[Chapter 8]:Behind everything

1141 Words
Rana Pov: " Grabe talaga yun pandakekok nayun! Gawin ba naman punching bag yang mukha mo. Kung di lang talaga ako nagpigil baka yung mukha nun di na maitsurahan! Bwiset! ". Inis na inis pa din si Razon hanggang ngayon sa nangyari sakin kanina sa canteen. Uwian na namin ng hapon ngayon. Nagpasiya akong huwag muna umuwi. Maga pa din kasi ang pisnge ko at halatang sinampal ako kasi bakat pa yung kamay ni Ate Ghurl bitchy. Ayaw kong  maabutan ito ni Ate na nasa mukha ko pa rin dahil tiyak maguusok yun sa galit gaya nitong si Razon. Baka nga tuluyan pa ni Ate yung babae na ginawa sakin nito mahirap na makulong pa siya paano nalang pag-aaral ko. Tsaka speaking of. Pinapahalagahan ko din image ko lalo na graduating ako. Ayaw kong makagawa ng kahit na anung record sa report card ko. Mabuti nang hayaan ko nalang na ganito kesa madungisan ang records ko. Tsaka pagaalalahanin ko lang sila Nanay at Tatay ganun din si Ate. Sampal lang naman ito at simpleng misunderstanding ng isang Fan. " Loko naman kasi yung Shonie na yun! Bakit kasi hinalikan ka niya? ". Dina fafa Shonie ang tawag niya sa idol niya at crus ng bayan kasi ang dahilan niya kung di daw dahil kay Natcher napaaway ako. Mas mahal naman daw niya ako at mas importante ako kesa sa pagiging Fan niya kay Natcher. Napabuntong hininga nalang ako saka isinandal ang likuran ko sa upuan na kinauupuan ko. Nandito nanaman ako sa McDonald pero this time si Razon ang kasama ko. " Wala ba kayong lakad ng jowa mo? Okay naman na ako bakla e carry ko na sarili ko. Thank you nga din pala kanina ". Wika ko sa kaniya. Yung inis struktura ng mukha niya biglang napawi. Ngumiti siya sabay hawak sa kamay ko. Tinignan ko yung mga kamay namin dalawa. Titig lang ako dito. Hinihintay ko kung makukuryente ako. Pero ni isang pitik ng litid ko wala akong maramdaman maliban sa panlalamig ng kamay niya siguro dahil sa air condition dito sa loob ng mall. Malamig na din kasi ang balat ko e. " Ghurl! No need to thank me okay! Bestfriend kita tsaka parang kapatid na din kaya anytime anywhere ready to fight ako for you. Because I love Rana! I do really love you Ghurl you know. Where sissy besties! ". Giit niya sabay wiggles ng mga daliri sa harapan ko. Napatawa naman ako ng bahagya. " Haha sira ka talaga, basta thank you pa din Bakla ah. Tsaka mahal din kita! ". Tugon ko sa litanya niya na pang mmk na. " May I ask Ghurl! Before akong gumara. Anu nga pala lasa lips ni fafa Shonie? ". Ayyy idol niya pa din pala haha. Nacarried away lang talaga siya siguro kanina haha. Assuming din naman kase ako. Hindi ko inaasahan na itatanong niya sakin yun. " A-anu ba Bakla kailangan pati yan alamin? Kinuwento ko na sayo lahat diba ". Wika ko. Sabay hiklas ng kamay ko papalayo sa kaniya. " Di mo naman sinabi sakin kung anung flavor ng lips ni fafa Shonie e. Ang kinuwento mo lang e hinalikan ka niya ". Medyo napalakas ata boses ni Bakla kasi naman apaka hype nito kasama. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya kasi mayroon napapalingon samin sa lakas ng boses niya. " Bakla low down naman volume voice mo! Nakakahiya sa mga tao na nandito anu ". Giit ko. Tinabig niya ang kamay ko na nakalagay sa bibig niya. Inirapan niya lang yung mga tao na kasama namin dito sa fast food. " Sagutin mo kasi yung tanong ko. So Anu nga lasa? ". Pagpupumilit niya. Kinagat ko ang labi ko sa sobrang intense ng tanong niya. " Kailan pa nagkalasa ang halik! ". Giit ko nanaman. " Ghurl! Mayroon flavor ang Kiss anu. Parang sa pagkain lang yan. May masarap, tama lang, mapait, at matabang so alin dun sa apat? ". Ani niya. Umawang ang bibig ko. Diko kasi alam ang isasagot ko sa kaniya. " M-matabang? ". Diko siguradong sagot. Yung reaksyon ni Razon parang di sang-ayon sa sagot ko. " Di ko knows Ghurl ha. Feeling ko nagsisinungaling ka. Aminin di yun matabang! Diba nakipaglaplapan ka sa kaniya sa bar so ibig sabihin nasarapan ka! Di mo tutugunin ang mga halik niya kung di ka nasarapan!!! ". Buwelta niya. Anu ba naman topic ito. Kailangan talaga tungkol dito? " Eeeeh Bakla bunganga mo nga. anu ba nakakadiri ka. Grabe ka naman sa laplapan! ". Nadidiri ko ngang sambit sa kaniya. Over yung laplapan na word e parang di angkop ang term sa totoong nangyari. " E anu nga kasing lasa? ". Giit niya naman ngayon. Naiirita na ang bakla kasi diko sinasagot ng matino ang tanong niya. " Rana isa! ". Pagbabanta niya. " Dalawa, sige Rana kapag di mo sinagot tanong ko ipagkakalat ko na hinalikan mo si Shonie! ". Anu daw. Iblock mail ba naman ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero nilabanan niya lang ako with matching taas kilay pa siya. Nagstaring contest kaming dalawa pero diko carry. " Okay fine kung anu iniisip mo yun yon! ". Ani ko. Natigilan siya sandali na pawa bang pinoproseso pa sa utak niya ang sinabi ko. Maya-maya pa pinalo ni Bakla ang kamay ko nakapatong sa cube table. " Kaloka Ghurl! Inunahan mo pa ako kay fafa Shonie ha. Pati si Sister Ashiel inagawan mo ng fafa..... sana all Rana. Let switch each other's body dali Ghurl ". Naiingit niya sakin pagmamakaawa na magpalit daw kami ng katawan. Haha ang gaga para lang sa halik jusko. " Para naman bakla di ka pa nahahalikan ng love of you life! Aminin mo totoo sinasabi ko ". Sa kaniya ko naman binaling ang usapan. Di nakasagot ang Bakla para matawa ako ng mahina. " Jusko Razon ang landi mo! Ang landi! landi! mo ". Sinasabi ko yan habang si Bakla namumula sa hiya. Ngayon pa talaga siya nakaramdam ng hiya sakin. " Eeeeeh stop na nga Rana! Nahihiya na ako. Di na virgin lips ko kagaya mo. Kaibahan lang sayo nakaw akin kusang bigay at hiningi ". Pagmamayabang niya sa first kiss niya. " Okay lang atleast isang Shonie Natcher Valtocris ang nakanakaw ng first kiss ". Ganti na ikinaawang ng bibig niya. Bigla niya akong pinalo nung palstik na kutsara sa kamay ko. " Arayyy ko Bakla! ". Reklamo ko pero nakangiti pa din. " Ang harot mong babaita ka! Gusto mo din naman pala pakipot ka pa! ". Buwelta sakin ni Razon. " Ang sabihin mo inggit ka lang bleh! ". Dinilaan ko siya saka tinawanan. Pinagbabato ako ni bakla ng maliliit na piraso ng tissue na binilog niya. Para kaming tang na nagbabatuhan at nag-aasaran. Pinagtitinginan na nga kami pero wala kaming pakealam. Sa masaya kami ni Bakla e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD