Rana Pov:
Pagkarating namin sa bahay, nauna siyang bumaba. Pinagbuksan niya ako. " Thank you ". Pasasalamat ko. Lalagpasan ko na sana siya kasi papasok na ako sa loob ng pigilan niya ako at isandal sa kotse niya. Kinorner niya ako sa pamamagitan ng mga kamay niya.
Matiim lang siyang nakatingin sakin as in titig na titig kaya diko siya matignan ng diretso pabalik. Salubong ang kilay niya habang kagat-kagat niya ang lower lip ng labi niya. " Tsk! ". Rinig ko pang tikhim niya.
" N-natcher papasok na ako sa loob kaya Puwede ba umalis ka na diyan! Pagod na ako ". Ani ko at akmang itutulak siya papalayo sakin pero bago ko pa man magawa yun pinigilan na niya ako. " No wouldn't! ". Bossy niyang utos.
Tila napaawang ang bibig ko ng utusan niya ako. " Sandali inuutusan mo ba ako? ". Kasi sa tono ng boses niya iyan ang nadi distinguish ko na inuutusan niya ako. " Yeah! ". Maitpid niyang sagot. " Bakit ba? Nagsorry naman na ako diba. Tsaka narinig mo na yun paliwanag ni Razon. Una pang hinihimutok mo diyan ". Giit ko. Nagsisimula nanaman akong mainis sa kaniya.
" Do you think nakakatuwa yun ginawa niyo kanina? ". So ngayon niya ako sesermonan. Anu siya Kuya ko. Kung sabagay magkasing edad sila ni Ate. Twenty five na siya ako nineteen. " Kaya nga nagsorry na diba. Anu pa bang gusto mo? ". Giit ko pa. Nakakainis na siya. Pagod na ako sa school tapos sasabayan niya pa nito.
Sinubukan ko ulit makatakas na sa kaniya kaso talagang matigas siya. Diko na kinaya kaya nainis na ako. " Natcher naman e kung sesermonan mo ako di kita kuya o kapatid para gawin mo yan. May kontrata lang tayo tandaan mo. At wala sa kasunduan natin na puwede mong kontrolin ang buhay ko. Tsaka para binibiro ka lang, gusto lang naman malaman nun tao na seryoso ka sakin masyado mo naman talagang seneryoso. Bakit ba kasi nagkakaganiyan ka? Wala naman tayo, di naman tayo talaga magjowa na totoo, ni di mo nga ako mahal e kaya bakit ganiyan ka umakto. Daig mo pang totoong nagseselos kahit di naman!!!! ". Ayan wala na nailabas ko na ang inis ko. Bwiset kasi na bakla ito pinupuno ako.
" Tapos ka na? ". Grabe yan lang sasabihin niya. Ibang klase. Diko talaga siya mabasa kahit kailan. Aisssh bahala siya sa buhay niya. Inirapan ko lang siya. " Papasok na ako! ". Ani ko at itinutulak na siya ulit pero talagang makulit din siya at pilit pa din akong hinaharangan. " Natcher isa! ". Banta ko. " Kung wala ka ng sasabihin papasukin mo na ako. Salamat nalang sa paghatid. Di mo na ako kailangan sunduin pa bukas o kahit kailan. Ayaw ko na. Itigil na natin yang kontrata. Gusto ko ng magpahinga okay! ".
Ayaw ko sa lahat e napupuno ako. At namumukod tangi siya sa lahat dahil siya lang nakakasagad sa pasensya ko. Nang sabihin ko yun bigla niya nga akong pinakawalan. Tinignan ko pa siya pero ginawa ko na ang dapat kong gawin ang pumasok sa bahay. Binuksan ko na ang gate ganun din ang bahay. Wala pa sila Nanay kasi nasa trabaho pa sila.
Diko na siya nilingon pa bahala siya sa buhay niya. Inilapag ko na ang bag ko sa sofa, dumeretso ako sa kusina saka binuksan ang ref. Sa loob neto kumuha ako ng malamig na tubig, isang baso saka isinalin sa baso ang malamig na tubig. Sa inis ko bigla akong nanginit.
Habang umiinom ako muntikan ko ng maibuga yung tubig na nasa bibig ko mabuti nalang nalunok ko na ito bago pa man mangyari ang di dapat. Paano ba naman di ako magugulat, may biglang umakap mula sa likuran. Akala ko multo pero basi palang sa amoy niya alam kong siya ito. Alam kong siya lang ang may ganitong amoy sa nakakasalamuha ko. Ang mocha flavor na perfume na talagang sobrang is sarap sa ilong at di magsasawang amoy-amoyin ito.
Tatagkalin ko sana yung kamay niya sa pagkakapulupot sa beawang ko ng diko maituloy kasi nga ipinatong niya bigla sa balikat ko ang baba niya, at isiniksik ang mukha sa leeg ko para makiliti ako ng palihim. Anu bang ginagawa niya. Tsk. Diko man lang namalayan na nakasunod pala siya sakin. Sana pala nilingon ko siya para napagsaraduhan ko kaagad ng pinto.
" N-Natcher anu bang g———— ". Naputol ang sasabihin ko ng marinig ko siyang magmumurmured sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa balat ko sa leeg at mas lalo neto akong nakikiliti. Mabuti nalang napipigilan kong magreact kahit nakakakiliti talaga.
" I'm sorry okay.... please don't get mad at me Honey! ". Pagsasalita niya habang nakasuksok sa leeg ko. Di ako nagsalita bahala siya diyan mag emote. " Rana please huwag kang umurong, I need you and your help. Mawawala ang lahat sakin kapag nalaman nilang di talaga kita asawa. Rana please sorry kung nag over acting ako. Sorry kung akala mo kinokontrol kita..... ". Putol niya. Bumuntong hininga naman ako.
Inalis ko ang pagkakayakap ng braso niya sa beawang ko. Humarap ako sa kaniya. Pero muli niyang ipinulupot sa beawang ko ang mga kamay niya. Ipinagdikit din niya ang mga katawan namin dalawa para maging mas malapit ang mga mukha namin. Nagulat ako ng isinandal niya ang noo niya sa noo ko kaya nagtatama na din ang mga ilong namin dalawa and one wrong move labi na namin ang magtatama.
Di siya nakatingin sakin pero sa labi ko oo. Di na ako pumalag pa sa posisyon namin kasi nung subukan ko mas hinihigpitan niya lang pagkakayakap sakin. Kahit bakla siya ang lakas pa din talaga ng puwersa niya para diko man lang siya magawang maitulak para magkahiwalay na kami.
Ang awkward kasi ng posisyon namin Oo sweet pero naiilang ako lalo na naamoy ko pa ang kabanguhan niya, pati hininga niyang napaka bango. Nakakaadik din yung kulay ng mga mata niya. Bakit ba kasi ang gwapo niyang nilalang.
" Diko sinasadyang maubos ang pasensya mo. Di ko din intensyon na maramdaman mo ang kung anu man nararamdaman mo ngayon. E kasi naman nagulat ako ako sa naabutan ko. Akala ko talaga lalaki si Razon. Kakasabi lang sayo na huwag na huwag mo akong pagseselosin pero ginawa mo. Nagseselos ako Rana okay, I'm f*****g jealous and I hate this kind of feeling ". Dugtong niya sa naudlot na litanya.
Mas napatitig pa ako sa kaniya ng marinig ko ang linya niyang nagseselos niya. For real so totoo ngang nagselos siya? Pero bakit. " Nagselos ka? Sa anung dahilan! ". Ungkat ko. This time hinarap niya ako na sana hindi nalang kasi holy moly nakakatunaw ang ganda ng mga mata niya. Nakakaattempt ang sobrang pagkalapit ng mukha niya sa mukha ko. At kahit ayaw ko tignan ang labi niya aksidente itong nahahagip ng paningin ko.
" Oo nagseselos ako, nagselos ako. Ayaw ko nang may ibang lalaking humihilihid sa pagmamay-ari ko. Mean once you were my property you should always be mine, walang kahit sino. Sakin lang. Beacause sa ganda mong yan kahit baklang-bakla magbabalik loob dahil sayo ". Ani niya para maramdaman kong uminit bigla ang mukha ko.
Nakita ko na ngumisi siya. " Your turning red Honey!! ". Husky na tono ng boses niya. Hinawakan ko ang mukha ko at shems puwede na magihaw ng isda sa init nito. " A-anu bang sinasabi mo kasi diyan! Adik ka din talaga anu ". Buwelta ko para marinig ko ang mahina niyang tawa. Shems pati pagngiti niya talaga pamatay. Lupa please puwede mo na talaga ako lamunin o kahit ito nalang gwapong nilalang na nasa harapan ko kasi diko na kinakaya ang dinadala niyang karisma. Masyadong nakakaattract.
" I'm sorry..... can you still forgive me! Please huwag kang umurong sa kontrata ". Pagsusumamo niya. Oo nga pala ang kontrata ang pinag-uusapan namin. Hindi muna ako sumagot kasi iniisip ko ang pakiusap niya. Masyado din naman kasi akong nadala kanina ng emosyon ko. Diko man lang siya natanong sa dahilan niya kung bakit bigla nalang siyang nagseselos kahit wala naman kami. Yun pala ayaw niya talaga sa lahat e may umaagaw sa mga property na niya which is sweet hehe.
Kaso mali talaga kami kaya wala akong karapatan na magalit ng todo sa kaniya. Di naman siya magseselos kung di ko sinakyan yung trip ni Razon e. Huminga muna ako ng malalim. Saka ko siya sinagot. " Sorry din kasi napuno ako... I didn't mean what did I said. T-tulungan pa din kita ". Sambit ko.
Lumapad naman agad ang labi niya dahil sa tuwa. Napangiti nalang din ako ng bahagya. Mag-uumpisa na akong kumalas sa mga yakap niya sakin ng pigilan nanaman niya ako. Ipinagtaka ko ito kaya pinagtaasan ko siya ng dalawang kilay. " I just want to say thank you again ". Wika niya pa, tinanguan ko nalang ito sabay tapik sa balikat niya. " Ang Honey? ". Tawag niya sakin. " Uhmmm? ". Sagot ko.
" Another rule..... weather you like it or not I'll free to use kisses as a method to shut you up kapag sobrang daldal mo na ". Wika niya na ikinatunganga ko. " Puwede ba yun? Ayaw ko nga! Sumosobra ka na! Di puwede! Pakawalan mo na nga ako. Pinatawad na nga kita hihirit ka pa ng rules mo. Di pupuwede gust———— ". Nakangisi niya akong hinalikan para matigilan ako.
It was just a second, a smack. " Why did you do that? ". Gulat kong tanong. " To shut you up! ". Ah so ginagawa na niya yung rules niya. Pinagsingkitan ko siya ng mata pero imbis na matakot niya isinandal niya ako sa pader malapit sa ref at lamesa. He started kissing me again but this one hindi na smack lang.
Kagaya sa bar at sa park gumagalaw ang mga labi niya. Para mapasunod din niya ang labi ko ng diko man lang namamalayan. Kusa niyang ipinulupot sa leeg niya ang kamay ko tapos yung mga kamay niya pinadulas niya sa tigkabilang beawang ko. His kisses turn into swallow. Hindi French Kiss ito, we uses lips, just lips. Nagpalitan kami ng mga halikan dalawa. Hanggang sa maiupo niya ako sa lamesa. Pero continue pa din kami sa paghahalikan.
Di pa pala ako nakakapagpalit ng uniform. Unti-unti kong nararamdaman ang pag iinit ng katawan ko. Sa bawat halik niya parang iniiwanan niya ako ng signature niya. Na sinasabi niyang pagmamay-ari niya lang ako.
Habang naghahalikan kami di ko mabakas ang pagkabakla niya. Nakakalimutan ko na nga din na Bi siya e. Diko alam kung anu itong pakiramdam nato pero ang sarap sa feeling. Konti pa at masasanay na akong ginagawa niya ito sakin. Baka hanap-hanapin ko ang labi niya..... Natcher please huwag mo akong sanayin.