Rana Pov: " Rana wake-up!, Rana! ". Rinig kong pagtawag sakin ni Ate. Nararamdaman ko din na hinahaplos niya ako sa pisnge ko. " Rana wake-up! ". Tawag nanaman niya pero hindi ko siya pinapansin. Patuloy lang siya sa paghaplos sa pisnge ko. " Uhmmm Ate anu ba!!! Kitam natutulog yun tao e ". Maktol ko. Narinig ko naman na tumawa siya. " Ganun na ba ako kabakla para pagkamalan mong ang Ate mo ha Honey! ". Wika niya para mapadilat ako. Tinignan kong mabuti yung lalaking nasa harapan ko. " Hindi ka si Ate ah! ". Wika ko sa kaniya. " Talagang hindi ako ang Ate mo! Dahil ako ang asawa mo ". Sambit niya para mapabalikwas ako sa pagkakahiga ko sa sofa. Pagangat napahawak ako bigla sa likuran ko kasi bigla nakang ito sumakit. Siguro sa ngalay. Agad naman akong inalalayan ni Natcher. Diko man la

