Chapter 02

2298 Words
Gusto ko sanang sabihin kila Mommy ang tungkol dito ngunit para akong nawalan ng lakas ng loob. Iyong feeling na para bang nahanap ko ang katapat ko at sa isang iglap ay nawalang parang bula ang tuwang naipon. Ngayon kung kailan kaarawan ko pa. "Anyare sa'yo?" tanong ni Carrie nang lumabas ako ng kwarto. Nagbihis ako ng light wash jean at baby pink warmer sweater. I also tied my hair in a ponytail and let the cold winds from the open window blew my skin. Bahagya akong nanginig sa lamig na dulot nito at kinilabutan. Umiling ako. Tumayo siya mula sa sofa at tumabi sa akin. "Bakit mo natanong 'yan?" She leered and adjusted the straps of her dress. Saktong sakto sa kaniya ang striped top na ipinahiram ko. "Para ka kasing tinanggalan ng kaluluwa. Ano bang nangyari sa labas at parang nawalan ka ng sustansya?" she asked, tinutukoy ang akto ko nang makapasok muli ng mansion kanina. Basang basa ng ulan ang ball gown ko at ang buhok ko ay parang kinalahig ng manok dahil sa hangin. Mabuti na lang at sinundo ako ng tauhan kanina, kung hindi ay baka na-stuck pa rin ako sa shed hanggang ngayon. Na-chat ko na si Ada tungkol doon. Grabe ang pag-aalala ng kuya niya sa kaniya at sobra akong natakot dahil baka may mangyaring masama kung tumulak na agad sila sa dagat. Lubhang delikado ang anumang byahe dahil sa panahon at hinding hindi ko iyon kakayanin sa oras na mapahamak sila. Goodness. Wala na akong sinabi pa kay Carrie. Tuloy-tuloy kaming bumaba ng staircase at sinalubong sa baba si Mommy at Daddy. "Ingat kayo sa after party. Text na lang ka'yo para masundo kayo ha?" nag-aalalang wika ni Mommy. Ngumiti ako samantalang si Carrie ay pinairal ang kadaldalan. "Opo tito at tita. First night club ito ni Mossa kaya ie-enjoy namin." "Naku," si Daddy. Natawa na lang si Mommy at nilapag ang hawak na kopita. "Oh sige, basta Mossa, anak. Huwag kalilimutang mag-update ha?" "Opo." Naglakad na kami patungo sa garahe. Namataan ko pa ang venue na ngayon ay dahan-dahan nang nililigpit. Tumingin ako sa orasan at napansing alas sais na pala ng gabi. Napabuntong-hininga ako. Why do I feel so bothered? Oo. Kasalanan kong hindi ko pinigilan sila Ada pero hindi ko naman kasi alam na bubuhos ang ulan kung kailan sila aalis. Malay ko bang darating ang kuya niya at magagalit sa akin nang ganoon? Pero tama bang magalit siya sa akin at murahin ako? Sa totoo lang, matagal ko nang nakikita ang kuya ni Ada, sa Agunaya pa lang. Sa tuwing napapadpad ako sa kanila, tahimik lang iyon at seryoso lagi sa ginagawa. Napaisip tuloy ako kung paano nakaka-survive si Ada nang ganoon ang kasama sa bahay. Ubod ng sungit. Sumakay kami sa Pajero, kasama ang personal driver na hinabilin ni Daddy. Kapwa kami umupo ni Carrie sa backseat. As usual, umiral na naman ang kaniyang kadaldalan. Nang umandar na ang sasakyan, saka niya ako sinundot sa tagiliran. Agad akong napangiwi dahil sa kaniyang ginawa. "Oh? Bakit?" kunot-noo kong asik. Naningkit ang mga mata niya at masugid akong pinag-aralan. "Anong nangyari sa labas kanina?" "Anong labas?" "Sus! Sa tabing kalsada kung saan ka pumunta para sundan sana sila Dok at Ada. Pagkabalik mo kasi ay para kang basang sisiw. Tapos halatang namumutla ka pa. Hindi ka naman siguro nilunod ano?" Umirap ako at lumingon sa bintana. Umaambon pa rin at nadepina ng tubig-ulan ang malabong door glass nitong sasakyan. "Nilamig ako kaya ganoon..." palusot ko na agad naman yata niyang pinaniwalaan. Patungo kami ngayon sa after party na magaganap sa night club sa sentro. Mukhang kanina pa iyon nagsimula at kaming dalawa na lang ni Carrie ang hinihintay. Masyado kasi akong preoccupied sa kwarto. Thirty minutes na tulala, twenty minutes sa banyo, ten minutes sa pagbibihis at pag-aayos ng sarili, akalain mong natuos ko iyon? On the other hand, pinilit ko na rin talagang ibalik sa dati ang posture ko. With assurance of live personality, energetic trait, and zealous attitude, ganito dapat ang debutant. Hindi 'yong parang pusa na kikime-kime matapos sigawan ng amo. Nang marating ang club, isang bouncer ang sumuri sa amin. Now that I'm eighteen, finally, I'm now allowed to go to this kind of stuff. Aba, kahit naman kasi naglalandi ako nang patago, hindi ko naman sinusuway ang pumasok dito. Saka malalaman din nila kung sakali mang i-report ng bouncer. Sa lakas ng impluwensya ng daddy ko, imposibleng hindi nila malalaman ang tungkol dito. Patay-sindi ang ilaw nang makapasok kami ni Carrie. Halos mabingi kami sa lakas ng tugtog at ang bawat isa ay abala sa dancefloor, sumasayaw. May nakakilala agad sa akin. Malakas niya akong binati at narinig iyon ng marami. Ang ending, napilitan akong i-entertain lahat ng nagsilapit sa akin lalo't pamilya ko naman ang nag-sponsor ng event na ito. Iginiya kami ng isang assistant sa VIP area. Nang makaupo ay nag-order kaagad si Carrie ng light wine at binalik ang atensyon sa akin. "Ilang beses mo na rito?" inosente kong tanong. Masyado akong nanibago dahil sa ambiance pero overall, okay naman. Medyo awkward lang dahil sa mga lasing at overacting kung sumayaw. Akala mo'y wala ng bukas eh. "Five or six? Idunno." Dalawang buwan ang tanda sa akin ni Carrie. At sa dalawang buwang iyon, naka lima na siya? Grabe, ni hindi ko alam kung magagawa ko pang bumalik dito. Mas gugustuhin ko pa sa tahimik na lugar kaysa sa ganitong tila nagkakagulo. Napansin yata ni Carrie ang iniisip ko kaya mabilis siyang tumawa. "Masasanay ka rin. Sa una lang 'yan." I don't think so. Ako kasi iyong tipo na hindi kumportable sa mataong lugar. Though karamihan ay kakilala, hindi okay sa akin ang ingay. Nawawalan kasi ako ng enerhiya. Hindi naman sana ako introvert pero ganoon na talaga ako, bata pa man. I like the sound of the beach and the crashing of the waves from afar. Lumaki yata akong halos araw-araw kung bumisita sa dagat. Iyon lang kasi ang paraan ko upang makapag-relax. Na para bang iyon ang unan ko sa magulong mundo. Nature has one of its best ways to console me and that is the tune of its voice. Nang dumating ang wine, napakurap-kurap ako sa kung paano nilagok ni Carrie ang nasa glass. Tuloy-tuloy iyon at walang tigil. Grabe. "Light lang iyon Mossa, ano ba?" Ngumiwi ako at napatitig sa wineglass na nasa harap ko. Seryoso? Iinumin ko talaga ito? Iaangat ko pa lang sana ang ulo ko nang mapansin na may naglalakad palapit sa amin. Tinutop ko ang bibig ko habang si Carrie ay nagpapaypay sa sarili. "Omg, si Jaguar," eksaherada niyang bulong. Napangiti ako nang bahagya dahil hindi napigilan. Tumayo si Carrie at sinalubong ng ngiti si Jaguar. Hala? Ano ang gagawin ng babaeng ito? "Hi Jaguar! Buti ay nakadalo ka!" ani Carrie at dinampot ang wine glass sa mesa. Napansin ko kaagad ang simpleng sulyap sa akin ni Jaguar at mabilis ding ibinalik kay Carrie. "Ah hehe, kailangan e. Sorry kung late, may inasikaso pa kasi sa bahay," sabi niya at inangat ang kamay upang himasin ang batok. "Okay lang 'yon. Halos kararating din naman namin ni Mossa. Anyway, ikaw na lang sana rito sa pwesto ko para may kasama ang debutant. May pupuntahan kasi ako sa dancefloor." Namilog ang mga mata ko. Lintik na 'yan. Sabi ko na nga ba! "Sure. No problem..." ani Jaguar. "Okay! Thank you." Parang kidlat na umalis si Carrie at iniwan akong tulala kasama si Jaguar. Hindi naman sa naiinis pero masyadong biglaan. Ni hindi ko alam kung anong sasabihin ko rito at anong pag-uusapan namin. Natatameme pa naman ako at nai-intimidate. Knowing na mataas ang lebel ng lalaking iyon, hindi na ito tulad ng iba na madaling biruin. Umupo siya sa bakanteng upuan na iniwan ni Carrie. Para akong tuod na hindi makapagsalita at sinusundan lang ang bawat kibot ng kaniyang galaw. Ano kayang sasabihin ko? Ako ba ang mauunang magsabi ng hello? Naroon pa rin kasi ang hiya ko dahil sa sayaw namin. Kahit na-execute naman nang maayos, iba pa rin ang naging epekto dahil sa sigawan ng mga kaibigan ko. Leche. "How was it? I hope you had a great day," aniya. Napaisip ako kung gagalawin niya ba ang bote ng wine sa aming harap at iinom mula roon. Umiinom kaya siya ng alak? Tipid akong ngumiti. "Ayos naman. Sana nga'y araw-araw debut para araw-araw din ang saya," biro ko. Natawa naman siya nang bahagya. "Hmm, anong plano mo ngayong eighteen ka na? You're now allowed to have a boyfriend?" Bahagya akong nagulat dahil iyon ang kaniyang tanong. To be frank, hindi ko alam kung oo. Allowed ako pero tulad ng sabi ko, parang nawala ang thrill. A part of me is saying that secretive relationship is better than that of known publicly. And I think I have to deal with it since I'm seeking for adventure. "Yes, I'm allowed." Tumango-tango siya sa sinabi ko. Nanaig pagkatapos ang maingay na tugtugin sa dancefloor. Buti na lang at nandito kami sa VIP. Naging way pa iyon upang marinig namin ang sinasabi ng isa't isa. "Kayo, 'di ba 21 ang debut niyong mga lalaki? Are you even allowed by your parents to have a girlfriend prior to that age? Or hindi na?" Saglit niyang pinaglaruan ang kaniyang labi at matiim na tumitig sa akin. "Depende sa magulang. Majority naman ay maluwag pagdating sa lalaki. At kung maitatanong mo lang rin, yeah, wala pa akong balak mag-girlfriend." Oh, that's nice for him though. "Focus ka muna sa pag-aaral mo?" Tumango siya. Alright. "Pero kung gugustuhin at kaya namang pagsabayin, why not," habol niya. "Oo nga naman. So wala ka pang naging girlfriend?" Tumango siya. Lakas. Well, hindi mo rin masisisi. Tingin ko nga'y nawawalan na siya ng oras para sa ganoong bagay. To think na ang dami-dami niyang responsibilidad sa school, mahirap sa part niya na gugulin pa ang oras para sa walang kwentang bagay. I'm not saying that love life is just a useless s-hit, but come on. Magandang point upang sabihin na hindi naman tayo nag-iinvest para sa future kung puro love life ang nasa isip. Natawa ako. Ang hipokrito ko naman. Coming from a mind of a girl with endless flings huh? "You don't drink?" tanong ko. Ngumiwi naman siya. Oh nice! Nakahinga ako nang maluwag. "Parehas tayo!" Tila eksaherada akong ngumiti. Akala ko kasi ay mapipilitan akong uminom. Magmumukha siguro akong bugak kung lalagok ako at hahagod ito sa aking lalamunan. Iisipin ko pa lang ay magmumukha na akong praning. Ngumiti siyang lalo. And heck! Ngayon ko lang napansin na may suot siyang kwintas at kuminang ang pagiging silvery nito dahil naka black v-neck shirt siya. "Uhm, won't you mind if I tell you the reason?" he asked. Mabilis akong tumango. "Go lang." "Ipinagbabawal kasi ng church namin na uminom kami ng alak, or I shall say, ang magpakalasing." Bahagya akong natigilan sa sagot niya. Oh, banal. Hindi ko alam pero sa rasong iyon, lalo akong humanga sa kaniya. Akalain mong hindi lang ubod ng talino? Sobrang bait siguro niyang kaibigan at... kasintahan. Shems Mossa. Sobrang ideal na niya. Asa ka! "Born again christian ka?" I asked his religion. Tumango siya. "Roman catholic naman ako," sabi ko. "Hindi naman problema ang relihiyon. Ang mahalaga ay ang relasyon mo sa Kaniya," sambit niya at tinuro ang hintuturo sa itaas. Ngumisi ako at sumang-ayon. Amen! I'm happy to know this side of him. At lalo yata akong nahulog dahil nalaman kong banal siya. Marami kasi sa mga lalaki ngayon ang may mindset na para bang hindi nila ikaka-cool kung spiritual sila. But a lot of women are attracted to religious one. Nail it. Should I say that this after party was only focused to Jaguar? Dahil sa tatlong oras na narito ako, nanatili lang kami rito sa mesa at nag-usap ng kung ano-ano. Karamihan ay tungkol sa mga school activities na idaraos sa mga darating na buwan. Bukod doon, wala na. For all the time while I'm with him, hindi ko namalayang naging kumportable na pala ako. Akala ko noong una ay mahirap para sa akin ang makipag-close sa kaniya, pero akalain mo 'yon? Kung mag-usap kami kalaunan ay parang matagal na kaming magkakilala. Ang gaan bigla ng loob ko sa kaniya. Alas nuwebe y media ng gabi nang ako ay makauwi. Deretso kaagad ako sa kwarto at kinuha ang phone. Kumusta na kaya sila Ada? Nasaan na kaya sila ngayon? Nakauwi na kaya sila? Umupo ako sa kama at pinindot ang Pazelite app. Namilog ang mga mata ko nang makitang online si Ada. Agad akong nag-type ng sasabihin. Ako: Huy, nakauwi na ba kayo? Kamusta? I-update mo naman ako please. Hindi ako makahinga sa sobrang kaba. Dahil kung magkataon na na-aksidente sila, sa akin ang magiging tama ng konsensya dahil dito sila sa amin nanggaling. Mabilis kong binasa ang reply niya. Adalyn Laroque: Ays n. Kumunot ang noo ko. Ganito ba talaga ang chat style ni Ada? Shortcut? Di bale na. Ako: Pumunta rito ang kuya mo kanina. Grabe pala, saksakan ng sungit. Murahin ba naman ako. Kuya mo ba talaga 'yon? Matagal ang typing ng mensahe niya. Kaya ang ginawa ko'y binaba ko muna ang phone at pumunta sa walk-in closet upang magpalit ng nighties. Nang makabalik sa phone at tingnan ang reply ni Ada, napapikit-pikit ako. Adalyn Laroque: Ingat k s mga sinasb m. Kaloy ito. Potek. Seryoso? Jejemon? At ano uli ang sabi? Ingat ka sa mga sinasabi mo. Kaloy ito. Iyon kaya iyon? Eh teka, sino ba si Kaloy? Wala naman akong kilalang ganoon? Ako: Hacker! Sino ka? Tantanan mo ang account ng kaibigan ko! But then, my knees trembled when a message popped up. Muli akong nawalan ng lakas at nanghina sa pangalawang pagkakataon. Adalyn Laroque: Kuya nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD