[Chapter 15]:Mr.Strict

2313 Words
Rana Pov: Akin ka na lang (akin ka na lang) Iingatan ko ang puso mo Akin ka na lang (akin ka na lang) Wala nang hihigit pa sa 'yo Akin ka na lang Liligaya ka sa pag-ibig ko Akin ka na lang Wala nang hihigit pa sa 'yo Wala nang hihigit pa sa 'yo (Akin ka na lang) Iminulat ko kaagad ang mga mata ko na mayroon ngiti sa labi ko. Ang ganda kasi ng panaginip at syempre akin nalang yun. Pero hindi si Natcher yun, hindi. Actually it was a random guy na diko kilala haha random nga diba. Basta ang ganda ng panaginip ko! Monday nanaman at isa lang ibig sabihin nito. Bawal akong malate dahil may pasok na at..... isang panibagong araw nanaman para sakin. Diko alam kung anung mangyayari sakin mamaya ganun kalat nanaman ang pictures and videos namin ni Natcher na hinalikan niya ako. Remember nung nagcross nanaman ang landas namin sa mall. Yun ang tinutukoy ko. Dibale na, hindi naman na siguro mauulit pa yung sampal sakin ni Little Bitchy. Little bitchy kasi ang liit-liit niya pero sobrang tapang. Nadala ako sa sampal niya promise sobrang sakit talaga. Mabuti nalang hindi napansin nila Ate kundi naku tapos ang maliligayang araw ng little bitchy na yun. Kung war freak siya dinoble nun ang pagka war freak ng kapatid ko. Bumaba na ako sa kama. Dumeretso sa banyo saka nagsimulang maligo. Enjoy na enjoy ko ang paliligo dahil ang ganda talaga ng panaginip ko hehe. " SISSY!!!! ". Boses palang niya alam ko ng si Ate yun. Narinig ko na bumukas ang pintuan ng kuwarto ko. Hindi ko pala ito nailock kagabi dibale na umaga naman na e. " Nandito ako sa cr Ate bakit? ". Sigaw ko din pabalik. " Bilisan mo na diyan sasabay ka ba sakin? Ihahatid na kita ". Napangiti ako ng kay lapad dahil sa sinabi niya. " Talaga Ate? ". Pagsisiguro ko pa baka mamaya ineechos niya ako e haha. " Oo nga kaya bilisan mo na dali! ". Sigaw pa ni Ate. " O-oo andiyan na... bibilisan ko na ". Binilisan ko na nga ang pagkilos ko pati pagbibihis ko. Hindi na din ako nakapag make up pa dahil sa kotse na ako ni Ate mag-aayos. Aksaya oras kung dito sa bahay. Nagmamadali akong makababa sa sala.... " Ate ready na ako tara na! ". Aya ko kay Ate habang inaayos ang gamit ko pababa ng hagdanan. " Nakaalis na Ate mo! ". Giit nila Nanay na bihis na din kasi may pasok pa sila sa trabaho. " Po? ". Gulat kong tanong imbis na mabati sila ng good morning. " Sabi niya po sakin Nay isasabay niya ako? ". Sambit ko. Nagmadali na nga ako sa pagligo ko tapos di din naman pala ako hinintay ni Ate. " Ang bagal mo daw kasi malelate na siya sa trabaho niya ". Paliwanag ni Nanay. Bigla naman akong nanlumo. Binagalan ko na ulit ang kilos ko. Naupo ako sa harapan ng mesa. " Aalis na din kami, kung kakain ka kumain kana. Bilisan mo. Nakakahiya kay Shonie kung paghihintayin mo siya sa labas ng matagal, sige alis na kami ". Bumeso si Nanay sakin. " Bye anak, ingat kayo sa byahe ha ayusin pag-aaral ". Dagdag pa ni Tatay. Hanggang sa makalabas sila ng bahay ay nagpoproseso pa din ang utak ko. Nirerecall ko kasi ang mga sinabi ni Nanay. " Aalis na din kami, kung kakain ka kumain kana. Bilisan mo. Nakakahiya kay Shonie kung paghihintayin mo siya sa labas ng matagal, sige alis na kami ". Literal akong napatayo sa pagkakaupo ko at walang pangambang binuksan ang pintuan ng bahay. Pagkabukas ko palang natanaw ko na agad sa labas ang itim na Ferrari car ni Natcher. Yup iba nanaman ang kotse niya. Nakita niya akong nakadungaw dito sa pintuan kaya umamba siyang maglakad papunta dito sa bahay. Naiwan naman nila Nanay nakabukas ang gate kaya mabilis siyang nakapasok. " Good morning Honey! ". Bati niya. Shems keaga-aga kinukuryente niya ako ng mga litanya niya. Sa halip na tugunin ko siya inangat ko ang kamay ko papunta sa pisnge niya. Balak ko sanang dutdutin yung pisnge niya baka nanaginip lang ako e. Kaso bago ko pa man na mailapat ang daliri ko sa makinis at malambot niyang pisnge ay hinawakan niya ang kamay ko. Tapos hinalikan niya ang daliri ko para mas lalo akong makuryente dahil sa ginawa niya. " Your not dreaming! Totoong nandito ako sa harapan mo ". Wika niya upang matauhan na ako. Hinablot ko papalayo sa kaniya ang kamay ko. Sasaraduhan ko na sana ang pinto ng pigilan niya ito. Wala na akong nagawa pa kaya nakapasok na din siya ng bahay. " Ang sweet mong babae! Wala man lang good morning too Honey? ". Nilingon ko siya na naniningkit ang aking mga mata. " Che! Walang good sa morning ko kung ikaw ang makikita ko ". Buwelta ko sa kaniya. Kinagat niya ang ibaba ng labi niya saka ngumisi. Sumunod siya sakin dito sa kusina at naupo din katabi ko. Inirapan ko lang siya at kumuha ng pandisal. Nilagyan ko ng palaman ito na mayonnaise saka ito nilapang. Ibinuhos ko ang inis ko kay Natcher dito sa pandisal. " Hinay-hinay lang Honey baka mabulunan ka! ". Utas niya na akala mo totoong concern sakin. Diko siya pinansin. Okay naman kami kahapon nung nasa park kami kaso nun umalis siya bwiset. Pinictureran pala ako ng bakla nung napasubsob ako sa lupa. Ipinakita lang naman niya kina Nanay plus nun gabi nakita ko pa na pinost niya sa IG account niya at gosh public pa. Kikiligin na sana ako dun sa caption niya na. " Thank you for being my happy pill for today Honey! Your such a wonderful blessing of God for me.... ". Kaso hindi e. " Galit ka pa din ba sakin dahil dun sa picture? ". Tanong niya ng di ko siya iniimikan. Bahala siya diyan manigas siya. Anung akala niya sakin basta-basta puwes paghirapan niya ngayon ang panunuyo. Ganito lang din naman pala gusto niya kaya magdusa siya. " Sorry na Honey ". Pagsisweet-sweetan ng bakla. " Che! ". Giit ko at kumain nalang ng tinapay kesa ang pakinggan ang mga sasabihin niya. Nakita ko na kumuha siya ng tissue tapos pinahidan niya ako ng amos ko. " Huwag kang ngingiti Rana! Para yan lang ". Bulong ko sa isipan ko. Maya-maya pa naramdaman ko ang malambot na labi niya sa pisnge ko. Natigilan ako sa pagkain dahil sa kaniya. Anak ng tokwa itong baklang ito. Lagi nalang niyang ginagawang excuse yang labi niya sakin. Dahil sa ginawa niya nagtagumpay siyang pansinin ko siya. Mapungay ang mga mata niya na pawa bang sincere siya na nahingi ng Sorry. E paano nga kung seryoso siya? Hinalikan nanaman niya ako by this time sa labi ko na. Pangwalo na tong halik niya sakin. Kapag ito umabot ng sampo ipapatukhang ko na siya. " I'm sorry! Masaya lang kasi talaga ako kahapon kaya ko nagawang ipost yun sa IG ko. Tsaka ang cute mo kaya, but on the other side I was too worried for you ng mag dive ka sa lupa ". Paliwanag niya. Ngumiti siya ng bahagya. " Honey don't get mad at me, please! I'm sorry di na mauulit ". Pag-aamo niya sabay halik nanaman sa labi ko. " Siyam! ". Sambit ko na ipinagtaka niya. Kumunot ang noo niya ng kaunti. " Siyam? ". Taka niyang tanong. " Siyam na beses mo na akong hinahalikan sa labi ko! Pag ito umabot ng sampo uurong ako sa deal natin ". Pananakot ko sa kaniya. " No! Hindi puwede ". Giit niya. " Puwes tigilan mo ang paghalik sakin ". Pagsusungit ko. " Sabihin mo munang bati na tayo! ". Kinukundisyunan niya ba ako. Tumaas dalawa kong kilay. " Okay fine! Absuwelto ka na pero bawal mo na akong halikan, got it ". Ani ko. Tumango siya ng na walang lumalabas ni anung salita sa labi niya. " Good! Kumain ka na ba? ". Mahinahon ko ng tanong sa kaniya. " Hindi pa nga pero busog na ako ". Puwede ba yun? Di pa siya kumakain pero busog na? Adik talaga itong baklang toh. Sumbong ko na kaya siya sa mga pulis ng maikulong na haha kaso di siya bagay dun. Kasi sakin lang siya bagay! Wit! Did I say that..... umooo no! Hindi ko sinabi yun tama hindi. " Baliw ka ba? Paano mangyayari yun e hindi ka pa nga kumakain ". Ani ko. Kumuha siya ng tissue nanaman at ponahidan nanaman niya ang gilid ng labi ko at habang ginagawa niya yun sinasagot niya ang tanong ko. " Kissing you is enough to full me! ". Nakatingin siya sa labi ko ng sabihin niya yun. Kinagat ko ang labi ko pagkatapos niya itong punasan. " Ikaw baklang nakikala ko na sobrang landi! ". Giit ko. " Atleast sayo ako malandi at di sa iba ". Ah so dapat ipag pasalamat ko pa yun sa kaniya. " Okay lang naman maglandi ka sa iba e, di mo naman ako totoong mahal tsaka di pa tayo kasal ". May point ako tsaka anu naman kung maglandi siya buhay niya iyan bakit ko siya pipigilan. " It was my decision to be stick to one or I should say faithful to you. Ayaw ko naman isipin mo na talagang ginagamit lang kita. Hindi ganun, mali yun...... ". Pinutol niya ang sasabihin niya kasi hinawakan niya muna ang kamay ko. " Magiging asawa kita at magiging asawa mo ako. Haharap tayo sa simbahan magpapalitan ng vows. Weather we don't have any feelings for each other, gampanan pa din ang role ng totoong mag-asawa or mag fiancé.... Ibig sabihin sayo lang ako got it...... kaya huwag mo akong ibigay sa iba ng basta-basta! Dahil hindi din kita basta-basta lang hahayaan mapunta sa iba ". Mahabang litanya para mapatitig ako sa kaniya. Hinalikan niya ako for the tenth time sa labi ko. " Uy! Sampo na yun ah! ". Wika ko ng makarecover na ako sa mga sinabi niya. Humilig siya sa mukha mo. " Kahit twenty pa yan di ka naman talaga uurong sa kasunduan natin (Wink*) and One more rules as your owner. I can do what ever I want to do you! ". Sambit niya. Aangal pa sana ako pero sinalpakan na niya ako ng pandisal ulit sa bibig ko. " Kumain ka na Honey, malelate ka na. Ihahatid pa kita ". Giit niya sabay halik sa kamay ko na hawak niya pa din. Binitawan niya din naman ito para makakain ako ng maayos. Kinagat ko nalang ng tuluyan ang pandisal na isinubo niya sakin. Baka nga malate pa ako kung makikipagtalo pa ako sa kaniya. After kong mag-almusal pinadaan ko siya sa seven eleven. Binilihan ko siya ng kape para mainitan ang sikmura niya bago siya pumasok sa trabaho niya sa Entertainment. Pinabaunan naman niya ako ng halik na kitang-kita ng mga estudyante at mayroon ilang mga ka dame course ko. Kasi bumaba pa talaga ang bakla ng kotse niya para pagbuksan ako ng pintuan. Na kung diko alam palabas lang naman yun lahat. " Thank you! ". Sambit ko. " That's my job. To serve you Honey. Okay cge I'll go ahead too. Let's see each other again later! ". Sambit niya. " Ha??? Bakit? ". Taka ko. " Malamang susunduin kita. Dika puwedeng magcoomute. Kapag umalis ka ng di ako dumadating I swear Rana you will regret it ". Banta niya para kilabutan talaga ako for real kasi nakakatakot yung tingin niya sakin nun sabihin niya yun. " Sige na pumasok ka na sa loob. No Boys okay! One bad news from you malalagot ka talaga sakin Rana! ". Banta nanaman niya. " Oo na. As if naman gagawa ako ng kalokohan anu. By the way thank you ulit and Drive safely! ". Wika ko at akmang tatalikuran na siya ng higitin nanaman niya ako papaharap sa kaniya. " What? ". Kalmado kong tanong. " May nakakalimutan ka! ". Sagot niya. Tinignan ko naman ang sarili ko at mukha naman wala. " Wala naman akong nakakalimutan ". Ani ko. " Mayroon! ". Pagpupumilit niya. " Ha? Anu? ". Taka kong tanong. " Yung good bye kiss ko Honey! ". Wika niya na ikinapalirit ng mga babaeng nakakakita at nakakarinig samin. " H-ha? K-kiss! ". Hindi pa ba sapat yung halos dalawang beses niya akong nakawan ng halik kanina sa bahay. " Oo! ". Sagot niya. " Huwag na nakakahiya ". Dahilan ko dahil ayaw ko siyang halikan at tsaka ang daming tao. Naningkit ang mga mata niya. " You'll kiss me or you'll gonna regret it ". Pabulong niyang banta. Ah so binablock mail niya ako ngayon. " Akala mo matatakot ako! ". Wika ko. " Papasok na ako ". Sabi ko pa at tinalikuran ko na siya pero di pa man ako nakakalayo ay hinigit nanaman niya ako papaharap sa kaniya. " N-natcher nam———— ". Diko na naituloy pa ang pagrereklamo ko ng lumapat nanaman ang labi niya sa labi ko. Kagaya ng dati siya nakapikit ako dilat na dilat sa gulat. Kumalas din siya agad at nginitian ako. " Focus on your study I'll go ahead. See you later Honey! ". Isa pang pasada na halik pero sa noo ko na. Binitawan na niya ako saka siya sumakay sa loob ng kotse niya. Habang pinapanuod ko na makaalis ang kotse niya napatulala ako dito sa kinatatayuan ko. Daig ko pang naestatwa. Parati nalang ganito sa tuwing tatangkain niyang halikan ako. " Shems Natcher anu bang ginagawa mo sakin? Bakla ka e, bakla ka! ". Bulong ko sa sarili ko. Kesa matuluyan akong maging bato sa kinatatayuan ko sinimulan ko ng tahakin lakarin ang daan papunta sa building ng Nusring. Tiyak nandun na sa room si Razon at hinihintay na niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD