Nang dumako ang biyernes, hindi pa rin naiwaksi ng isipan ko kung ano ang ginawa ni Risha. Sariwang sariwa pa ang lahat, na pa bang kahapon iyon nangyari kahit ilang araw na ang nakalilipas. I kept on asking myself. ‘Di kaya ay sinulsulan siya ng mga kaibigan niya? Pero hindi iyon ang pagkakakilala ko sa kaniya. Deep in my heart, I know who she is. Hindi niya ako magagawang ipahiya nang ganoon. Kung may mali man talaga sa alam ko at sa report ko, sana ay sinabi niya sa maayos na paraan. Inaamin ko naman na kasalanan ko dahil hindi ko iyon pinaghandaan ngunit kung iba ang nasa sitwasyon ko, nasisiguro ko na maiintindihan nila kung bakit ko nararamdaman ito. Because considering that I should have been better, sana mas nagtanong siya nang maayos. Sana hindi niya ako ipinahiya nang gan

