Rana Pov:
Hindi muna umuwi si Natcher nagstay pa siya sa bahay after siyang busugin ni Nanay. Di nga siya tinitigilan e. Kita ko ang saya ni Nanay habang kausap siya. Si Tatay naman panay din ang interview kay Natcher. Ganun nga talaga siguro ang karisma niya para kahit sino madaling mapalapit sa tulad niya. " Rana thank you for accepting my offer! ". Wika niya.
Napatingin ako sa kaniya dahil dun. Naglalakad kami ngayon dito sa park malapit sa bahay. Ang manly niya talaga tignan, mas nawawangis ko ito dahil nauuna siya sakin maglakad pero nakatalikod siya sa daan ta sakin nakaharap. " Huwag kang magbunyi. May kapalit yun at kondisyon ". Paalala ko sa napagkasunduan namin.
Di ko naman siya huhuthutan ng pera, aanhin ko naman pera niya. May trabaho ang pamilya ko at tsaka diko din siya uutakan. " I know. I just want to say thank you to you.... mabuti kasi pumayag ka kahit papaano nakahinga ako ng maluwag ". Nakangiti niyang sinasabi iyan sakin. Pumayag ako sa gusto niya kasi naaawa talaga ako sa kaniya. Kahit naman naiinis ako sa kaniya ay nauunawaan kong niloko siyang nun panahon na yun kaya niya nagawa sakin ang ganung bagay.
Bukod pa dun kung di siya nagsinungaling at kung di niya ako idinahilan at ginamit pantakip butas baka ngayon din kalat na sa balita na natanggal ang isang Shonie Natcher Valtrocris sa HOTspot Entertainment e di lang naman siya maaapektuhan dun pati yung mga artist niya na ihanahandle. Pare-pareho silang mawawalan ng trabaho at naisip ko yun kaya pumayag na din ako sa gusto niya.
Ang gagawin ko lang naman e papakasalan siya for real magpapanggap na asawa niya at kapag naabsuwelto na siya sa Entertainment dahil sa nagawa niyang kasalanan, papalayain na niya ako. Kaso nga lang dapat hanggat mag-asawa kami bawal siyang mafall sakin at bawal ako mafall sa kaniya ganurn kaya dapat tuparin niya iyon. Ay ako pala kasi siya malabo talaga magkagusto sakin ako baka posible pa kasi naman ang gwapo talaga niya tsaka Ewan hindi! Hindi ako mapofall sa kaniya diko hahayaan.
" Honey! Anu bang kapalit ang hinihingi mo? ". Tanong niya. Kapag tinatnagka niyang tawagin ako sa call sign niyang iyan sakin parang nag freak out yung utak ko. Kaya di ko minsan pinapakinggan sinasabi niya kapag nagsasalita siya. " Basta akin nalang yun ". Sagot ko. Kumibit balikat lang siya sabay tango. " Kung gusto mo ang katawan ko sabihin mo lang, hindi ako Magdadalawang isip na ibigay ito sa asawa ko (Wink*) ". Anu daw! Sira ulo siya.
Pinagtawanan niya ako ng makita niya reaksyon ko sa sinabi niya. " S-sira ka! Di yan ang hihingin kong kapalit... huwag ka ngang green diyan ". Giit ko para pagtawanan nanaman niya ako. Mas tumawa pa siya. Gusto ko pa sana mabwiset kaso lang natigilan ako bigla ng makita ko siya kung paano tumawa. Pinanuod ko lang siya tumawa ng tumawa.
Hanggang sa diko namalayan nakalapit nanaman pala siya sakin. Napagtanto ko lang nun pinadulas niya sa beawang ko ang kamay niya. " Di pa tayo nagsisimula naiinlove ka na kaagad sakin Honey! Paano na yun rules mo? ". Wika niya kaya natauhan ako. Tinulak ko siya pero di siya nagpadala. Hinapit niya ako papalapit sa kaniya. Magkadikit nanaman ang mga katawan namin dalawa. " Honey one rules for me.... don't make me f*****g jealous or else you'll regret kapag ikaw ang pinagselos ko ". As if naman mangyayari yan sinasabi niya.
" Di mangyayari yan anu! ". Ani ko. " Ikaw magselos sakin haha Adik ka talagang bakla ka! ". Di niya ako sinagot pero ninakawan nanaman niya ako ng halik. Hindi lang isa kundi dalawa saka siya lumayo sakin at tumakbo kasi nga alam niyang papatayin ko na siya dahil sa pagnanakaw niya ng mga halik sakin. " Bwiset kang bakla ka!!!! Snatcher ka talaga!!!! ". Sigaw ko habang hinahabol siya dito sa park.
" Bumalik ka dito!!!! ". Sigaw ko pa ulit. Dahil nga abala ako sa pagtakbo diko namalayan na mayroon palang bato sa madadaan ko kaya ang tendency e natapilok ako dito at naglanding ang katawan ko sa lupa. Agad naman akong nilapitan ni Natcher. " Bakit ka naglalangoy sa lupa ha babae? ". Nagawa niya pa talaga akong insultuhin.
" Naglalangoy ka diyan mukha bang swimming pool ito ". Giit ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero balewala lang ito sa kaniya. " May masakit ba sayo? ". Tanong niya pero umiling ako at sa di niya inaasahan sinunggaban ko siya para mapahiga siya sa damuhan at ako naman ay nasa ibabaw niya.
" Gotcha Beki! ". Wika ko. Gulat siya sa ginawa ko. Akala niya talaga nasaktan ako muwahahaha kasama na yun sa plano except sa talagang natalisod ako at masakit talaga siya. Pero who cares magagantihan ko na din itong baklang ito.
" Kakalbuhin talaga kita natcher! ". Akmang papahidan ko ng maduming lupa ang mukha niya bilang ganti sa kaniya ay hinawakan niya ako sa likuran ko at iniikot niya kaming dalawa. Kaya ngayon ako itong nasa ilalim niya at siya naman ang nasa ibabaw ko. Matiim niya akong tinitigan sa mga mata ko. Nakangisi siya na pawa bang mas lalo akong iniinsulto dahil di nanaman ako nagtagumpay sa plano kong pagganti sa kaniya.
" You can't win with me Honey! ". Kumpyansado niyang sambit. And the next thing happen ang siyang nagpakabog ng malakas sa dibdib ko. Muli nanaman nandilat ang mga mata ko sa di inaasahang pagsunggab niya sa labi ko.
Nakapikit lang siya habang hinahalikan ako. Gumagalaw ang mga labi niya para kilabutan ako. Hinawakan niya yung kamay ko na wala man lang ginagawa imbis na itulak siya. Inangat niya ito at ipinatong sa bakikat niya. Ipinulupot niya ang mga braso ko paikot sa leeg niya habang patuloy lang siya sa paghalik sakin.
Diko alam kung bakit pero nadadala na ako sa ginagawa niya until I found out myself kissing him back kagaya nun nangyari samin sa bar. Dumausos ang kamay niya sa bandang beawang ko. Bakla siya diba? Oo bakla siya kaya dapat di ako papadala sa ginagawa niya pero iba ang sensasyon dala niya. Isang minuto ang kinunsumo niyang oras para lang halikan ako saka lang siya huminto nun kapusin na kami pareho sa paghinga.
Pagod na pagod ang itsura niya. Pero bakas pa din sa mukha niya ang ngisi na hatid ng labi niya. Nanatiling nakapulupot ang kamay ko sa leeg niya. Nagpapalitan kami ng tinginan dalawa. " Patikim pa lang yan Honey! Mas malala pa diyan mararanasan mo kapag pinagselos mo ako (Wink*) ". Sambit niya na ikinatikom ng bibig ko. Shems! Anu ba itong ginagawa sakin ng baklang ito. Bakit ganiyan siya the way he kisses me I felt like mayroon siyang nararamdaman sakin kahit wala. Holy moly these gay. His kisses makes me feel drunk.