[Chapter 6]:Shonie Natcher Valtocris

1797 Words
Rana Pov: Napangiti nalang ako. " Thank you Ate h———— ". Diko na natapos pa ang sasabihin ko nung makita ko si Ate naging lalaki at bakit ganito? Nakakapagtaka naman nag-iisa lang siya. Nasaan sila Ate Maica? Si Ate Vale? Ate Pajer! at Ate Fayton!.... Tsaka infairness ah ang gwapong lalaki ni Ate. Ang Hot din niya. Nasabi kong Hot siya kasi yung dibdib niya niluluwa ng suot niyang black long sleeve polo. Hindi siya nakatingin sakin kundi sa mga taong nasa paligid namin at sumasayaw. " Psssst! Sino ka? Nasaan sila Ate! ". Tanong ko sa kaniya. Imposible naman kasing si Ate talaga ito. Di ako lasing anu para pagkamalan tomboy ang kapatid ko. Dahil sa ginawa ko nilingon niya ako. At holy moly why is his eyes so charming. Kulay green ito na kumikinang-kinang dahil sa luha na pinipigilan niyang lumabas. Umiiyak si Pogi? Bakit? Natigilan ako sandali. Nagpalitan lang kami ng tinginan dalawa. Kung idisdescribe ko siya mamamatay ako sa kilig. Kasi sobrang Goddess niya, ang perfect niya from head to toe. Maganda ang pangangatawan niya. Bumagay sa kaniya ang buhok niyang mamasa-masa siguro gawa ng pawis. Mayroon siyang mahahabang pilik mata. Matangos na ilong. Manipis na labi pero sobrang pula. Di naman ganun kadilim dito para di ko mawangis ang kagwapuhan niyang taglay. " Miss wala dito yung hinahanap mo! ". Husky at malamig na tono ng boses niya. Biglang nanindig ang balahibo ko nung marinig ko ang boses niya. " Parang kilala kita! ". Wika ko. Poker face lang siyang di natitinag ang mga tingin sakin. Shems! Nakakatunaw ang mga titig niya. Tila inaakit ka nito. " Oo nga kilala kita! Ikaw yung lalaki o bakla kung anu ka pa man na nag nakaw sa first kiss ko! ". Buwelta ko na matapos kong maalala na siya at si Natcher ay iisa. Hindi siya nagsalita, tinignan niya lang ako na pawa banag sinusuri ako. " Ikaw yun? ". Wala niyang ganang tanong. Tumango naman ako. " Nandito ka ba para tapusin buhay mo sa pag-inum ng alak? ". Ungkat ko. Iniiwas niya ang tingin sakin. " I'm not a fool to do that. His not the only guy in these world! ". Englishero pala ang bakla. So confirm talagang bakla siya at jowa nga niya si Kuya Guy na natapunan ko ng Milktea. " Ah okay! Mabuti alam mo.... shanga pala bakit mo ako hinalikan kanina ha? Alam mo bang puwede kitang kasuhan sa ginawa mo? ". Giit ko. By this time nilingon niya na ulit ako. Sabay ngisi ng bahagya. " Anu naman kaso? ". Natatawa niyang tugon. " Snatcher! Magnanakaw ng halik. Gamblers! ". Atas ko. Napailing naman siya sabay laklak sa alak niya. Iinumin ko din sana ang alak ko kaso nakita ko nakasarado papala. Tinignan ko siya. " Puwede pabukas! ". Utos ko. Di niya ako agad tinulungan pinasadahan niya lang ako ng tingin. Tapos saka niya binuksan yung bote ng beer ko. " Hindi dito ang table mo! Kasama ka nun apat na babae sa dulo diba? ". Nagtatagalog naman pala siya panay ang english niya. Ganun ba talaga kapag sikat na tao. Kung sa bagay siya lang naman ang famous manager ng HOTspot guys at ng iba pang sikat ng models sa HOTspot Entertainment. Siya lang naman si Shonie Natcher Valtocris, the Valtrocirs Clan. Who owns popular hotel na kilala sa buong bansa. The Queen Margarita! Pinasadahan ko ng sulyap yung table namin na katapatan lang pala nitong table niya. Bakit dito ako napadpad. Akala ko talaga nasa table na namin ako. Tinanguan ko ang tanong niya. Sabay laklak ng alak. " Thanks for the drinks! ". Wika ko. Tumango lang siya. Mabait naman pala si Bakla! " Bakla ka ba talaga! ". Napatingin siya sakin ng diretso. Curious lang ako tsaka di ko na rin naipreno pa ang bibig ko. Sumeryoso siya bigla. Ganiyan din itsura niya sa Milktea House nung tawagin ko siyang bakla. Oh nos! Baka halikan nanaman niya ako. " B-biro lang! ". Sabay bawi ko sa sinabi ko. " A-anu salamat sa drinks ha. Balik na ako sa table namin! ". Ani ko. Pero bago pa man ako makaalis ay kinapitan niya na ako sa kamay ko. Jusko! Parang mayroon kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan ng gawin niya yun. Nilingon ko siya dahil sa pag-aawat niya sakin. Titig lang siya sakin. " We're do you think your going? ". Tanong niya. Napalunok ako ng dis oras. Hinila niya ako papaupo. Sa kasamaang palad imbis na paupo ay padapa akong napasubsob sa kaniya. Sa katawan niya ang katawan ko ay nakalapat at ang mukha namin ay nagtama maging ang mga labi namin dalawa. Sa pangalawang pagkakataon nahalikan nanaman niya ako. Sumosobra na siya ah! Nakakarami na siya that's unfair. Bakas sa mga mata niya na di din niya inaasahan ang pangyayari na to samin. Itinuon ko sa matigas na dibdib niya ang kamay ko para makalayo na kaso nagulat ako ng bigla niyang igalaw ang labi niya. Yung kamay niya naramdaman ko ng nakalapat sa likuran ko. Tumatagos sa makapal na tela ng dress ko ang init ng palad niya. Nakapikit na siya ngayon habang hinahalikan ako. Mas idiniin niya pa ako sa sarili niya ganun din ang labi ko. Bakit wala akong ginagawa? Kailangan ko siyang itulak pero bakit ganito. Bakit parang gusto ko din ang mga halik niya sakin. Dala ng sensasyon na hatid niya diko na namalayan tinutugon ko na din pala pabalik ang mga halik niya sakin. Gumagalaw ang kamay niya sa likuran ko na tila ba hinahagod niya ito. " Uhmmm! ". Ungol ko dahil sa umiinit niyang paghalik sakin. Maya-maya pa natagpuan ko nalang ang sarili ko na kinakaladkad na ni Ate papalabas ng bar. Kusa akong pumasok sa loob ng kotse niya. Nakakunot ang noo niya na sumakay din sa sasakyan. Hindi niya muna binuhay ang engine ng kotse. Tahimik lang kaming dalawa. Pero yung utak ko nakay natcher pa din! Nasa mga halikan pa din namin ang utak ko. Alam kong nakainum ako pero alam ko din nasa katinuan pa ako para hindi namalayan nakikipaghalikan na pala ako sa diko man lang boyfriend. Tsaka sa bakla pa. " RANA ANU YUN????? ". galit na tono ng boses ni Ate. " S-Sorry Ate di-diko alam na ginagawa ko na pala———— ". Hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi biglang nagdabog si Ate sa loob ng kotse. Sa takot ko napapikit ako. Lasing na din siya alam ko kaya ganiyan ang reaksyon niya di niya makontrol ang emosyon niya. " Rana, walwalera ako pero never kong ginagawa ang ginawa mo! Di ka ba nahihiya ha? Kilala mo ba kung sino yun kahalikan mo! ". Napatingin ako sa kaniya. Salubong ang kilay niya. Kunot na kunot ang noo niya na nakatingin din sakin. " S-si Natcher Valtocris! ". Sagot ko. " Exactly! Isang Valtocris! Rana crush ko yun hinahalikan mo! ". Literal akong napanganga sa narinig ko. Tama ba ako nang naririnig? Halos mahimasmasan ako sa pagkalasing ko dahil sa kaniya. Kasi daig niya pang si Godzilla kung magalit. Tapos inakala ko kaya niya ako pinapagalitan e dahil sa pakikipaghalikan ko. Seriously! Galit lang pala siya dahil naunahan ko siya sa crush niya na as if naman totoong lalaki. " Hindi ka galit dahil sa ginawa ko galit ka dahil sa crush mo yung taong yun na hinalikan ako? ". Paglilinaw ko at kusang namula ang pisnge ni Ate. " Sandali siya ba yun Boss mo ate? ". Tanong ko na agad niyang tinanguan. " Edi ba engineer ka? ". Tanong ko pa at tumango ulit siya. " Paanong? ". Napasapok nalang ako sa noo ko ng mapagtanto ko na sa Queen Margarita nga pala nagratrabaho si Ate. " Now you know! ". Sambit ni Ate sa mahinahong tono na ng boses niya. " A-Ate s-Sorry! A-anu s-siya naman it———— ". Bumuntong hininga siya sandali. Tapos hinawakan ako sa kamay ko. " Sissy! It's okay! Crush ko lang naman siya e. Tsaka malabo naman talagang mapansin niya ako. Oo alam kong maganda ako pero di ako tanga. Alam kong Bi siya. Sinusubukan ko lang naman I-seduce ang tulad niya nagbabakasakali na magbalik loob si Shonie! ". Sambit pa ni Ate. " Alam mo Ate yung kanina aksidente lang talaga yun. T-Tsaka siya ang unang humalik sakin.... di ko naman———— ". Tinakpan ng hintuturo niya ang bibig ko para matigilan sa pagsasalita. " No need to explain! Di lang siya boylet sa mundo. Pero napansin ko lang! ". Putol niyang litanya. Hinintay ko ang susunod na sasabihin niya. Inalis na niya ang kamay niya sa bibig ko. " Malaki ang paniniwala ko na may epekto ka kay Shonie ". Ha? Anu daw? Di ako nakasagot agad. " I mean. Kung di ko kaya na mapagbalik loob siya bakit hindi ikaw? Sissy! The way na hinalikan ka niya kanina he was too manly! Ngayon ko lang siya nakitang ganun.... iseduce mo kaya siya ". Dahil sa sinabi ni Ate halos mapasigaw ako sa kaniya. " ANUUUU????? ". tumaas ang dalawa niyang kilay. Nginisian niya ako. Samantalang ako gulat na gulat sa mga sinasabi ni Ate. " Ate nahihibang ka ba? Ayaw ko nga. Di ko carry. Tsaka anu naman mapapala ko dun anu ". Basta ayaw ko kahit anung mangyari. Ayaw ko! " Haha asus edi kapag nagbalik loob siya that means nainlove siya sayo. Edi May jowa kana! Ipagpapasalamat mo yan sakin balang araw. Dali na try mo lang ". Sinundot-sundot ni Ate ang tagiliran ko. Kahit nakikiliti ako hindi pa rin ako nagpatinag. " Ayaw ko Ate! Ikaw nalang kung gusto mo ". Wika ko. " E  hindi nga pasado ang ganda ko sa kaniya. Sayo pa Oo. Debale alam ko naman magbabago pa isipan mo ". Sambit niya na puno ng kumpyansa sa sarili. " No hindi! Over my dead body ate. Hindi! ". Giit ko na tinawanan niya nalang. " Di kana lasing? ". Ungkat niya habang binubuhay ang makina ng kotse niya. " Masakit nalang ulo ko! Medyo nahihilo pa din ". Tugon ko. " Mayayari tayo ni Nanay kapag nalaman niyang nilasing kita ". Ika niya. May point siya kaya dapat di kami mahalata ni Nanay mamaya. " Ready ka na magalitan haha? ". Natatawa niyang tanong. Tumawa din ako ng bahagya. " Save mo ako Ate ha! Magaling ka naman sa ganito diba ". Ani ko. Mas lalo siyang natawa. " Ngayon palang masanay ka na haha ". Sambit niya. Buong byahe nag-usap lang kami tungkol sa highschool life niya kung paano siya ginagalitan ni Nanay at Tatay kapag nalelate ng uwi. Kaya imbis na kabahan ako e naging kampanti lang ang pakiramdam ko. That's why love na love ko talaga si Ate napapagaan niya ang mabibigat na sitwasyon para sakin.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD