sakin niya inaalay ang mga katang yun pero syempre sabi niya sa latest interview niya. Ang lahat ng kanta niya ay inaalay niya sa babaeng pinakamamahal niya. Sino pa ba edi si Ereen. Suwerte talaga nila sa isa't-isa. Umooo the best love team noon pa man hanggang ngayon. Akin ka na lang (akin ka na lang) Wala nang hihigit pa sa 'yo Nagulat ako ng bigla siyang tumingin saka ako kinindatan. Kitang-kita ko yun di ako nagkakamali. Kasi siniko din ako ni Razon e. " Uyy Ghurl kita mo yun kinindatan ka ni fafa Clexx ". Sambit ni Razon habang nagpipigil ng kilig. Grabe ang paliritan ng mga babae. Tila guguho ang building dahil sa mga sigaw nila. Ni di nila napansin na kinindatan ako ni Clexx. " Ghurl ang gwapo ni fafa Clexx anu! ". Wika pa ni Bakla. Nilingon ko sandali si Razon at nagpupuso nanaman ang mga mata niya. Huwag niyang sabihin na inlove nanaman siya at mayroon nanaman siyang bagong crush. Sumbong ko kaya siya kay Hash. Landi-landi may babe naman na siya haha. 'Di naman ako bolero katulad ng ibang tao Ang totoo'y pag nandyan ka medyo nabubulol pa nga ako Malangis lang ang dila n'yan, 'wag kang madala Dahan-dahan ka lang, baka pati ika'y mabiktima ('Wag naman sana) Akin ka na lang (akin ka na lang) Iingatan ko ang puso mo Akin ka na lang (akin ka na lang) Wala nang hihigit pa sa 'yo Sa pangalawang chorus nagsimula ng humakbang ang mga paa ni Clexx para libutin niya ang bakanteng espasyo na nagsisilbing intablado niya ngayon. Kulang nalang himatayin yung mga estudyanteng nilalapitan niya. Kaso di ko naman inaasahan ang paghinto niya mismo sa harapan ko. Naduduling na nga ako sa sobrang lapit niya e. " Umooo Ate Seri huwag ka magagalit ha pero paheram muna ng love of your life kahit sandali lang! ". Bulong ko pero syempre sa isip lang. Akin ka na lang (akin ka na lang) Iingatan ko ang puso mo Nagpatuloy lang siya pagkanta dito mismo sa harapan ko. Sa sobrang lapit niya amoy na amoy ko ang mabango niyang amoy. Grabe ang sarap niyang yakapin hehe. Huminto siya sa pagkanta ng di tinatapos ang kabuuan nito. Mula sa likuran sa mga estudyante nagulat ako nung lumabas si Ate Seri. May dala-dala siyang bulaklak tapos iniabot niya ito kay Clexx. May spark sa mga mata nilang dalawa nun magkatitigan sila. Kinikilig ako di lang kay Clexx kundi para sa kanilang dalawa. Yiiiieeee. Pagkakuha ni Clexx ng bouquets ng bulaklak mula kay Ate Seri hinarap nila ako pareho saka sabay nilang sinabi na. " Mayroon nagpapabigay sayo! ". Gulat kong tinanggap ang bulaklak. Sinisiko-siko pa ako tsaka tinutulak-tulak ng nga classmates ko lalo na nitong si Razon. Magtatanong palang sana ako dun sa dalawa ng bigla nila akong iwan at lumakad sila sa isang tabi. Nagptuloy naman sa pagtugtog ng kaniyang gitara si Clexx. " Waaaaah ". Pagsisimula nanaman ng sigawan pero hindi na dahil kay Clexx kundi dahil dun sa lalaking bigla nalang sumulpot mula sa likuran ng flag pole.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD