Rana Pov:
" Uy!! Ghurl kaloka buong klase ni Mr. Bayola tulog ka! ". Chika agad ni Razon pagka gising na pagka gising ko palang. E kasi naman ang sakit-sakit ng ulo ko para siyang tinutusok sa sobrang sakit. May hang over pa kasi ako. Bukod kasi sa naginum ako ay halos mag aala-una na ng umaga kami nakauwi ni Ate sa bahay. Tulog na sila Nana at Tatay ng dating namin kaya di nila nahalatang nakainum ako. Pero si Ate di na bago sa kanila ako lang talaga itong ingatan.
So bad kong bata! Hate ko pa naman nagtatago kila Nanay pero dibale na alam naman ni Ate. Soon din naman malalaman ito nila Nanay at Tatay e. " Bakla! Gusto ko ng kape! ". Wika ko kay Razon. Dineadma ko ang sinasabi niya. " Mukha ba akong canteen ha Rana? ". Giit niya. Sabay hawak sa kamay ko at hinigit na ako papalabas ng room namin. Break time na pala di ko man lang namalayan.
Grabe kasi talaga yun epekto sakin nun alak. Hawak-hawak ng kaliwa kong kamay ang noo ko. Hinihilot-hilot ko ito samantalang ang kanan ko naman e hawak-hawak ni Bakla kasi nga kinakaladkad niya na ako papunta sa canteen. " Bakit ba kasi nagpupuyat kang babaita ka. Alam mo naman may pasok kinabukasan. Gawa ba yan nung lakad niyo ni Ate Ashiel? ". Yung tono ng boses niya tila sinesermonan ako.
Ang sarap sa ears kapag manly siya magsalita. Mas lalo kasing lumalabas kagwapuhan niya. " Oo! Dahil ito sa lakad namin ni Ate! ". Sagot ko na parang tinatamad sa buhay. Kumikirot kasi talaga yun sintido ko. " E saan ba kasi kayo pumuntang dalawa? ". Ungkat ni Razon. Bago ko siya sinagot ay naupo na muna ako sa round table nitong canteen. " Bakla gusto ko ng kape tsaka mayroon mainit na sabaw! ". Ani ko na tinanguan naman niya.
Iniwan niya ako dito sa table namin. Nakasubsob ako sa lamesa dahil gusto ko ulit itulog itong sakit ng ulo ko. " Diba siya yun? ". Rinig kong mga bulungan. " Oo nga siya ito! Totoo ngang sa school natin siya nag-aaral ". Dinig ko pa. " Sino nanaman kaya pinag-uusapan nila? ". Tanong ko sa isipan ko.
Mga tao talaga ngayon napaka chismosa. Kasama na ata yun sa daily routine nila ang makisagap ng mapag-uusapan kahit di nila kakilala.
" Grabe hinalikan niya talaga si Shonie? Bukod pa dun sinabihan niya ito ng bakla! ". Ang nanahimik kong tenga biglang umigting ng marinig ko ang pangalan ni Natcher! ni Mr. Snatcher! Napatunghay ako mula sa pagkakaubob. Inilibot ko ang aking paningin para hanapin kung saan nagmumula ang mga boses na pinag-uusapan ang baklang nagnakaw sa unang halik ko.
Sa tagiliran ko sa right side ko natagpuan ang mga babaeng sakin na din pala nakatingin habang magkakaung-ungan sila. " Shhhh anu ba kaya narinig niya ata tayo! ". Sambit nung isa na di maalis-alis ang tingin sakin. Kung may tinidor lang ako tinusok ko na mata niya. Sama makatingin akala mo mayroon akong ginawa sa kaniyang di maganda.
Inirapan ko nalang sila, bagay yun sa kanila. Diko naman sila inaanu ah. " Ghurl, Anung aura iyan? May papatayin lang? ". Natatawang giit ni Razon pagkarating niya dala-dala ang mga inorder niyang food namin. " E paano kung makatingin sakin yung mga babaeng yun akala mo na mayroon akong ginawa sa kanilang masama! ". Dumbing ko kay bakla. Sabay tingin sa part nung mga babae.
Sinulyapan niya din ng tingin ang mga ito. Hindi na sila nakatingin samin. " Haha baka naman kasi mayroon ka nga talagang ginawa sa kanila? ". Inirapan ko si bakla sabay pout sa harapan ng sopas ko. Humigop ako nito sabay inum din ng kape. Maganda ito para mawala ang antok ko at magising-gising sa katotohanan. " Ghurl! May ginawa ka nga ba? ". Takang tanong ni Razon.
Tinignan ko siya at ang seryoso ng mukha niya. Kinagat ko ang labi ko sabay umiling. " Anu naman gagawin ko? ". Ani ko. " E bakit wagas kung makatingin sayo lahat ng tao dito? ". Tanong niya, nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya sinubukan ko din ilibot ang paningin ko. Shocks! Literal na nanlaki ang mga mata ko nung mapagtanto ko nga na nakatingin sakin ang lahat ng tao na nandidito sa canteen.
Iniiwas ko nalang ang tingin ko sa kanila. Sinubukan kong libangin ang sarili ko. Biglang nakaramdam ng kaba ang puso ko pero diko alam kung bakit. Maya-maya pa ay mayroon kumulbit sakin. Napalingon ako sa kaniya. Mababang babae ito pero kung makataas ng kilay akala mo ang laki-laki niyang tao.
Mayroon siyang hawak na soft drinks nakalagay ito sa paper cup. Hindi ko naman inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Isinaboy lang naman niya sa pagmumukha ko ang isang bagong soft drinks na yun. " Ghurl!!!! ". Rinig kong tawag sakin ni Razon. " B-bakit mo ginawa yun sa kaniya? ". Ani pa ni Razon sa naiinis na tono. Nakita ko na tumayo siya sa kinauupuan niya para malapitan ako.
Basang-basa ang mukha ko lalo na ang blouse ko dahil sa soft drinks. " Bagay lang yan sa kaniya! ". Giit pa nitong pandak na ito. Ang liit-liit niya tapos bully siya grabe. " Inaanu ka ba niya ha? Alam mo dagul este Ghurl! Ang Chaka mo! ". Pang-iinsulto ni Razon sa babae. Pero tila balewala lang ito sa kaniya.
Nagpapalitan kami ng tinginan dalawa. " Rana are you okay? ". Kunsulta sakin ni Bakla. Hindi ako nagsalita sa halip ay tumayo ako para harapin ang pandak na ito. Nung tumayo ako halos tingalain niya ako. Ngayon kami magtuos dalawa. Ngayon niya ako buhusan ulit ng softdrinks sa mukha ko. Let's see kung maabot niya pa ito.
Grabe siya! " Inaanu ba kita? Anu bang ginawa ko sayo para sabuyan mo ako ng softdrinks sa mukha? ". Sobra siya sa ginawa niya sakin. Kung may problema siya sakin sana sinabi niya hindi itong basta-basta nalang niya ako sasabuyan ng coke sa mukha. Hindi siya nagpatinag kahit halos tingalain na niya ako. " Aba Ghurl totoo ngang small but terrible! ". Bulong sakin ni Razon. Gusto ko sanang matawa kaso nawala ako bigla sa mood.
" Maang-maangan ka pa! Sino ka para tawagin bakla si Shonie namin! ". Ani nito. " Ghurl tinawag mong bakla si Shonie? ". Sawsaw naman ni Razon sa likuran ko. Sinamaan ko siya ng tingin para tumiklop ito na parang makahiya. " Quiet na nga ako sabi ko nga! ". Sambit niya. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa pandak na nasa harapan ko.
" Yun ba? E totoo naman e! Bakla yan iniidulo niyo. Bakla siya? ". Giit ko. Kung gusto nila ng patunay kakaladkadin ko pa sa kanila ang shota nitong ipinagpalit lang siya sa babae. " Kaya ba hinalikan mo siya para mapatunayan na bakla nga siya? ". Anu daw? Hinalikan ko si Natcher? Tsaka paano nila nalaman ang tungkol dun.
" Hinalikan mo ghurl si fafa Shonie? ". Singit nanaman ni Razon. Kagaya kanina sinamaan ko ulit siya ng tingin. Nagpeace sign naman siya. " Hindi ko siya hinalikan siya nanghalik sakin. Kasi pina———— ". Naputol ang sasabihin ko ng sampalin ako nitong babae. Abat nagawa niya akong abutin. Halos lumagapak ang kamay niya sa panga ko. Lahat ng tao gulat na gulat sa ginawa niya sakin.
" Hey! Hey! Hey! How dare you to do that to my friend? ". Giit ni Razon at itinago na niya ako sa likuran niya. " Hoy! Bakla kung ayaw mong makatikim din ng sampal tumabi ka diyan! ". Banta nito kay Razon pero si Razon ngisian lang ang babae. Pinagtaasan niya ito ng kilay. " Bakit ako tatabi at sino ka para utusan ako? Nanay ba kita kasi mukha ka ng Nanay! ". Dahil sa banat ni Razon nagkaroon ng kaunting tawanan.
" Baka nakakalimutan mo babae ka lang lalaki pa din ako. Kaya kung yang sampal mo ay masakit na asahan mong doble pa ang ibabalik ko sayo sa oras na lumapat ang madumi mong kamay sa mukha ko! ". Balik na pagbabanta ni Razon sa babae.
Hindi nakapagsalita agad yun babae. Sinubukan akong lingunin ni Razon pero tulala lang ako. Pakiramdam ko nawala bigla ang hang over ko ng sampalin ako. Pati ang sakit ng ulo ko nawala din ng kusa. Kasi ang tubig sa mga mata ko nagsisimula ng mangilid. Namumuo na ito dahil ramdam na ramdam ko ang sakit nang panga ko sa sampal na natamo ko.
" Rana! ". Tawag sakin ni Razon bago harapin ulit yun babae. " Ikaw! Kung ayaw mong ibalik ko sayo ang sampal mo sa kaibigan ko. Umalis ka na! Kundi di talaga ako magtitimping pamagain yan mukha mo para mag mukha ka ng kamatis ". Banta pa ulit ni Bakla. Yung babae naman tila kinalabutan din sa sinasabi nitong si Razon. " C-Che! T-tara na nga ". Aya nung babae sa mga kasama niyang nakapanuod lang.
" Haaays kaloka Rana anu bang nangyari? May hindi ka ba sinasabi sakin! ". Tanong agad sakin ni Razon pagkawalk-out palang nung mga maldita. " Oh anu pa tinitingin-tingin niyo diyan tapos na palabas ". Sambit pa ni Bakla sa mga taong nakikichismiss. Sabay-sabay silang umiwas ng tingin sakin.
Ako naman nakayuko na. " Rana! Anu ba kas———— ". Di na natuloy pa ni Razon ang pagtatanong niya ng bumuhos na ang luha ko. Hindi ko na kinaya pang pigilan kaya kumawala na. " R-rana! ". Nag-aalala ng tono ng boses ni Razon. Niyakap ko siya ng mahigpit. Gusto ko lang umiyak ng umiyak. Bakit kasi ganun? Ang unfair! Wala naman akong kasalanan e. Ako nga itong ninakawan ng halik e tapos kasalan ko pa.....
" Ghurl tahan na! Shhhhh! Rana please nakakahagas ka na ha ". Wika ni Razon pero patuloy pa din ako sa pag-iyak..... ang sakit kasi talaga nung sampal e tapos di ko naman deserve iyon......... " Rana! Tahan na please!!!! ". Mas humigpit pa ang pagkakayakap ko sa kaniya. Gusto ko lang ibuhos lahat. Gusto ko lang umiyak muna, gusto kong umiyak para mawala ang sakit......