Rana Pov:
(Bling*) saktong tunog ng phone sakto din kakadismiss lang ng last subject teacher namin. Means uwian na. " Haaays Nakatapos nanaman ng panibagong araw Ghurl. Ay nga pala susunduin ako ni Hash kaw ba susunduin na Fiancé mo? ". Nakapeace na agad si bakla di ko pa man siya binabanatan.
" Ito na nga po at nagtext na! ". Walang gana ko sa kaniyang sagot. Binuksan ko ang phone ko at sinimulan basahin ang message ni Natcher. " Ghurl bat Snatcher nakalagay diyan na name ng jowa mo! Haha ". Napansin niya pala yun nickname ni Natcher sa phone ko. Snatcher ang iniligay ko kasi nga mahilig siya magnakaw ng halik. Panay ang snatch niya sakin. Di man kang magpaalam pero kahit magpaalam siya di ako hibang para ibigay sa kaniya ito ng basta.
" Bagay lang yan sa kaniya! ". Binatukan ako ng bakla pero mahina lang. " Gaga! Sige na basahin mo na message niya dali! ". Pagmamadali ni Razon. Kulang nalang siya ang magbasa nung message. Nakadungaw siya sa may balikat ko dahil mas mataas naman siya sakin ay agad niya itong nabasa.
Stancher:
Honey! I'm here out side your campus..... saan ka na? I'll just wait you here.
Wika ni Natcher sa kabilang linya. Narinig ko ang mahinang pagismid ni Razon. " Anung emote yan bakla? ". Ungkat ko sa kaniya. " Di man lang nag I love you! Bawas pogi point sakin si fafa Shonie. Sweet na sana kaso hindi ". Natawa naman ako sa inaarte niya. Kesa magpatuloy siya sa pageemote ay inaya ko na siyang lumabas ng room.
Naglakad na kami main entrance ng campus. Malayo palang kami pero natatanaw ko na agad ang kotse ni Natcher. Same car siya na ginamit niya nun sunduin niya ako kaninang umaga. Akala ko kasi nagpalit nanaman siya. " Jackpot ka ghurl sa jowabells mo. RK!!! ". Bulong pa sakin ni bakla. " Sira! Syempre kaniya lang yan ". Ani ko. " No Ghurl! Once na makasal na kayo ang kaniya ang magiging sayo na din ".
Napailing ako sa sinabi ni Razon. " Never bakla tsaka wala naman akong interest sa yaman niya e ang intensyon ko lang ay matulungan siya ganurn! ". Paliwanag ko. " Pahumble ka ghurl ". Giit naman niya. " Tamo ito. Of course not. Yung lang talaga ang totoo ". Dipensa ko pa. " Okay sabi mo e ". Tugon niya.
Inaayos niya yun sarili niya. Pati buhok niya medyo ginulo niya para mag mukha siyang hot. Dahil uwian nga madaming nakapansin kay Razon sa hotness niya. Lahat ng madaanan namin napapatingin sa kaniya. " Anung arte iyan Bakla? At nagpapaka manly ka? ". Tanong ko pero di niya ako sinagot. Nagulat nalang ako ng dumulas bigla ang kamay niya sa beawang ko. Kinuha niya din sakin yung bag ko.
E saktong nasa harapan na kami ng gate nung gawin niya ito. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Paissue din itong si Razon e. Itataboy ko sana siya papalayo sakin kasi diko carry ginagawa niya sakin. Oo gwapo siya at hot at noon pa man gusto ko na siya maging lalaki pero nakakapagtaka naman atang bumibigla nalang ang ihip ng hangin.
" Nahampas ka ba ng masamang hangin ha Razon? ". Pabiro kong tanong sa kaniya. " Of course not babe! ". Literal ako napanganga nung tawagin niya akong babe. First time ito na tawagin niya akong babe at sa madaming tao pa talaga na puwedeng maraming makarinig sa kaniya. May konting kilig syempre pero di ako sanay tsaka itong si Razon? Anu bang nangyayari sa kaniya.
" Babe? ". Sabay kaming napatingin sa nagsalita. Sino pa na edi si Natcher. Nakalapit na pala siya. Nagkatinginan yung dalawa ni Natcher at Razon. Napapalitan sila ngayon ng tinginan dalawa. Pero sa mga titig ni Bakla kay Natcher tila hinuhubaran na niya ito.
" N-natcher! ". Tawag ko sa kaniya. Diko alam bigla akong nangatal. Paano yung tingin niya ang talim parang gusto na akong patayin itong si bakla. Hindi siya nakatingin sakin pero sa kamay ni Razon na nakahawak sa beawang ko Oo. " Who the hell are you? ". Matiim na tanong ni Natcher kay Razon. " I'm Razonelle or Razon... Rana's boyfriend ".
Sa pagkabigla ko ay napatitig ako kay Razon nilingon niya ako sabay kindat. Diko gets pero hindi ako kampanti sa inaarte niya. " Boyfriend? Niloloko mo ba ako! ". Ani pa ni Natcher. " Mukha ba akong nagbibiro? E ikaw sino ka? ". Manly na manly si Razon ngayon. Wala akong mabakas na kabaklaan sa kaniya.
" Sino ako? I am just the Fiancé of that women na hinahawakan at tinatawag mong babe ". Seryoso ang mukha ni Natcher pero wangis pa din ang kagwapuhan sa kaniya. Tinuro pa ako ni Natcher gamit ang hintuturo niya. Bigla naman akong itinago nitong si Razon sa likuran niya. " Fiancé! Till when? If I know satin dalawa ako naman talaga ang mahal niya ". Giit ni Razon para mas lalo akong magtaka.
Lumapit na ako kay bakla at palihim na bumulong. " Razonelle anung palabas ito? ". Ungkat ko sa kaniya. " Ghurl sumakay ka nalang tinetest ko lang si fafa Shonie. Huwag kang panira ng moment Ghurl ". Dahil dun nakahinga ako ng maluwag. Akala ko tuluyan na talaga siyang naging lalaki mabuti nalang at umaarte lang pala siya.
Diko man alam ang gusto niyang mangyari e sinakyan ko na din ang trip ni Razon. " Ashrana Chane can you explain this to me? Who the f*****g hell these man at sinasabi niyang boyfriend mo siya ". Halata sa tono ni Natcher na naiinis na siya pero bakit?
" Mr. Valtocris, Sorry pero totoo yun sinasabi niya ". Matipid kong sagot.
Literal siyang nagulat ng sakyan ko ang trip ni Razon. Ngising-ngisi naman si bakla sa tabi ko. Napatikhim si Natcher at nag igting ang kaniyang panga. Dun nakasense agad ako na naiinis na nga talaga siya. Isa pang adik ito diko alam kung bakit nagagawa niyang magpaapekto ng ganiyan e wala naman talagang kami. Ni di naman talaga niya ako mahal.
" Stop kidding me around Rana hindi nakakatuwa! ". Sinisikap niyang maging mahinahon. Pero yung mga mata niya iba na ang mga tingin para bang pati ako gusto na din niyang patayin. " Hindi naman nagbibiro girlfriend ko ". Ani ni Razon. Hindi ako nagsalita. Kumuyon pa lalo ang panga ni Natcher. Iba na feeling ko dito. Baka nakakalimutan ko ang sinabi niya kanina lang umaga sakin. " No Boys okay! One bad news from you malalagot ka talaga sakin Rana! ".
Pagbabalik sa isipan ko ng sinabi niya. " Honey one rules for me.... don't make me f*****g jealous or else you'll gonna regret it kapag ikaw ang pinagselos ko ". At isa pa to na kahapon lang naman din niya sinabi. " Tell him babe na ako ang mahal mo at hindi siya! Tell him ". Atas pa ni Razon.
Kinagat na ni Natcher ang labi niya. Hindi na maganda ang nararamdaman ko sa aura ni Natcher. One wrong move pa Razon nadedeadble ka sa kapwa mo bakla naku. " Razon enough na! ". Bulong ko sa kaniya. " Wit bakla nageenjoy pa ako! ". Pasimple din niyang bulong pabalik sakin.
" Razon di na siya natutuwa ". Ani ko pa pero di niya na ako pinansin. " Ang ayaw ko sa lahat ay niloloko ak————!!!!! ". Akmang susunggaban na ni Natcher si Razon ng yakapin ko siya para matigilan siya sa binabalak niyang gawin kay Razon.
" R-relax Natcher! H-hindi ko siya boyfriend okay. Relax! ". Awat ko, noong una ayaw niya pa magpa-awat kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya dahil dito di na nga niya tuluyang naituloy ang pagsuntok sana kay Razon.
Siraulo din kasi itong si Razon e hindi man lang ako ininform na may paganitong drama pala siya, kaya naman pala kanina e akala ko na sinapian na siya ng masamang esperitu at biglang nagbalik loob. Ang mali ko naman ay sinakyan ko ang trip ni Bakla. Haha e sa nakakatuwa naman talaga nun una ang reaksyon ni Natcher kaso mali pa din yun ginawa namin.
Muntikan pa siya tuloy masapak nitong si Natcher. Bakit ba kasi nagpapaapekto naman itong isang toh e wala naman kami. Laki din ng sapak nito sa utak e. Actually kaming tatlo.
" Aissssh! Anu ba yan panira moment ka ghurl! ". Reklamo pa ni Razon e susuntukin na siya lahat-lahat nitong kapwa niya bakla. Hinarap ko si Razon saka pinandilatan ng mata. Inirapan naman niya ako na saktong pagdating ng jowa niya. " Babe! ". Ayan yan ang tunay na babe niya si Hash.
Tiningala ko si Natcher at halos di maipinta ang reaksyon ng mukha niya dahil sa palabas na nangyari. Tinignan niya na ako ngayon. " Kalma ka na? ". Tanong ko pero nakakunot pa din ang noo niya. " Explain! ". Matipid niyang utos sakin. Naku po galit siya.
" Ayyyy fafa Shonie ako na mag explain hehe. Sorry di talaga ako straight baklush ako ganern. I'll just pretend kanina kaso ikaw masyado kang serious kaloka! Majojombag mo talaga atetch ha masisira beauty ko ". Pagaarte na ulit ni Razon ng pananalita.
Tinignan naman ako ngayon ni Natcher. Hinihintay niya siguro na pati ako magpaliwanag. " Oo totoo ang mga sinasabi niya at yun kanina haha sinakyan ko lang siya pero sorry na.... bestfriend ko lang si Razon at bakla siya..... kagaya mo! ". Pabulong ko lang na sinabi yun huling part kasi baka may makarinig. Naniningkit pa din ang mapupungay niyang mga mata siguro dahil sa inis pa din sa kalokohan namin ni Razon.
" fafa Shonie na, okieee para di ka na magselos at para di kana sakin magalit. Here's the proof that I'm a women too. His my boyfriend, Hash. And all the students na nakapalibot satin at nakikichismiss alam na baklush ako diba guyssss? ". Pagpapaayo pa ni Razon sa mga tao sa paligid namin. Sumang-ayon naman ang lahat tapos pinupulupot pa ni Hash kamay niya sa beawang ng bakla.
Ang landi talaga nila buti nalang talaga break na si Natcher dun sa boyfriend niya haha. Kumalas na ako sa mga yakap ko kay Natcher. Pumikit siya sandali para siguro pakalmahin na ang sarili niya. Narinig ko na bumuntong hininga siya. " I'm sorry for our start akala ko lang kasi talaga maypomoporma dito sa asawa ko!!! ". Mayriin niyang sinabi yung asawa ko habang pinasadahan ako ng tingin.
Mabilis naman nagabot ng kamay si Razon kay Natcher at nagkamay sila. " I'm Razonelle, Rana's girl bestfriend since high school so don't you worry di kami talo niyan fafa Shonie safe siya sakin. Tsaka may bebe na ako e. Sorry nga pala ulti sa palabas namin ni Rana actually ako lang talaga nagplano nun pinasakay ko lang si Ghurlalo haha Sorry! ". Nagpeace sign pa si Bakla.
Bahagya naman napangiti si Natcher. Nakipag kamay din siya kay Hash. " Oh paano bakla una na kami ah. Ikaw tigilan mo na yan biglaan mga palabas mo ha mamamatay tayo ng maaga e ". May takot pero medyo natatawa kong ika kay Razon. Natawa din siya ng mahina. " Haha effective naman diba Ghurl haha pasalamat ka nalang na safe tayo ". Tugon ni Razon bago kami ng beso.
" Paano princess una na kami! See you next time! ". Paalam na din ni Hash at nagwalk out na nga ang dalawa. Ako naman tuluyan ng sumakay sa loob ng kotse ni Natcher. Tahimik lang siya na sinimulan paandarin ang kotse pagkalagay ko ng sitbelt. Hindi niya ako kinikibo na di naman na bago kasi ganiyan naman talaga siya. Tahimik lang kapag nagmamaneho. Diko na siya sinubukan kausapin pa kasi mukhang ayaw din niyang magpaestorbo sa pagdadrive.