Hindi ko alam kung may halo bang pagtatampo o inis ang mga nasabi sa amin ni Kuya Kaloy. Ang malinaw lang sa akin ngayon ay ang hindi niya pagsang-ayon sa ideyang susunduin ako ni Jaguar. Ganoon nga yata talaga siya kaseryoso sa trabaho niya na kahit katiting na sandali, hindi niya pagbibigyan. “Pasensya ka na. Ganoon lang talaga iyon si Kuya Kaloy,” agap ko sa katahimikan habang naglalakad na kami patungo sa gym. Nahihiya namang sumulyap sa akin si Jaguar at marahang tumango. Ang sama talaga ng ugali ng driver na ‘yon. Bigla-bigla ba namang sumingit. Pwede naman niyang patapusin si Jaguar kanina sa sinasabi bago sana magsalita at magpaliwanag ‘di ba? Hindi ‘yong magugulat na lang kami dahil bigla siyang sumulpot na parang kabute. Naiinis ako. Ramdam ko ang pagkapahiya ni Jaguar da

