“Ito sa’yo, Mossa,” seryosong wika ni Carrie sabay abot sa akin ng aking test paper. Tahimik ang buong klase at wala ni sinuman ang nangahas na magsalita. Wala sa mood ang teacher na nasa harap ngayon dahil halos mabababa kaming lahat sa kaniyang exam. Kahit ako na kanina pa lutang ay parang ahas na lang na nagising. Nakakatakot. Marahan akong yumuko sa test paper ko. Nang makita ang eksaktong 10 over 50, napasinghap ako nang mahina. Kanina ay sinabing ten daw ang score ng lowest at twenty five daw ‘yong highest. Ngayong alam ko na ako pala ang pinakamababa sa klase, hindi ko alam kung paano na ito haharapin. I just freaking failed! Hindi lang ilang beses kundi sunod-sunod! Mariin akong pumikit habang nakayuko sa test paper. Kinokontrol ko ang sarili ko upang hindi ito malukot lalo

