[Chapter 3]:Meet Mr. Kisser

2536 Words
Rana Pov: " Oh paano Ghurl una ako sayo ah! You know hinihintay na ako ni Hash baby! (Wink) ". Bumeso muna siya sakin bago tuluyang umalis papatakbo sa kabilang kalye. Direksyon ito papunta sa school na pinapasukan ni Hash. Ako naman sinisimulan na rin maglakad. Kasalungat ng direksyon ni Razon. Nag text na ulit sakin si Ate at ang sabi niya magkita nalang kami sa Milktea House medyo malelate lang daw siya ng five minutes. Medyo strict kasi boss nun sa trabaho na pinapasukan niya. Engineer si Ate, Civil at nag tatrabaho siya sa isang kumpanya. " Order ma'am? ". Tanong nun magandang babae na nasa harapan ko. Ang ganda niya sino kaya siya. Palihim kong binasa pangalan niya na nakalagay sa left chest ng damit na suot niya. " Cleese? " napalakas siguro pagkakabasa ko kasi bahagya siyang napatawa. Kusa nalang napaawang ang bibig ko ng ngumiti siya. Shems! Babae ako ah! Hindi Lesbian. Pero ngayon lang talaga ako sobrang nagandahan sa isang babae na hindi artista. Mas lalo niyang naemphasized ang true beauty niya nun ngumiti siya paano pa kaya kung tumawa siya. " Order ma'am? ". Nakangiti niya pa din tanong sakin. Bumalik ako sa sarili ko nung iwave niya sa harapan ng mukha ko ang kamay niya. " A-ay! Hehe sorry ate... o-opo. Cappuccino flavor po isa lang! more adds of pearls po please! ". Sambit ko saka iniabot ang bayad. " Okay ma'am can I get your name? ". Tumango naman ako. Inabot niya sakin ang piraso ng papel at isang ballpen. Dito isinulat ko ang Nickname ko. Which is " Rana " na tawag sakin ni Razon. Iyan naman talaga usually tawag sakin ng lahat. " Here! ". Wika ko nang ibalik ko na pabalik sa kaniya ang pen at sticky note. " Okay thank you ma'am. I will call you when your order is ready ". Tumango ulit ako pero bago ako umalis ay nakita ko nanaman ang mga ngiti ni Ate ganda. Grabe! Talaga palang mayroon effortless ang kagandahan anu. Totoo palang nageexist ang mga kagaya niya. Kahit wala siyang gawin at simpleng gestures lang lumalabas na kagandahan nila, lalo na ni Ate Milktea. Naupo ako malapit sa bubog na pader. Malayo ito sa madaming tao which is maganda. Wala lang ayaw ko muna makasalamuha ng iba haha. Attitude ako e haha joke lang. basta! Trip ko lang. gusto ko kasi makapag-isip-isip tutal malapit na ang simula ng finale exam namin at kasama na dun ang thesis. Kailangan ko makapag-isip ng magandang title na issuggest sa mga group-mates ko. Sinulyapan ko ang phone ko na nakalagay sa loob ng bag. Kinuha ko siya saka binuhay. Chineck ko kung nagtext na si Ate at di naman ako nabigo. Ate kong maganda daw: Sissy! Order ka na muna diyan ah. I'll be there after lang tumalak nitong Boss namin. Kita kits later see you love you! Bahagya akong napatawa sa nabasa ko. Ganiyan si Ate sa Boss niya sobrang mean pero kapag sa personal haha naku daig pa niyang tuta takot lang niya mawalan ng trabaho diba haha. Tsaka crush niya ang Boss niya kaya paano niya aawayin sa personal. Bawas ganda points din kapag inaway niya si Crushable Boss! Gwapo naman kasi talaga masungit nga lang. Pero sabi naman ni Ate mabait at sweet ang Boss niya. Siguro nga dahil siya naman madalas nakakasalmuha nun kaya baka napapansin niya. Very observant din kasi itong si Ate. Stalker na din kamo. Palagi minamatiyagan ang Boss niya na akala mo siya itong jowa haha. Takot na takot lang maagawan haha. Diko na nareplyan si Ate kasi naubusan na ako ng load. Mamaya nga pagdating niya kokotongan ko ng pang one week na load haha. " Ms. Rana! Cappuccino for Ms. Rana! ". Agad na umigting ang mga tenga ko pagkarinig na pagkarinig ko palang sa boses ni Ate Cleese s***h Ate Milktea na maganda. Tumayo na ako sa kinauupuan ko ng magkasalubong na ang mga mata namin. Ayan nanaman nakangiti nanaman siya. Lumalabas talaga ang kagandahan niya lalo kapag nangiti siya. Puwede ba Ate huwag ka ngumiti ang ganda mo na kasi lalo ka pang gumaganda haha! Sana all nalang talaga. Kung ganiyan siguro ako kaganda dami ko na naging boyfriend haha joke syempre wala pa din pero baka hindi nursing tinahak kong kurso. Baka tuluyan na akong pumasok sa mundo ng industrial arts. Kaso di naman ako ganiyan kaganda kaya huwag nalang. Naglakad na ako papalapit sa counter kung saan naghihintay si Ate Milktea. Sa sobrang pagka mesmerize ko sa kaniya ay nasa kaniya nga lang talaga ang atensyon ko habang naglalakad. Hanggang sa diko na namalayan na mayroon palang dadaan sa harapan ko habang hawak-hawak yung dalawang tea na binili niya. Dahil nga mabilis ang pangyayari. Sumabog sa kaniya lahat ng laman nung tea na dala niya. Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa nangyari. " Sh*t! ". Kinig kong mura niya. Aba dirty mouth isang to ah! Pero di ko naman masisise, kasalanan ko naman talaga kasi ako itong di tumitingin sa dinadaanan namin. E Bakit kasi di nakalagay sa plastic bottle ang tea na binili niya? " N-naku! Sorry K-kuya diko sinasadya.... ". Paghingi ko ng paumanhin. " Ma'am, Sir okay lang po ba kayo?  Here's some tissue! ". Nilingon ko kung sino yun sumulpot pang isa at si Ate Cleese ito. Nakalahad sakin yung tissue at sinenyasan niya akong ibigay yun dito sa lalaki na nasa harapan ko. Nakayuko pa din ito kasi nga tinitignan niya ang baby blue color ng polo niya na natapunan ng napakaraming milktea. " K-kuya pa-papalitan mo nalang yung tea mo! Sorry talaga sorry! Diko sinasadya ". Nagta tantrums na ako sa kaba. Mula sa pagkakayuko ay tumunghay ang gwapong nilalang. Ang lalim ng mga dimples niya sa tigkabilang pisnge, tapos yun labi niya ang nipis at nagpipink pa. Kaso di bagay sa kaniya kapag salubong ang kilay. " S-sorry talaga! ". Wika ko, namamawis na ang mga kamay ko sa sobrang kaba. Baka mamaya mag eskandalo itong si Kuya ma-viral pa kami sa YT edi sumikat pa ako ng dis oras. " Babe! What happen? ". Sabay kaming napalingon sa bago nanaman dumating. Anu ba naman buhay ito mayroon nanaman sisingit. Oo maganda siya pero di gaano. Wala siyang panama kay Ate Milktea. Tsaka basi palang sa napagkakapal-kapal na make-up niya di ko na huhulaan maarte ang babae na ito. "  Ito kasing babae di tumitingin sa dinadaanan niya kaya ayan ang dumi-dumi ko na tuloy! Nataktak pa lahat ng binili kong Milktea para sana satin! ". Sumbat ni Kuya sakin. Tinignan ako nun babae sa pamamagitan ng matatalim niyang tingin. Hinead to toe niya pa ako. Akala mo ang ganda niya ah! Mukha naman siyang hipon. Nakataas din ang isang kilay niya para mabakas ko na galit na din siya sakin. Kapag galit ang isa galit na din siya. Anu pa nga ba. Boyfriend niya itong nagawan ko ng kasalanan kaya panigurado dito ang kampi niya. " H-hindi ko naman sinasadya e tsaka ha-handa ko naman bayaran yung milktea niyo. Kung gusto niyo iorder ko pa kayo ng bago. Kaso di ko mapapalitan yung damit niya! ". Pagpapaliwanag ko. " Uhmm totoo miss di naman sinasadya nitong si Ms. Rana ang nangyari sa boyfriend mo! ". Napatingin ako kay Ate Milktea ng dipensahan niya ako. Bukod na sa maganda siya ang bait niya pa. Sandali lang din kasi ibinaling ko ulit agad pabalik ang atensyon ko sa dalawang mag jowa na matatalim ang binibitawan tingin sakin. " Ah so kasalanan pa nun boyfriend ko? Tama lang na bayaran mo! Dahil kung di ka tatanga-tanga di mo siya mababangga! ". Napatikhim ako sa sinabing litanya ni Ate ghurl. Oo aminado kong kasalanan ko pero di lang naman ako. Pati iyang boyfriend niya. Obvious naman nakatingin din ito kanina kay Ms. Milktea kaya di rin niya ako napansin na paparating. Ang sabihin niya babaero yan shota niya. Kung makasisise sila. And excuse me hindi ako tanga na tulad niya. Nakikisali ng di alam ang nangyari talaga. " Miss. di mo naman ako kailangan tangahin e.  Alam ko ang mali ko. Iyan din naman boyfriend may kasalanan ah di lang ako. Obvious kayang type niya itong si Ms. Milktea kaya humahaba ang leeg at di din ako nakita! In fact dapat nga wala akong bayaran e tama lang nangyari diyan sa boyfriend mo! Karma tawag diyan! ". Buwelta ko. Bwiset! Sinisira nila araw ko e. Akala nila di ko sila lalabanan. " Abat! Ang lakas ng loob mo na siraan ako sa girlfriend ko? Sino ka ba ha! Bukod sa pangit kana sinungaling ka din! ". Tapon nanaman sakin ng masasakit na salita. Grabe na sila ah! Dahil sa Milktea inaaway nila ako. Ipainum ko kaya sa kanila lahat ng Milktea na nandito tignan lang natin kung maubos nila yun sa loob ng maghapon. " Hindi ako sinungaling! Totoo ang sinasabi ko. Babaero ka! Type mo si Ms. Milktea at niloloko mo girlfriend mo! Di ka seryoso sa kaniya. Di ka stick to one! Di ka faithful. Manloloko ka! Oo manloloko ka! ". Sigaw ko sa kaniya. " YOU b***h!!!!!!! ". gwapo na sana kaso masama naman ang ugali. Napapikit ako bigla ng iporma niya ang isang braso niya sa pagsampal sakin. Umooooo di ako ready dito lalo na yun mukha ko. Pangit na nga! Papangitin niya pa! " Waaaag G I don't deserve these! Please do some miracle! ". Bulong ko sa isipan ko. Hinintay ko nalang na lumapat sa pisnge ko ang makapal niyang palad at mabigat niyang kamay. Handa ako itake ang risk kung ito na talaga ang katapusan ng pagmumukha ko. Pero sa kakaabang ko nangawit ako. Ni isang lagatok ng panga wala akong narinig. Miske masakit na pisnge ko wala din akong maramdaman. Iminulat ko ang mga mata ko ng dahan-dahan. Laking gulat ko ng mayroon lalaki ang siyang nakatayo ngayon sa harapan ko pero nakatalikod siya sakin kaya di ko mawangis ang itsura niya. Sinangga niya ang kamay nung isa pang lalaki. Gulat na gulat din ang itsura nito sa kaniya. Nagpapalitan sila ng tinginan dalawa. Mga tinginan nakikita ko kay Razon at Hash kapag kinikilig sila sa isa't-isa. Sandali! Bakit may spark? Tama ba ako sa nakikita ko o namamalikmata lang ako. " So shes the bitchy ugly duckling girl na ipinalit mo sakin? ". Sambit nitong lalaki na nasa nakatalikod sakin. Ang husky ng tono ng boses niya. Sobrang manly. Pero sandali tama ba ako ng naririnig? Ipinalit sa kaniya! Umooo is he a gay? Huwag naman sana kasi basi palang sa hubog ng pangangatawan niya at kahit di ko pa nakikita ang mukha niya alam ko ng magandang lalaki siya. Kasi ang sarap sa ears nung boses niya. Parang inaakit ka ay hehe bad Rana. I mean parang mapapasunod ka kaagad nito sa gusto niya. " S-Shonie? ". Malamig na tawag naman sa kaniya nun lalaking galit sakin at plinano akong sampalin. Hindi ito makapaniwala ngayon na nakaharap niya si Shonie. Ay wait! Shonie? " Shonie Natcher Valtocris? ". Wika ko para lingunin nila akong lahat. Pati si Shonie napatingin na din sakin. Pero di pa din niya binibitawan yung kamay nung ex niya. Oo Ex niya kasi sabi niya ipinagpalit siya sa babae at yung babaeng yun ay itong bitchy na kasama ngayon ng Ex niya. Kaso dapat pala di ko nalang siya tinawag sa pangalan niya. Kusang napaawang ang bibig ko nung makita kona ang mukha niya. Grabe! Nasa langit na ba ako o di kaya sa paraiso? Bakit ang gwapong nilalang nito, sinalo na niya ata lahat ng kagwapuhan sa mundo na pinaulan ni G. Paano ba naman ang Goddess niya. Aminado ako Oo na gwapo talaga siya pero mas gwapo pala talaga siya sa personal. Kaya naman pala crush na crush siya ni Razon e. Pero wit! So talagang bakla siya? His really a gay! " BAKLA KA FOR REAL?????? ". Malakas kong pagkakasabi kaya mas lalong natuon ang atensyon nila sakin lalo na si Shonie. Dahil sa ginawa ko binitawan niya ang braso ni Ex niya. Hinarap niya ako ng maayos. Seryoso lang siyang nakatingin sakin. Umooo mukhang mali yun sinabi ko. Mali nga yata talaga! Di naman talaga siya bakla Rana. Naku mukhang madadagdagan ang magiging kaaway ko ngayon hapon. Baka di na ako makauwi ng buhay. G ikaw na pong bahala kina Nanay at Tatay pati kay Ate. Kung ito na po ang kapalaran ko maluwag kong tatanggapin. Pero di pa ako handa G. Please po another miracle pa! Ayaw ko pa madeadball. May pangarap pa ako G. Makatapos, magkatrabaho, magkaasawa syempre magkanaanak. Bumuo nang sarili kong pamilya for short po. Kaya G please help me po! Kasi naman Rana di ka nagiingat sa pananalita mo! Iniligtas ka na nga nung Goddess ay este tao nagawa mo pa siyang tawagin bakla. At sa harapan pa mismo ng napakaraming tao. Dahil nga si Shonie Natcher Valtocris itong nasa harapan ko nagsimula ng magkagulo ang mga tao. Kaniya-kaniya na silang bulungan at labasan ng phones. Matiim lang siyang nakatingin sakin. Diko mabasa kung anu tumatakbo sa utak niya. Ang bigat-bigat nito para diko malabanan. " S-Sorry I didn't mean wha————— uhmmmm ". Putol kong pagsasalita. Di ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinatak papalapit sa kaniya at hinalikan ako. Ramdam na ramdam ko ang mga labi niyang nakalapat sa labi ko. Sa sobrang pagkagulat sa nangyari halos manlaki ang mga mata ko samantalang siya nakapingit lang at tila ineenjoy pa itong ginagawa niya sakin. But I admit it, ang lambot ng labi niya. Sa sobrang lambot para na akong nasa cloud 9. Humigpit ang pagkakaalalay ng mga kamay niya sa likuran ko at beawang. Sobrang dikit na ng katawan ko sa katawan niya para maramdaman ko ang init na hatid nito. Kusang nanindig ang mga balahibo ko sa buong katawan. Anu itong pakiramdam na ito? Itutulak ko na ba siya? Oo dapat lang. pero bakit di sumasangayon ang katawan ko sa sinasabi ng utak ko. Bakit parang mas gusto pa nilang hayaan nalang ang ginagawa sakin nitong lalaki na ito o bading ewan ko kung anu ba siya. " Shonie!!! ". Tawag sa kaniya nung ex niya. Para mapamulat nga si Shonie at magtama ang mga mata namin dalawa. Marahan niyang binitawan ang katawan ko, pati ang paglayo niya sa mukha ko at sakin ay mabagal din. Nung talagang nakakalas na siya sa paghalik sakin ay hinarap niya yung istorbong tumawag sa kaniya. Epal kitang hinahalikan pa ako nun jowa niya hehe. " Let's finally call this off! You chose her than me, ipagpapalit mo nalang ako sa mukha pang paa! ". Matipid na litanya ni Shonie, pinasadahan niya ng tingin si Ate ghurl from head to toe. Bago pa man makausap na gumalaw yung Ex niya ay nakalabas na si Shonie ng Milktea House. Ako naman lutang pa din hanggang ngayon sa ginawa niya sakin. Oo bakla siya naconfirm ko sa huling litanya niya. Pero di yun ang issue ngayon. Umooo ninakaw ng isang bakla ang first kiss ko! Ang first kiss ko na nalalaan para taong mamahalin ko at mamahalin ako habang buhay. Sa dinami-rami bakit siya pa? Bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD