Chapter 20

2204 Words

Ilang oras din kami sa school supplies store. Tatlong kahon ang dami ng aking nabili at nagkakahalaga iyon ng halos anim na libo. Malaki man ang halaga, hindi ako nanghinayang dahil may patutunguhan naman ang lahat ng ito. Kahit sa munti kong paraan, ang mahalaga ay nakatulong ako.   Naitanong ko na rin kay Kuya Kaloy kung mayroon ba siyang green shirt na maaring gamitin bukas. Mayroon naman daw kaya hindi na kami nag-abala pa upang bumili nito.   Alas tres nang makauwi na kami ng bahay. Tulad ng lagi kong nakikita, naka-abang sa terrace si Larina. Hindi na ako nagulat pa sa ngiti niya at sa nagniningning niyang mga mata. Batid kong hindi naman manhid si Kuya Kaloy tungkol dito. Bigyan ba naman siya ng pabaong meatloaf na heart-shaped at kung ano-ano pang-umagahan. A simple move screa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD