Rana Pov:
After mag walk out ni Shonie ay umalis na din yung mag jowa. Isang milagro nga dahil di na nila ako pinagbayad pa o kaya naman ay inaway pa lalo. Kasi nga nagsimula na silang mag-away. Umalis sila dito sa Milktea House ng nagtatalo. Napatunayan ko kasi kay Ate ghurl na tama ang mga sinabi ko about sa boyfriend niya. Manloloko ang boyfriend niya bukod dun babaero pa.
Grabe! Jowa pa si Shonie pero nagawa na niya agad maghanap ng iba. At pinatulan ni Shonie ang ganun klasing lalaki. Itsura palang di nakatiwa-tiwala. Obvious na obvious na sasaktan lang siya nun. Tama lang na nakipagbreak na siya talaga ng tuluyan sa lalaki na yun. Kasi Gagu yun para lokohin siya.
" Huy! Sissy tulala ka? Anu ba kasing nangyari sa Milktea House? ". Interview nanaman sakin ni Ate. Chismosa din kasi itong kapatid ko na to e. " Wala nga Ate! ". Giit ko. Kanina niya pa ako kinukulit na magkuwento sa kung anu ba nangyari sakin kanina sa Milktea House. Ready naman sana ako magkuwento sa kaniya kaya lang kapag sisimulan ko na palagi akong naiinterupt sa..... paghalik na yun sakin ng Bakla.
Kanina pa ako ginugulo ng pangyayaring yun. Bakit ba kasi ako hinalikan ni Shonie? Para pagselosin jowa niya. Grabe sana sinabi niya nalang sakin para ako na mismo sasapak sa jowa niya. Imagine? Ninakawan ako ng halik ng isang Shonie Natcher Valtocris? That natcher! Snatcher talaga siya.
Aisssh! Hinigop ko nalang yung Float na nilibre sakin ni Ate. Nakakabaliw kung iisipin ko pa ang tungkol dun. Umalis na din kasi ako sa Milktea House matapos ang mga kaganapan. Anu pa ang mukhang ihaharap para mag stay sa lugar nayun. Sobrang memorable na ang nangyari at baka mapabilang pa ito sa world of history ng Milktea House. " Haaays anu pat malalaman ko din ang nangyari sa Milktea House! ". Ani ni Ate. Diko na pinansin ang sinabi niya. Ipinagpatuloy ko lang ang paginum ko sa Float.
Nandito kami ngayon sa McDonald's. Nag mall nalang kaming dalawa atleast dito malilibang pa ako para mas madali kong makalimutan ang pagnanakaw ng halik sakin nung baklang yun. First kiss ko kaya kinuha niya. Waaaah! Can't imagine. Nakalaan dapat yun sa mapapang-asawa ko pero ninakaw niya lang basta! Wala man lang pasabi. His unfair di ako prepared hehe sarreh.
" Anu nga pala Ate yung sasabihin mo? Bakit gusto mong mag meet up tayo? Puwede naman sa bahay nalang natin pag-usapan ". Tanong ko, pag-iiba na din sa topic. Gusto ko na kasi talaga makalimutan ang mga nangyari sakin sa maghapon na ito. Iisipin ko nalang na panaginip ang lahat. At hindi ito nangyari talaga.
" Ah Oo nga pala! Inaya kita kasi to have some bonding na rin tsaka. May lakad tayo mamaya! ". Anu daw? Lakad saan naman? " Anung klasing lakad? ". Ngumisi lang siya sakin ng kahina-hinala. Ang mga ganitong mga ngiti di sapat pagkatiwalaan. Di ako kampanti sa ngiti sakin ni Ate. Pakiramdam ko hindi ko nanaman magugustuhan ang mangyayari.
" Ipinagpaalam na kita kila Nanay at Tatay. Pumayag sila kaya pagkauwi natin magbihis ka na agad. Okay? Okay..... ". Sabay kain niya sa fries na inorder niya. Nag tagal pa kami sa pagtambay sa mall. Pampalipas oras din pagkatapos nun nagpasiya na kaming umuwi sa bahay. Wala sila Nanay at Tatay kasi nasa trabaho pa nila sila ngayon.
Mamaya pang mga 11:00 ang uwi nila kaya panigurado tulog na kami nun ni Ate. Kaso sabi niya may lakad daw kami.... anu nanaman kayang trip nato ng kapatid ko. Bahala na, minsan lang naman mag-aya si Ate sulitin ko na din tsaka ngayon nalang kasi ulit kami makakapag bonding ng ganito. Dahil pareho nga kaming busy.
" Rana anu ba naman suot iyan! Ang manang mo pumorma! Please lang ang baduy! ". Pagbibigay pansin ni Ate sa napili kong porma. Naka leggings kasi ako tapos dress na halos maging bisitda na. " Magpalit ka nga! Ako pipili ng damit mo! ". Inis niyang utos sakin. Napangiwi naman ako, bakit pa issue sa kanila ang porma. Para siyang si Razon. Ang arte! arte! pagdating sa pananamit. Kasalanan ko bang di ako mahilig pumorma tulad nila.
Kontento na kasi ako sa simple lang. Tsaka madalang din naman ako gumala dipende nalang kung aayain ako ni Razon kaso nga simula nun magkajowa siya ayun naging matumal na ang pagaaya niya sakin kasi may kasama na siyang iba. Kaya palagi na din akong natetennga dito lang sa bahay.
" Ito ang isuot mo! Ang dami-dami mong dress na magaganda pero dimo sinusuot! ". Seriously sinesermonan niya ako dahil lang sa di ko angkop na pananamit. E sa di naman kasi talaga ako mahilig pumorma. " Tsaka puwede pa Rana, ayusin mo na yang style mo. Stop being so manang! Ang ganda mo! tinatago mo pa. Nagigi kang babae kapag nakauniform pero kapag casual na suot mo jusko! Dinaig mo pa si Lola e ". Ani niya.
Napabuntong hininga nalang ako. Sabay roll eyes ng di niya nakikita kasi nakatalikod siya sakin. Kesa sa umangal pa ako sa kaniya ay isunuot ko nalang ang dress na color blue na binigay niya sakin. Baby blue ito. Favorite color ko.
Pumasok ako sa loob ng banyo para dito magpalit. Hinarap ko ang sarili ko sa salamin. " Nag-aayos naman ako e di lang talaga ako magaling sa pormahan ". Pakikipag-usap ko sa repleksyon ko sa salamin.
Huminga ako ng malalim. Saka kinuha ang tooth brush ko. Magsisipilyo na din ako tutal nandito naman na ako. Habang nagtotoothbrush nakatingin lang ako ng mabuti sa salamin. Pinagmamasdan ang repleksyon ko dito. Binuhay ko ang gripo para hilamusin ang bula sa labi ko.
Natigilan ako sa ginagawa ko ng aksidente na mapatingin ako sa labi ko. Dahil dun muli ko nanaman naalala ang kanina lang na nangyari sakin. Kinagat ko ang labi ko saka inalog ang ulo. " Rana! Erase na yun wala na! Erase na sa memories mo Rana! Wala na yun! Tama wala na ". Pakikipag-usap ko ulit sa sarili ko.
Iniwasan ko ng makita ang repleksyon ko sa salamin. Sinimulan ko ng magbihis pero talagang makulit ang isipan ko. Pilit na pumapasok sa ala-ala ko ang mga halik ni Shonie I mean ni Natcher. Natcher na Tawag ko sa kaniya simula ngayon. Tutal para naman siyang snatcher na nagnanakaw ng halik. Unang halik ko na nakalaan lang para sa love of my life na hinahanap ko pa. Kaso kapag minamalas, nanakaw pa ng bakla. Tsssss.
May hagod sa paglunok ko na tila ba mayroon nakabara sa lalamunan ko sa hirap nitong lunukin. " Bakit ganun, ramdam ko pa din yun paglapat ng labi niya sa labi ko? Tssss ". Eeeeeh! Anu ba naman Rana stop thinking about him, about that stupid kiss. Wala lang yun, panaginip lang ang lahat.
" Rana! Let's go na! Malelate tayo!!!! ". Sigaw ni Ate sa labas ng banyo because of that natauhan ako. Nagmadali na akong magbihis. Masamang ginagalit ang bulkang Ashiel, baga biglang sumabog, magwala pa yan dito sa loob ng kuwarto ko haha.
Pagkalabas ko ng banyo, bihis na bihis na nga si Ate. " Ang bilis naman niya mag bihis! ". Humahangang bulong ko sa hangin. Kung sabagay sanay na siya sa galaaan. Sanay na ang katawan niya at isipan sa mabilis na pagkilos.
Ako kasi hindi. Huwag na kayong magtanong. Dahil alam niyo na ang sagot. Parati akong team bahay. Tambay lang palagi sa bahay. Tamad gumala at lumabas. Kaya eto ang resulta napaka kupad. Binibining Mahinhin but marikit chour haha.
" Let's go naghihintay na sila satin sa bar! ". Wika ni Ate habang nagmamadaling hinihigit ako paibaba sa sala. " A-anung sabi mo te? Sa bar? Dun ang lakad natin!!! ". Sigaw ko sabay hinto sa paglakad para mapahinto din siya. Nilingon niya naman ako. Humalukipkip siya at itinaas ang isang kilay.
" Oo dun bakit me angal ka? ". Mabait pero medyo bitchy na tanong niya. Attitude lang!
" Eeeh Ate di ako napunta sa ganun lugar. Ayaw ko na sumama dito lang ako! Tutal nandito lang naman talag ako palagi sa bahay e ". Magwowalk-out na sana ako papakyat pabalik sa kuwarto ko.
Buo ang desisyon ko na di na ako sasama kay Ate papunta sa bar. Bukod sa ayaw ko sa lugar na yun di kasi talaga ako sanay at first time kong makakapasok sa isang bar kung magkataon. Si Ate kasi gemekera, kaya madalas noon highschool siya na magalitan nila Nanay at Tatay. At ako kabaliktaran ako ni Ate. Takot sa outside world at bukod dun palaging mukmok lang sa bahay at kuwarto ko.
Hindi ko naituloy ang oagwowalk-out ko ng mahawakan na ako ni Ate ulit sa kamay ko. " Weather your like it or not Ashrana! Sasama ka sakin ". May awturidad na wika niya at kinaladkad nga ako papalabas ng bahay. Nagtagumpay siyang isakay ako sa kotse niya at nilagyan ako ng sitbelt, tatakas pa sana ulit ako pero mabilis niyang nilock ang mga pintuan ng kotse. Grabe! So rude sakin ni Ate!