Rana Pov: Maagap akong nagising kaya naisipan kong ipagluto si Natcher ng makakain niya. May alam naman akong ilang putahe kung kaya iyon nalang ang mga niluto ko. Kumpleto naman ang kusina niya sa mga sangkap na kakailangan ko kaya mabilis ko lang nagawa ang lahat. Nauna akong magising sa kaniya dahil mukhang pagod na pagod talaga siya kagabi sa trabaho niya. Kagabi akala ko di ako makakatulog pero mas naging mahimbing pa nga ang pagtulog ko. Hanggang paggising ko kanina di nabago ang posisyon ni Natcher. Nakayakap pa din siya sakin kaya nahirapan din ako makaalis dahil iniingatan kong maestorbo siya sa pagtulog niya. " Siguro nga ganito ang magiging role ko bilang fake wife niya. Haaayst bakit ba pinasok ko ang ganitong mundo! ". Bulong ko sa hangin. Pero okay na din. Ang gusto ko la

