[Chapter 9]:Nanay, Tatay

2227 Words
Rana Pov: Naiwan akong mag-isa dito sa table namin ni Razon. Dumating na kasi si Hash at sinundo na niya si Bakla. May lakad daw sila, di naman sinabi kung saan. Umorder pa ulit ako ng panibagong fries at paubus na din ito. Tatlong piraso nalang ang natitira. " O.M.G!!!!! Is that him? ". Kinig kong sigaw nung babae malayo sa direksyon ko kung nasaan ako ngayon nakaupo. Siguro mga tatlong pulgada ang layo. Pinanuod ko lang sila. Nararamdaman ko pa din kasi yung bigat ng palad nung babae sa pisnge ko. Grabe! Ang lakas pala talaga ng sampal niya sakin. Pakiramdam ko namamaga ngayon itong pisnge ko. Sana lang talaga di mahalata ni Ate na mayroon sumampal sa pisnge ko. Ininum ko na yung binili kong pineapple drink. After nito tumayo na ako sa pagkakaupo ko. Naglakad ako sa direksyon kung saan nagkukumpulan ang mga tao at karamihan ay puro babae. " Anu bang mayroon? ". Rinig ko na tanong ng isa sa mga babae. " Ewan ko may artista daw! ". Sagot naman nun isa. Napatikhim ako. " Hmmmm artista lang pala! Tao din naman yun e. Bakit ba ganiyan sila. Ginagawa nilang santo o diyos ang mga tao lang din naman ". Napailing ako habang nilalampasan ang direksyon nila. Di pa man ako nakakalayo ay mayroon humawak sa kamay ko. Diko maipaliwanag pero same feeling ito nun hawakan ni Natcher ang kamay ko kagabi. Kahit naman may tama na ako kagabi di ibig sabihin nun diko natatandaan ang lahat ng nangyari. Malinaw sakin na for the second time hinalikan niya ako. Marahan kong nilingon ang taong nagtangka akong hawakan sa kamay ko. Halos mapatulala ako sa kaniya ng makita ko ang Goddess niyang itsura. " Shems! Bat ba ang gwapo niyang bakla? ". Syempre binulong ko lang yun sa isipan ko. Pinalilibutan na kami nang mga fans niya. Holy moly di ako kasali. Palabasin niyo sa circle na to. " Kanina pa kita hinahanap! ". Sambit niya para mapatitig ako sa kaniya ng diretso. Diko makita yung color green niyang mata kasi nakashades siya. And damn it! That shades fitted on him. Kamukha na siya ni Oppa lee Min Woo. Pero anu daw? Hinahanap niya ako? Teka may usapan ba kami? Tsaka kailan pa kami naging close neto. Kumunot ako sa sinasabi niya. " A-anu? ". Pag-uulit ko. " Nandito ka lang pala! ". Pagsasawalang pansin niya sa tanong ko. Bastusan lang. Hinihigit ko palihim ang braso ko papalayo sa kaniya kaso over yung pagkakahawak niya sa braso ko ang higpit masyado tila wala talaga siyang plano na patakasin ako. Anu bang problema nitong isang ito. Para talagang ayaw niya akong pakawalan. " A-anu bang sinasabi mo diyan? ". Pabulong ko siyang kinakausap kasi ayaw ko naman mapahiya siya dito sa mga Fans niya anu. Di naman ako ganun kasama. " Honey! Let's go home! ". Di nanaman niya ako pinansin. Salita lang siya ng salita ng kung anu-anu na di ko naman maintindihan bakit niya sinasabi. Yung mga babae halos pumalirit dahil sa kilig dito kay Natcher. Yung isa halos mahimatay na mabuti nalang may nakasalo. Ala! Te easy lang. Tao lang din itong nasa harapan mo mukhang lang diyos este dyosa pala kasi kung di niyo pa alam bading siya. Opo bading kaya huwag kayong palilinlang sa gandang lalaki nito. " Nasisiraan ka na ba? ". Buwelta ko sa kaniya. Napalakas ang pagkakasabi ko kaya halos matahimik ang buong paligid. Oo buong paligid talaga as in kasi pati yung mga nasa second floor at third floor nang mall nakadungaw dito sa ibaba para lang maki chismis sa nangyayari dito sa ibaba. " Puwede ba Natcher! Tigilan mo nga ako sa mga palabas mo! Hindi ako laruan na puw————— ". Yung bibig ko kusang napatihimiknu ng bigla niya itong takpan mismo ng labi niya. Letche naman bakla ito! Ninakawan nanaman ako ng halik. Anu bang trip niya? Pangatlong beses niya na tong ginagawa ah. Itutulak ko sana siya papalayo kaso mas lalo niya ako hinigit palalapit sa kaniya. Kaya naman damang-dama ko na ang init ng katawan niya dahil magkadikit na ang mga katawan namin. Nakapikit lang siya habang magkalapat ang mga labi namin ako naman dilat na dilat dahil as usual nagulat ako sa biglaang paghalik sakin ng baklang ito. Halos thirty seconds tumugal ang halik niya bago siya kumalas. opo binilang ko talaga. Pero yung mga kamay niya nanatiling nakapulupot sa beawang ko at magkadikit pa din ang mga katawan namin dalawa. At yung mga fans niya ay nagsimula nanaman mag ingay at magsi labasan ng mga phones nila. Hindi na ako magugulat kung viral nanaman ako sa buong bansa at sa campus pagsapit ng monday. Mabuti nalang kamo saturday bukas kaya mapaghahandaan ko pa ang mangyayari sakin sa monday. For sure di nalang sampal ang matatamo ko. Baka mamaya kindappin pa nila ako tapos chap chapin ang katawan ko saka ibenta hehe over na ba ako. Tulala lang ako sa kaniya. Siya naman nakatingin din sakin pero sandali lang. " Let's go Honey we're going home ". Sambit niya at bago pa man ako makaangal ay nahila na niya papalabas ng mall. Nakasunod pa din samin yung mga fans niya. Tumakbo na siya kaya tumakbo na din ako. Nanatiling hawak niya ako sa braso ko habang tumatakbo kami papunta sa kung saan nakapark ang kotse niya. Nung makita na namin ito. " Hop in ". Utos niya. " Anu? ". Giit ko nung bitawan na niya ang kamay ko. " I said hop in! Sumakay ka! ". Nagmamadali niyang wika. Alam kong nagmamadali siya dahil obvious naman kaya niya ako hinalikan e para pagmukain niyang taken na siya at ako ang babaeng nakabihag sa puso niya. Oh diba galing din ng Bakla huwag lang talagang mahalata ng iba na totoong bading siya. Alam naman na ng lahat pero bakit ganun patay na patay pa din sa kaniya ang mga babae. Halos nga masampal na ko nun isa niyang fans sa campus e. Pasalamat talaga yun di ako pala away. Maliban nalang kung talagang naaapi na ako. " Ayaw ko! Uuwi na ako! Di ako sasakay diyan ". Sagot ko at nagsimula ng maglakad papalayo sa kaniya. Di naman niya ako pinilit pa at sinundan. Kaya nagpatuloy ako sa paglakad ko. Pero di pa ako nakakalayo binusinahan niya ako ng napagkahaba at lakas para lingunin ko siya. Nakasunod pala siya sakin pero sakay siya sa kotse niya. Kunot noo ko siyang hinarap. Nakangisi siya ngayon sakin. Nang-iinsulto pa talaga siya gamit ang mga hot smirk niya. Akala mo ikinakagwapo! Gwapo naman na talaga siya nagpapagwapo pa. Dumungaw siya sa bintana. " Hop in or else sasagasaan kita! ". Pagtataray niya na sakin ngayon. Adik lang bilis mag bago ng mood. " Ayaw ko nga diba! . Sagot ko. Di niya ako pinansin. Umamba siyang paandarin ang kotse niya kahit nakatayo ako sa harapan nito. Halos mapatalon ang sa ginawa niya. " Loko ka ba? Sasagasaan mo talaga ako ". Reklamo ko sa kaniya. Tumatawa siya ngayon imbis magsorry. Iniinis ako nitong baklang ito ah! " Sumakay ka nalang kasi kung ayaw mo pang mamatay ng maaga! ". Naparoll eyes nalang ako sabay buntong hininga. Mukha naman seryoso siya sa mga binibitawan niyang salita kaya kahit ayaw ko sumakay na ako. Binubuksan ko yun likuran ng kotse niya. Sa back sit pero hindi ito bumubukas. Kaya dinungaw ko siya sa bintana sa passenger sit na puwesto. " Sarado! ". Masungit kong ani." Bakit ba kasi diyan ka pupuwesto? Anu ako driver mo! ". Wika niya na ikinasingkit ng mga mata ko. " Antipatikong bakla! ". Bulong ko. Padabog kong binuksan ang pintuan ng kotse niya at padabog ko din itong isinara. I don't care kung masira pa ang pintuan ng Mercedes niya. Dapat nga lang e, aba halos tatlong halik na ang ninakaw niya sakin. Katumbas din ng presyo ng sasakyan ang bawat isang halik sa lips ko e siya nakailan kaya bilang kabayaran okay lang na masira itong kotse niya. Ngayon nga nakapuwesto ako katabi niya. Naglagay na din ako ng sitbelt. Nilingon ko siya na hindi nakatingin sakin kundi sa daan lang. Focus lang siya sa pagdadrive. Inirapan ko siya habang nalahalukipkip dito sa tabi niya. " Saan bahay niyo? Ihahatid na kita ". Malalim na tono ng boses niya. Anu nanaman drama neto. Sinubukan kong silipin ang struktura ng mukha niya at nadismaya ako kasi walang ekspresyon. Pero basi sa tono ng pananalita niya parang may ponoproblema pa din siya. " Puwede ba please stop staring at me! ". Iritado na niya ngayon sambit. Kinagat ko ang labi ko sabay iwas ng tingin sa kaniya. " Okay!! ". Walang gana kong sambit. Inituro ko nalang yung direksyon papunta sa bahay. Sigurado akong tatalon sa tuwa si Ate kapag nakita niya itong Boss niya na nasa bahay. Di pumasok si Ate kasi malala hang over niya kahit na expert na siya sa inuman. Ako kasi hindi pero pinilit ko lang talaga makapasok kasi nga may quiz kami kaninang 1:00. Long quiz pa naman yun sayang din. Di ako mapakali. Inilibot ko ang paningin ko sa kotse niya. Sa harapan ko mayroon mini staff toy na bare bears. Kumpleto yung tatlong types of bears. Napangiti ako kasi cute nila. Akmang kukunin ko sana para tignan ng mas malapitan ng pigilan ni bakla ang kamay. Napatingin ako sa kaniya na nakatingin na din sakin pero nagdadrive pa rin. " Don't you dare touch anything! ". Banta niya gamit ang matiim niyang pananalita. Diko makita ang ekpresyon ng mga mata niya kasi naka shades pa din siya. Imbis ata na matakot sa kaniya e namemesmerize pa ako ngayon sa kagwapuhan niya. Pero nilabanan ko ang pang-aakit nung gwapo niyang mukha. Hiniklas ko papalayo sa kaniya kamay ko. " Then don't you dare touch me too! ". Nakataas ang isa kong kilay habang sinasabi yun sa kaniya. Di naman ako masungit pero nakakapagsungit ako dahil dito sa baklang ito. Akala ko kasi mabait antipatiko naman pala. Mukha lang maamo sa panlabas pero hulaan ko halimaw ugali niya sa panloob. " D-diyannn nalang! ". Nangangatal kong pagsasalita ng muntikan na namin malagpasan ang bahay ko. Prumeno siya bigla para masakal ako ng sitbelt ng kotse niya. " Araaaay ko!!! ". Daing ko. " Bakit kasi di mo sinabi agad! ". Reklamo niya. At talagang sinise niya pa ako. E siya naman itong may kasalanan. Kung di niya ako sinungitan edi sana nakafocus na ako sa daan. Imbis na sagutin ang pagtataray niya tinanggal ko na sitbelt ko. " Bababa na ako salamat nalang! ". Wika ko bago hinawakan ang knob ng kotse niya. Binuksan ko na ang pintuan. Lumabas na ako tapos isinara ulit ang pintuan ng kotse niya. Pumorma na ako sa pagbukas naman ng gate nitong bahay namin ng mayroon biglang humigit sakin papalapit sa kaniya. Nagulat nalang ako ng nakababa na pala itong atipatikong bakla na to. Nakasubsob ako dibdib niya. Anu bang trip talaga nito? " A-anung ginagawa mo? ". Ungkat ko sa kaniya. Hindi siya sumagot mas iniriin niya ako sa katawan niya. Shems naman bakla ito bakit ang sarap ng body heat niya? Pero hindi mali itong ginagawa niya sakin sobrang mali. Chinachansingan niya ako! Manyak ba siya? Mukha nga! Magsasalita pa sana ako kaso bigla niya akong hinawakan sa baba ko. Iniangat niya ulo ko patingala sa kaniya tapos the next thing his lips touches mine once again for a forth times! Kada hahalikan niya ako parati nalang nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat samantalang siya nakapikit at tila enjoy na enjoy sa paglapat ng labi niya sa labi ko. Takte! Baka masanay ako hanap-hanapin ko labi niya dahil sa ginagawa niya sakin. Anu ba kasing tumatakbo sa utak nitong bakla na to? Itutulak ko na sana siya pero pibigilan niya ako. Hindi naman gumagalaw ang labi niya pero nakalapat lang itong sa labi ko. " Uhmmm ". Angal ko sa paghalik niya sakin. Pero di niya ako pinapansin. Patuloy lang siya. Natigilan lang siya sa paghalik sakin nung.... " ASHRANA CHANE AGUILAR WHAT IS THE MEANING OF THIS????? ". Pareho kami at sabay kaming napalingon sa mga nagsalita. Pagkakita ko sa likuran. Sa gate ng bahay namin nakatayo sila Nanay at Tatay at sa likuran nila si Ate. Shems h-hindi sila pumasok sa trabaho nila? Nakakunot ang noo ni Tatay lalo na si Nanay. Si Ate naman kumikislap ang mga mata kasi nga nandito yung boss niya na crush niya. Nakayakap pa din sakin si Natcher, kaya itinulak ko na siya papalayo sakin. " Puwede bang ipaliwanag mo samin ang nakita namin ha, Rana? ". Mahinahon ng wika ni Nanay. Kinagat ko ang labi ko....... anung gagawin ko? Anung sasabihin ko sa kanila? Wala naman kaming ugnayan ng baklang ito. At Oo bakla siya kaya dapat di nila ako galitan kaso itong bakla nato bwiset kasi diko alam kung anung tumatakbo sa utak niya at nagawa niya akong halikan. Ngayon nalalagay kami sa matinding panganib! Tiyak sesermonan talaga ako nila Nanay......... nilingon ko si Natcher at tahimik lang siya sa tabi ko pero halata mong natatakot nadin siya kay Tatay lalo na kay Nanay. Aba dapat lang! Ibinalik ko ang tingin ko kina Nanay at naghihintay pa din sila ng isasagot ko. Huminga ako ng malalim sabay buntong hininga...... Shems anu bang gulo ito Rana??????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD