[Chapter 2]:Jowa!

2007 Words
Rana Pov: " Ghurl ali kana! Kain na atetch! ". Aya sakin ni Razon. Madaling-madali lang paano hindi kasi siya nag reses kanina. Inuna niya pa yung pakikipag video call sa jowa niyang na nasa karatig building lang din naman ng school namin. Magkaiba kasi sila ng school e. Suwerte nga ni bakla kasi mabait talaga si Hash. Diba ganda ng name. Hashtag! Chour corney ko haha. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko. Gutom na din naman kasi ako. Ayaw ko sa lahat e nalilipasan ako ng gutom nangangagat kasi ako ng tao haha joke di kasi for me food is life. Sobrang importante nito sa buhay. " Bakla! Treat mo ako! ". Wika ni Razon ngayon naglalakad kami papunta ng canteen ng school. Yapos-yapos nanaman niya braso ko na dinaig pa namin mag jowa. Sana nga lalaki nalang itong si Razon baka sakali magkajowa pa ako at siya yun haha kaso di ako type nito e. Tsaka diko din naman siya crush kasi nga nakamind set na sakin na bakla siya. Tsaka friends lang talaga kami ni bakla. Bestfriend! " Dito na tayo ghurl maupo! Para malapit sa counter dito nalang din naman vacant e! Puno na lahat. ". Offer ni Razon sa round table malapit sa mismong tindahan dito sa canteen. Di na ako sumagot pa at naupo nalang. " Anu gusto ko ghurl? ". Tanong niya. " Ikaw! ".  Banat ko na ikinaawang ng bibig niya. Lumabas naman ang mga ngipin ko at ngirit na ngirit sa reaksyon niya. Pinagsingkitan niya ako ng mga mata ng makarecover na siya sa banat ko. Na gets niya na siguro na inaasar ko lang siya. " Ikaw na haliparot ka! Trip mo nanaman ako ah ". Ani niya sabay tawa ko. " Haha e paano nga kung ikaw ang gusto ko ha Razon? ". Tanong ko. Nagroll eyes ang bakla. Mas lalo akong napangirit sa inaasal niya. Wala na talaga siyang pag-asa pa na tumino at maging lalaki pa ulit. " Tigilan mo ako Rana ah! Di nakakatuwa. Nakakadiri ka ghurl! Di tayo talo. Anu ba kasi gusto mo except me? ". Bago ako sumagot pinagtawanan ko muna siya na ngayon e salubong ang mga kilay. " Haha Ikaw naman bakla di ka na mabiro. Alam ko naman fafables ang hanap mo e! Sisig ang gusto ko tsaka isang soft drinks that's it! Thank you bakla! ". Pagpapacute ko na. Panigurado inis nanaman ang bakla sakin. Madali talaga siya mapikon kapag sa mga ganun biruan haha. That's why I love to tease him. " Okay! Umayos ka Rana ha! ". Banta niya pa sakin. Bago siya umalis para umorder ay tinawanan ko muna siya, sinamaan lalo ako ng tingin ng bakla sabay flip ng hair patalikod. Feeling may long hair kahit short hair lang naman siya, with matching irap pa. Confirm bakla nga talaga siya! Sayang gwapo pa naman haha. Habang hinihintay ko si Razon, kinukutingting ko itong mga tissue na nasa harapan ko. Pinagpupunit ko siya at gumawa ng origami made by flower. Mahilig kasi talaga ako gumawa ng mga ganito, tsaka favorite subject ko nun high school is MAPEH! Pero naiba landas ko pagdating sa college. Naisipan kong mag nursing kesa sa industrial arts ang kunin ko. Gusto ko kasi makatulong sa kapwa ko tsaka syempre be practical na din mataas ang suweldo tsaka in-demand sa ibang bansa ang mga nurse. Tumunog bigla yun phone ko, mahina lang. Kinuha ko ito sa bulsa ng blouse ko. Chineck ko kung anu mayroon. " Hmmm si Ate lang pala.... nangangamusta? ". Nagtaka ako sa text niya sakin. Ate kong maganda daw: Hey sissy! kamusta school? Ako: It was fine why do you ask? And how bout yah! Ate kong maganda daw: !!!!!......... :) Ha? Anung text niya? Napaisip ako sandali at muli siyang nireplayan. Diko gets reply niya ang jeje kasi haha. Pasuspense pa naman si Ate daming alam. Ang sabihin niya mayroon nanaman silang gimik ng mga beshies niya. Ako: Ate? anu yun! Ate kong maganda daw: Let's meet up after your class. At Milktea house malapit diyan sa school mo. May sasabihin ako sayo importanteng mahalaga! Tumaas ang dalawa kong kilay pagkabasa ng reply niya sakin. May sasabihin siya anu naman kaya yun?Tatanungin ko sana siya kung anu yun pero naisip ko huwag na lang. Magkikita naman kami mamaya e. Di puwedeng di ko siya siputin. Sa kaniya na din ako sasabay pauwi tutal naman may sarili na siyang kotse. Ganun talaga kapag may trabaho na may mapagkukunan ng income hehe. Ako: Okay! see yah later Ate kong maganda daw: K! Just wait me their okay. Or else I will post your pictures wearing elepant costume HAHAHAHAHAHA Happy pill lang ako ni Ate? Napangiti nalang ako sa pang-aasar niya. Inoff ko na phone ko kasi dumating na din si Razon dala ang food namin inorder niya. Pinasadahan ko siya ng mga sulyap. Kalmado na ang ekspresyon ng mukha niya. Di na din salubong ang kilay niya. Bilis talaga maka move on nitong si Bakla e. " Oh naito na order mo ghurl! At ito..... naman ang akin ". Wika niya sabay abot sakin nun sisig ko at drinks. " Di ka ba nagsasawa diyan Razon? paulit-ulit mo nalang inoorder iyan beef steak mo! Di ka ba nauumay sa gravy? ". Kuwestiyon ko sa kinakain niya ngayon. E kasi naman pansin ko iyan ang araw-araw niyang inoorder dito, kung ako siguro siya naku sawa na ako sa halos isang buwan na pagkain ng iisang putahe lang. Umiling siya pagkalunok niya sa laman ng kaniyang bibig. Tinuro niya ako gamit ang tinidor na hawak niya. " Stick to one kasi ako ghurl! ". Giit niya. Tumaas ang dalaw akong kilay sabay iling. " Sa relationship lang usapan na dapat stick to one hindi pati sa araw-araw mong kinakain. Iba din sikmura mo bakla! ". Ani ko pa. " Kumain ka nalang ghurl sayang lalamig pagkain mo ". Atas niya. Sinunod ko nalang siya. Nagsimula na akong kumain. Nakafocus lang ang atensyon ko sa sisig na nasa harapan ko. Sinulyapan ko si Bakla. Busy sa phone niya kasi nag IG (i********:). " Aaaayyyyyy!!!!! Ghurl! Ang gwapo ng fafa! ". Sambit niya. Sabay harap agad sakin nung pink na phone niya. Oh diba bakla talaga siya haha. Dinaig pa ako sa color e. Kasi naman blue favorite color ko. Ayaw ko ng pink kasi masyadong girly atleast sa blue wala pakiramdam ko ang chill lang ng kulay na yun. It reminds me of the sea's na talaga naman nakakarelax lalo na kapag nakikinig mo ang mga alon nito. " See? see? ". Kulang nalang ingudngod niya sakin yun cellphone niya. Hinawakan ko ang kamay niya kasi naduduling na ako sa likot nito. " Yan ang stick to one ah! ". Buwelta ko sa kaniya after kong makita ang picture ng Oo gwapo ngang lalaki. Binawi niya yung kamay niya papalayo sakin at muling pinagpantansyahan ang larawan nun lalaki. " Stick to one naman ako talaga! ". Dipensa niya. " Kapag nandiyan si Hash? ". Ani ko sabay ngisi. Kinagat niya labi niya sabay irap sakin. " Hindi. Always! Always akong faithful sa asawa ko! ". Asawa agad? Di ba puwedeng boyfie niya lang muna kasi yun naman talaga sila mag boyfriend palang. Mga tao talaga ngayon napaka advance! Debale sarili niya naman iyan pakealam ko ba sa lovelife niya haha. " Ang Hot talaga ni Fafa Shon ". Nakatingin lang ako kay bakla na kulang nalang malumod yung kutsara niya kasi ngat-ngat niya ito habang hinuhubaran na ng mga mata niya ang walang kamalay-malay na si Shon sa picture nito. " Bakla laway mo nagtutulo na. Kadiri ka! ". Giit ko sa kaniya. Nilingon niya ako sabay pout na tila nagpapacute. Hindi ko na siya pinansin. " Gwapo nga bakla naman! ". Bulong ko pero mukhang narinig niya. " Hoy! Teh di daw talaga siya bakla! ". Dipensa ni Razon sa idol niya. " Anung hindi, madaming rumors at pictures na lumalabas siya kasama ang jowa nitong lalaki! ". Sambit ko sabay subo ulit ng pagkain. " Ghurl! Kung bitter ka huwag mo idamay si Fafa Shonie. His not totally a gay. Bi siya anu! Bi na sobrang Hot at gwapo!!!! ". Lumiliwanag ang mga mata ni Razon habang dinedensahan pa rin niya si Shon o Shonie sakin. " What ever! ". Roll eyes ko. Nawala ako sa mood bigla. Diko alam bakit haha. Tinotopak nanaman ako siguro. " Bi, bakla, trans gender, BADING PA DIN YUN!!! ". Wika ko at sinadya ko talagang iriin sa kaniya ang mga huliting salita na binitawan ko.  This time muli nanaman akong nang irap kay Razon. Pero dineadma niya lang ako at nagpatuloy sa pagpapantasya kay Shonie. " Makakain na nga lang! ". Ani ko sa sarili ko. Sunod-sunod kong isinubo yung kinakain kong sisig. Ang sarap e tsaka pampatanggal inis. Bakit nga ba ako naiinis? kasi naman nakakainis yung mga gwapong lalaki na nagiging bakla lang. Holy moly can you imagine. God made them for girls tapos magiging bakla lang sila. Kagaya nitong kaibigan ko na to. May jowa. Oo Happy naman ako para sa kanila, wala naman issue kung bakla siya o sila. Ang akin lang ako talaga nanghihinayang sa kagwapuhan nila na dapat kaming mga babae ang nakakaappreciate hindi kapwa nila...... " Ghurl! Nag message si Ate Ashiel sakin! ". Nasa katinuan na niya ulit itong si Razon. Kaya hinarap ko na siya ng maayos tapos na din naman kasi ako kumain. " Anu daw sabi? ". Matipid kong tugon. Walang gana niya akong sinagot kasi nakain pa din siya. Inuuna kasi kaharutan bago paglamon. " Huwag mo daw kakalimutan lakad niyo, saan kayo ghurl? ". Sagot niya. " Ha? Wala naman kami lakad e magmemeet up lang kami diyan sa Milktea House ". Anu nga kaya kailangan sakin ni Ate. Parang ngayon nalang ulit niya ako niyaya dahil pareho kaming busy. Siguro namiss niya lang ako makabonding. Baka itetreat niya ako hehe sana! Galante naman yun e. " Meet up! Anu mayroon? ". Ungkat pa ni bakla. Nagkibit balikat ako habang inaayos ko na ang sarili ko. Nanalamin ako gamit ang mini mirror na si Ate pa mismo nagbigay sakin. " Baka irereto ka na din haha! ". Sinulyapan ko siya ng naniningkit na mga tingin bago ibinaling ko din ulit sa salamin ang atensyon ko. " Ghurl mag jowa ka na kasi! ". Sambit niya pa sakin. " Ayaw ko nga Bakla wala sa vocabulary ko yan ". Ani ko. " Para try lang e. edi kapag di nag work. stop ka na muna ulit ". Suhestiyon ba yun sinabi niya?Para di ako sigurado. " Anu ba gusto mo sa lalaki Rana ha? ". Tanong niya pa. Biglang naging manly ang tono ng boses niya. " Wala! Basta mabait, at mahal ako yun lang! ". Matipid kong wika. " Ang chief mo naman ghurl ". Pagbabakla nanaman ng tono niya. Nagawa pa akong insultuhin. Magtatanong-tanong siya tapos lalaitin lang ako. Isinilid ko na sa bago ang mga make up kit ko. Nag lip tint lang ako pulbo tapos slight na blush-on tapos, tapos na. Di naman kasi ako ganun kahilig mag ayos tamang simple lang. " Di man lang ba maglelevel up tipo? Katulad nung mga HOTspot guys. Sila Vance, Clexx, tapos yung manager nila si Shonie! ". Ayan umuusok nanaman puwet ni Bakla sa kilig. Napailing nalang ako. " Kahit sino pa man mga Hot o gwapo na lalaki yan wala pa din ako planong mag boyfriend Razon. Distraction lang sila! Gagraduate na ako ayokong maantala pa pangarap ko! ". Wika ko. Tinanguan ako ng bakla. " Okay sabi mo e! High blood ka nanaman ghurl e haha para nitatanong ko lang naman. Bakit parang kasalanan ko? ". Paggaya niya pa kay Bea alonso. Hindi ko na siya sinagot pa at hinila na siya papabalik sa room para kunin mga gamit namin. After kasi nito uwian na din naman. Kakatagpuin ko pa si Ate sa Milktea House kaya kailangan ko na ayusin mga gamit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD