[Chapter 5]:Beer

2267 Words
Rana Pov: " Ate ibaba mo na ako please! Ayaw ko talaga sumama. Kung gusto mo ikaw nalang! Ayaw ko sa lugar na katulad nun ". Pagsusumamo ko. Inuuga-uga ko siya sa braso niya habang nagdadrive siya para magmakaawa na ibalik ako sa bahay. " Magtigil ka nga Rana! Para bar lang ang pagdadalhan ko sayo. Ikamamatay mo ba ang punta dun? ". Sinasabi niya yan di ako nililingon. Nakafocus lang siya sa pagmamaneho niya. Samantalang ako tutok sa pagmumukha niya at tila nagpapaawa na ng sobra para lang pumayag siyang iuwi na ako. " Ate!!!!! Iuwi mo na ako please! ". Pamimilit ko pa sa kaniya baka sakaling pakinggan na niya ako at maawa na siya sakin. Pero umiling siya ng tatlong beses na magkakasunod. " No Rana! You'll come with me and join the happiness! ". Kumunot lalo ang noo ko sa sinabi niya. Imbis na suyuin siya at pilitin pa ay itinigil ko na. Useless din naman kasi. Sa tono ng pananalita niya wala talaga siyang planong pakinggan ako. " Happiness? Anung matatamo kong happiness sa bar. Magulo dun, madaming tao. Higit sa lahat puro mga alcoholic ang mga pumupunta dun. Ate di ako bagay sa ganun lugar! ". Naiinis ko ng ani sa kaniya. Pero imbis ma maawa sakin ay narinig ko pang pinagtawanan niya ako. Mahina lang naman. Tinignan ko siya saglit sabay iwas ulit. Patuloy lang siya sa pagdadrive. " Precisely Rana! Kaya ka nagiging manang e. Parati kang nasa loob lang ng bahay. Nakakulong kaharap niyang cellphone, ng tv, ng laptop, at ng libro..... Rana! Hindi puro stress sa buhay ang makakaharap mo kailangan din ng enjoyment! And this night I will make sure na lalabas yan ibang pagkatao mo ". Litanya niya na puno ng potensyal. " Ewan ko lang ate! Basta di pa din ako sang-ayon ". Giit ko at nakabusangot na di siya kinakausap. Ayaw ko ng makipagtalo pa o pilitin pa si Ate. Dahil at the end of this freaking talks siya pa din naman ang mananalo. At tama nga ako, nandito na kami sa labas ng bar. Hinihigit niya ako palabas sa kotse niya pero di ako pumapayag. " Rana tara na sa loob!!! ". Utas niya pa sakin. Nagsisimula na siyang mainis kasi di talaga ako nagpaptinag. " Ikaw nalang kasi Ate dito nalang ako sa loob ng kotse ". Saad ko. Itinigil niya ang paghigit sakin ng makaramdam siya ng pagod. " Gusto mo mag stay dito sa labas! Sigurado ka sige bahala ka. Di na ako magtataka na kapag labas ko, hubot hubad na yang katawan mo. Gutay-gutay ang damit dahil napagnasaan ng mga lasenggero o adik sa tabi-tabi..... ". Tumaas ang dalawa kong kilay sa sinasabi niya. Kusang nanindig ang mga balahibo ko sa kilabot. Napalunok rin ako ng may hagod. " T-tinatakot mo lang ako Ate e! ". Dipensa ko pa. Ngumisi siya. " Rana sino ba satin dalawa ang expose sa ganitong lugar? Syempre alam ko na ang takbo ng mga utak ng tao dito ". Saad niya pagkatapos nagsimula nang maglakad papalayo sakin. Shems! Really. Iiwan nga niya talaga ako dito. Umooooo di puwede. Paano nga kung marape ako dito. Ayaw ko mangyari yun sakin. Nanakawan na nga ako ng halik. Puri pa ba. No! No! No! " Ateee! Sandali! Hintayin mo ako!!! ". Sigaw ko kay Ate pero di niya ako nililingon. Lumabas na ako ng kotse niya. Itinaklab ang pinto nito at hinabol ang kapatid kong papasok na sa loob ng nakakatakot na lugar na ito. Mas gugustuhin ko pa atang sa horror booth pumasok kesa sa ganitong klasing lugar. Nang maabutan ko siya tinignan niya ako. " Akala ko ba dun kalang sa kotse? ". Tanong niya. " Eh kasi nauuhaw ako! Baka may tubig sa loob ". Anu daw? Ang boplaks naman ng palusot ko. Mukha naman tumalab kay Ate kasi di na siya nagsalita. Iniiwas na niya ang atensyon niya sakin. Hinarap ang mga bouncer tapos pinapasok na nila kami. " Rana, kumapit kalang sa kamay ko! ". Utos niya na agad kong ginawa. Honestly mas nakakatakot pa dito kesa sa horror booth. Mukhang mga wild ang lahat ng tao na nandidito. Mayroon kaming nadadanan naghahalikan, magka alipumpungan o di kaya mga naglalandian. Grabe! Ang PDA nila kahit saan nalang. Lalo na nung makarating na kami sa mismong loob kung saan mayroon sayawan. Tumutugtog ng party dance music ang Dj dahilan upang sumabay sa beat ang lahat ng taong nandidito. Nagkakagulo sila, pero halata mong tuwang-tuwa. Ganito pala ang itsura sa loob ng bar. Tama ako sa mga predictions ko na magulo, maingay, pero diko akalain mga wild talaga ang mga taong nandidito. " Come on, nandun sila! ". Sambit ni Ate. Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Mula sa kinatatayuan namin natanaw ko sa di kalayuan ang mga kaibigan ni Ate. Hinigit nanaman ako ng kapatid ko papalapit na sa table ng mga friends niya. " Uuuuyyy Ashiel! Hey sup Rana! ". Bati sakin ni Ate Pajer. Ngiti lang ang naitugon ko sa kanila. Close naman ako sa mga kaibigan ni Ate pero talagang madalas tinatamaan ako ng hiya. " Mabuti naman at napapayag po si Rana? And Rana nauto ka ng Ate mo? ". Sambit naman ni Ate Vale. Nagkatinginan kami ni Ate. Kung ako poker face lang siya todong ngisi. Kung alam lang nila kung gaano kasama si Ate mapasama lang ako dito. Pinili ko nalang manahimik kasi halos magsigawan na sila o bulungan sa pag-uusap dahil sa ingat dito sa loob. Umupo na kami sa round table na pinareserve nila Ate. " Rana! Are you okay? ". Kuwestiyon ni Ate Maica. Umawang ang bibig ko na ikinatawa niya. Di ko kasi narinig yun sinasabi niya. Sinenyasan niya akong ilapit ko sa kaniya ang tenga ko. Inihilig ko nga ang ulo ko papalapit sa kaniya. " I'm asking you if you are fine? Baka may gusto ka? Drinks o snacks. Anything just tells us ". Bulong nito sakin. Hinarap ko na siya ng maayos. Umiling naman ako. " Okay na ako Ate Maica! ". Tumango naman siya agad. " Girlssss here's are drinks!!! ". Excited na lumapit samin si Ate Fayton. " Yessssss!!!! ". Mga reaksyon nila Ate. Naupo si Ate Fayton katapatan ko. Binuksan niya ang  lahat ng bote ng beer. As in beer. Grabe kailan pa si Ate nasanay uminom nito. Kung sabagay walwalera siya since highschool. Di na ako magtataka. " Distribute mo na girl! ". Ika ni Ate Pajer. Isa-isang inabot ni Ate Fayton samin ang mga bote. Gulat nga ako kasi pati pala ako kasali. Pero di ko naman iinumin yan. Nilingon ko si Ate na nakatingin sakin. Sinenyasan niya akong huwag kong iinumin yun alak. Tumango naman ako. Kahit naman walwalera yan si Ate di niya ako hinahayaan matutunan lahat ng ginagawa niya. " Let's cheers girls!!!!!  ". Itinaas namin ang mga bote at pinagumpugan ito sa isang direksyon. Isa-isa silang tumagay maliban sakin. " Oh Rana bakit di mo iniinum yang sayo? ". Pagbibigay pansin ni Ate Fayton sa alak ko. Di naman ako agad nakasagot. " Rana, nandito ka para mag enjoy. Kaya girl inumin mo na iyan. Wala naman masama kung itatry mo!!! Diba Ashiel? Okay lang naman diba! ". Pagpapasa ng tanong ni Ate Fayton kay Ate. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ate. Tahimik lang siya pero maya-maya pa tinanguan niya si Ate Fayton. Seriously? Binabawi ko na pala sinabi ko kanina. Pinapagawa pala ni Ate sakin lahat ng ginagawa niya. Lahat sila ngayon sakin nakatingin. Napalunok ako habang hinahawakan ang bote ng beer. Nanginginig pa ang kamay ko dahil sa kaba. First time kong gagawin ito ang uminum ng alak. Ang sabi nila masama daw lasa. Pero kapag sanay ka na di mo na lasa ang pait. " Go Rana! ". Cheer pa nila sakin. Pinasadahan ko ulit ng tingin si Ate baka sakali magbago isipan niya at pigilan niya ako na tunggain ang bote ng alak. Kaso talagang nakatingin lang siya sakin. No choice na ako kundi gawin ang utas nila sakin. Tinungga ko ang isang bote ng beer na hawak ko. Halos maiduwal ko din ito pero pinigilan ko lang at tuluyan nilunok ang mainit na gumuguhit ngayon sa lalamunan ko. Halos makalahati ko kaagad sa isang inuman yung beer. Gusto kong masukha sa pait ng last nito pero ayaw ko naman magkalat dito anu. Kung aalis naman ako diko alam ang pasikot-sikot dito sa loob ng bar. " Woooooh! That's our girl!! ". Tuwang-tuwa pa talaga si Ate Pajer dahil sa ginawa ko. Nilingon ko si Ate at gulat na gulat ang reaksyon niya. Di mo mawari kung maiinis ba siya o matutuwa. " One more! One more! ". Cheer nanaman nila. " Hindi na tama na! ". Awat na din ni Ate. " Anu ka ba naman Ashiel kapatid mo si Rana kaya kasing tatag mo din siya sa inuman ". Giit ni Ate Fayton. Actually sila lang talaga dalawa ni Ate Pajer at Ate Fayton ang sulsol nang sulsol. Samantalang yun tatlo nila Ate Ashiel, Ate Vale, at Ate Maica mga hagas na ang itsura para sakin. " Hindi Fayton tama na! Baka malasing si Rana. Di puwedeng umuwi yan ng lasing ". Giit ni Ate. Inagaw niya mula sakin ang bote pero diko alam kung bakit ko binawi ang beer pabalik. Gulat akong tinignan ni Ate bakas iyon sa ekspresyon ng mukha niya. Ipinagsawalang bahala ko siya at di pinansin. Itinuon ko ang atensyon ko kina Ate Pajer at Ate Fayton. Maging sila ay nagulat sa ginagawa ko. " Rana stop. That's enough!!! ". Kinig ko pang suway ni Ate. Imbis na pakinggan siya ay sinimulan ko nang laklakin ang natitirang kalahating bote nun alak ko. Nilaklak ko ito ng nilaklak hanggang sa maubos. " NAGAWA KO!!! ". Malakas kong sambit sa kanila habang nakangisi. " Lasing na ba siya? ". Ungkat ni Ate Pajer.  Tumayo ako sa pagkakaupo ko. " Di pa ako lasing! ". Singhal ko sa kanila pero pakiramdam ko dinuduyan ako at parang umiikot na ang buong paligid ko. Sandali! Lasing na nga ba ako? Kilala ko pa naman sila. Alam ko pa nga kung nasaan kami. Niloloko nila ako. Ako? malalasing e kasing tatag ako ni Ate sa inuman. Tumabi si Ate Maica upang makadaan si Ate Ashiel papalapit sakin. " Rana! Lasing ka na maupo ka na muna! ". Mahinahon ang tono ng boses niya pero alam kong nagpipigil lang siya na sermonan ako. Kita ko yun sa mga mata niyang katitigan ko ngayon. Hinawakan niya ako sa braso para alalayan. Para kasing sumisirko ang katawan ko. Pakiramdam ko matutumba ako anytime. Nginisian ko siya. " Okay Ate! Uupo ako ". Nakangiti kong sambit sa kaniya. Inalalayan niya ako sa pag-upo. Lahat sila nasakin ang atensyon. " Haaayst kayo kasi! Sinabi ko naman sa inyo na tama na diba! ". Yumuko sa hiya sila Ate Pajer at Ate Fayton. Sinesermonan sila ni Ate ngayon. Hindi naman nila kasalanan e. Actually oo kasalanan nga nila. Pinilit nila ako! Malay ko bang malakas pala ang tama ng beer? Isang bote palang ang naiinum ko nahihilo na agad ako. Pero di pa ako lasing ah. " Ate huwag mo silang g-galitan! Di pa naman ako lasing e!!! ". Giit ko. Pero habang kausap ko si Ate nagigi siyang dalawa sa paningin ko. Kailan pa siya nagkaroon ng kakambal? Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kaniya. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Nagkakasayahan ang mga tao sa gitna, sa dance floor. Napangiti ako sa wildness nila. Kembot dito, kembot dun! Parang gusto kong itry na sumayaw. Hinarap ko sila Ate, busy na ulit sila sa pag-uusap. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. " Oh Rana saan ka pupunta? ". Tanong ni Ate Maica. " C.R lang ako! ". Walang gana kong sagot. Pakiramdam ko kasi nasusuka ako. Gusto ko muna ilabas lahat ng ininum ko. " Sasamahan kita! ". Suhestiyon pa nito pero inilingan ko lang siya. " Okay lang ako Ate kaya kona ". Ani ko. Di na nila ako pinigilan pa. Sinimulan kong lumakad ng matuwid pero palagi akong sumisirko pabagsak. Kaya para safe akong makarating sa banyo. Kumakapit ako sa bawat table na madaanan ko. Pagkarating ko sa banyo sumalpak agad ako sa loob ng cubicle dun inilabas ko lahat ng laman ng pantog ko. Hinintay ko din masuka ako after kong muwiwi pero wala akong nararamdaman na isusuka. Tila umurong ito bigla. " Miss matagal ka pa diyan! ". Kinig kong sambit ng isang boses babae. " Estorbo naman neto kitam nagamit pa tao e! ". Bulong ko sa hangin. Inayos ko na ang sarili saka lumabas ng cubicle. Nakataas kilay akong sinalubong nun pangit na babae. Kung pangit ako mas pangit siya. Inirapan ko lang siya, pasalamat siya nanghihina ako kundi ingungudngod ko siya diyan sa bowl. Umalis na ako ng cr. Katulad kanina hinahagilap ko ang puwede kong mahawakan para maalalayan ako sa paglakad ko. Hinanap muna ng mga mata ko ang table namin at nung makita ko na ito napangiti ako saka sinimulan lakarin ang direksyon nila Ate. " Sorry natagalan ako! ". Paghingi ko sa kanila ng dispensa. Tamad akong bumagsak sa couch nitong round table. Ipinikit ko sandali ang mga mata ko at agad din itong iminulat. " Gusto ko pa ng alak! ". Wika ko. Sa pag-aakala kong di na nila ako bibigyan ay mayroon bote ng beer ang umultaw sa harapan ko. Napangiti nalang ako. " Thank you Ate h———— ". Diko na natapos pa ang sasabihin ko nung makita ko si Ate naging lalaki at bakit ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD