Rana Pov:
'Wag kang maniwala d'yan, 'di ka n'ya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya
Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka
Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n'ya
Isang pamilyar na kanta ang bumuhay sa diwa ko ngayon umaga. Ganiyan ko parati sinasalubong ang pagpasok dito sa campus. Bukas ang Auditorium room ala sais palang ng umaga, binibuhay nila ang FM at saka makikinig ng mga local songs, minsan na akong nagrequest pero di pa nila yun napapansin. Madami kasing nagbibigay ng mga messages nila sa page nitong campus kaya siguro natabunan na rin yun kanta na nirequest ko.
Dibale, puwede naman akong magpadala nalang ulit ng request sa kanila. Pero sa ngayon iintindihin ko muna yung upcoming thesis namin. By the way I'm Ahsrana Chane Aguilar, 19 years of age mula sa kursong nursing. I'm a graduating student here at PUP kaya bawal makaencounter ng kahit na anung puwedeng makahadlang sa pagkamit ko ng tagumpay.
Hindi kami mayaman and we aren't also poor. Tama lang! May trabaho mga magulang ko, tapos na din sa pag-aaral si Ate. Yeah I have a sister. Seven years ang tanda niya sakin, layo ng gap namin anu. Parang di inaasahan may susunod pa sa kaniya haha. Para akong putok sa bao na bigla nalang dumating pero di naman. Mahal na mahal nila ako at mahal na mahal ko din sila. Kaya nga nagsusumikap ako sa buhay e para masuklian ko naman lahat ng effort nila para sakin.
Nasa corridor ako ngayon nitong klase namin sa Mabini. Pangalan ng room sa last subject namin these morning. " Rana! ". Tawag sakin ni Razon! His real name was Razonelle! Razon Tawag ko sa kaniya para mas manly kesa sa Nelle na lumalabas lalo ang kabaklaan niya. Yep! His a gay, my one and only gay friend. Nagkakilala kami highschool palang dahil same course muli nanaman pinagtagpo ang landas namin.
" Anu yun bakla? Gutom ka nanaman.... aakitin mo ako sa canteen? ". Hindi ko na kailangan pang hintayin ang sasabihin niya kasi iyan lang din naman mga salita ang lalabas sa bibig niya. " Haha ikaw ha! You know me na talaga! But nah Ghurl! Di kita yayayain. Sasabihin ko lang sana sayo na di ako makakasama sayo te pag-uwi..... di kita masasabayan today! you know may lakad k———— ".
Pinutol ko kung anung sasabihin niya. Alam ko na kahit do niya ituloy. Niyaya nanaman siya ng boylet niya na magdate kaya magagawa niya nanaman akong iwan mag-isa at pabayaan umuwi din mag-isa. " Okay na bakla! No need to explain gumora ka na! Carry ko na self ko! Basta enjoy nalang kayo ng jowables mo ". Ipinaypay ko pa sa harapan ng mukha niya ang kamay ko na tila ba binibugaw kona siya. Kahit mamaya pa naman ang uwian.
" Di ka naman galit? ". Wika niya. Ngumiti ako sa abot ng makakaya ko. (Sarcastic smile) Hindi naman ako galit e. Naiinis lang ako kasi simula ng magkajowa siya nahahati na oras niya. Selfish ba? E kasi siguro nasanay lang ako na parati kaming magkasama. Tapos nun nagkaboyfriend siya isang iglap lang ayan na nawalan na nga siya ng oras sakin.
" Hindi nu! Naiintindihan ko naman. Di na tayo tulad pa nung high school. Mayroon na akong kahati sa oras mo! ". Sambit ko sabay iwas ng tingin sa kaniya. Sinandal ko ang sarili ko sa railings nitong corridor. " Ayyy ang bakla nagdrama. Asus! Yan ba di galit? ". Panghihinuyo niya sakin.
" Di nga ako galit! ". Giit ko ng di siya tinitignan. " Pero nagseselos lang? ". Dugtong niya. Hindi ako nagsalita kasi siguro nga yun ang nararamdaman ko. Nagseselos ako sa boyfriend niyang mas mahalaga na sa kaniya ngayon kesa sakin na bestfriend niya. Naramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa braso ko. Hinilig at isinandal niya din sa balikat ko ang ulo niya.
" Ghurl! Huwag ka na magtampo... alam mo naman loves na loves kita. Babawi nalang ako sayo next time..... ikaw kasi nirereto na kita kung kani-kanino sa gwapong mga papas diyan but you always isnab-isnab them! Naku Ghurl paano kita mahahanapan ng jowa niyan para naman di lang ako ang Happy! ". Wika niya para tignan ko siya.
Nasisise pa talaga ako ng bakla. Kasalanan ko bang di ako malandi gaya niya haha. E kasi nga wala din naman akong time para sa mga ganun. Ewan ko ba dito sa bestfriend ko hilig akong iblind date sa kung sino-sinong kakilala niya o ng jowa niya na mga boylets. Oo mga gwapo nga naman pero ewan ko ba di talaga sila pumapasa I mean wala kasi ang isip ko sa word na Love, admiration, o anu pa man iyan.
Pero di naman ako abnormal. Nagkakacrush din ako sa mga artista tsaka may ilan na din akong naging crush dito sa campus pero nawawala din. Ganun talaga siguro kapag di ka pa naman talaga ready! Tsaka paghanga lang yun nawawala din.
Nakatingin na din pala sakin si Razon ng lingunin ko siya. Umawang ang bibig ko. " Alam mong diko kailangan ng jowa Razon! ". Ngumuso siya na parang pato sa haba ng nguso niya. Inirapan niya din ako sabay alis sa pagkakahilig at pulupot sa braso ko. " Like Hello! I'm nelle o nella sa gabi. How many times I have to tell you bakla! don't call me in my boyish name! Nakakaasiwa ". Bahagya akong napatawa sa paghalukipkip niya sabay roll eyes.
Akala mo ikinagaganda niya e gwapo naman siya haha. Kegwapo-gwapong lalaki sinayang lang niya. Sayang na sayang talaga. Kung siguro hindi ko pa halatang bakla siya baka napagkamalan kong straight si Razon. Baka naging crush ko din siya kaya lang babae talaga kasi siya kumilos e. Kung maka kembot halos mabali na buto sa beawang. Sobrang lambot niya at napakaarteng bakla pa. Pero kahit na ganiyan siya syempre laloves ko din siya. Parang sisteret ko na din kasi ang bading. Close din siya kilala Nanay at Tatay pati kay Ate.
Pinalo ko siya ng mahina sa balikat niya sabay tulak rin ng mahina. " Ang arte mo talaga kahit kailan anu. Pasalamat ka nga ang gwapo ng name mo. Katulad mo gwapo haha ". Asar ko pa sa kaniya. Muli siyang yumapos sa braso at dun nagmamakaawa na tigilan ko na siya sa pang-aasar. " Duuuuuh! Rana! It was not bagay sa beauty ko. Tsaka di ako gwapo dahil MA-GAN-DAH A-KO! Maganda okay! ". Giit niya pa, tinawanan ko naman siya sa inaasal niya.
Napahinto lang kami sa pag-uusap nun dumating na si Mr. Arkanhel ang huling subject teacher namin ngayon maga. After nito lunch time na. At balita ko wala ng klase mamayang 1:00 pm kasi daw mayroon meeting ang mga teachers for up coming ball nitong campus kasi nga po valentines na. Araw nanaman ng mga puso. Lalabas nanaman ang mga inlababo at mga feeling heart broken kahit wala naman sila. Kaya ako tamang crush lang para di masakit. Kaso sa ngayon wala muna akong crush. Mas interesado ako sa pag-aaral ko lalaki na graduating....... Study first baby! Study first muna.